Umuwi kami ni jomar nang maaga galing party.At pag kauwi na pagka uwi, binungangaan nya agad ako at sinigawan...
Halos magkanda iyak iyak ako sa sakit na nararamdaman ko, sa bawat masasakit na salita na lumalabas sa bibignya.
Sobra akong nasasaktan.
Gusto kong mapagod! Gusto kong gumising sa katotohanan na hindi na nya ako mahal gusto ko nang mawalan nang pake sakanya.
Pero lintek!
Pano ko magagawa yun!? How!? Kung mahal na mahal ko sya, lintek naman.
Siguro nga ganito nalang ang buhay ko, puro malas... Sasaya saglit, tapos lungkot ulet.
Sawang sawa nako. Sawang sawa na.
Mag aalastres na nang madaling araw pero hindi parin ako makatulog, iyak lang ako nang iyak. Nag iisip ako kung kaya ko paba? Kung kaya paba nang puso ko.
Bumaba ako dahil gusto ko sanang uminom nang tubig nang makitang bukas ang ilaw sa kusina at dahil doon dahan dahan akong pumunta doon narinig ko ang boses ni valentine.
"I-ina, nabawasan po yung perang pang paopera kay ama... May binayaran po kase akong utang dito,pati ang mga utang natin na hindi nabayaran riyan, i dagdag nyo napo yung sa gastusin sa pag aaral ni bunso." Sumilip ako sa may pintuan naka loud speaker nanaman ang phone nya, bakit nya ba laging niloloudspeaker!?
Nakita kong humihikbi na sya at nakalayo ang telepono sakanya, para siguro hindi sya marinig nang kanyang ina.
"A-anak... Hindi na kakayanin nang ama mo sa friday... Gusto nang doctor na bukas nadin ang operasyon. Para daw sa ikakabuti nang ama." Iyak nang iyak ang nasakabilag linya habang nag sasalita.
Biglang may tumulong luha sa aking mata. At napahawak sa aking dibdib, narinig kong parang gumalaw ang telepono sa kabilang linya.
Mayamaya pa narinig kona ang malalim na pag hinga nang ama.
"A-anak?" Tawag nito.
Pinunasan ni valentine ang mga luha nya, kahit patuloy parin ito sa pag tulo
"p-po ama."
"Patawarin mo ako anak." Malungkot na sabi nito "hindi na kaya nang katawan ko anak e, baka... Hindi kana makita ni ama—"
"Ama naman, wag naman po kayong ganyan... " ngayon halata na ang garargar nitong boses.
"Alam kong sobra kanang nahihirapan anak... Hindi mo naman" huminga ito nang malalim bago mag salita, bawat pag hinga nya nang alalim, ramdam ko ang hirap nya... At hindi ko rin alam kung bakit ako naluluha. "Kailangan pwersahin ang sarili mo... Masyado kanang maraming" huminga ulit ito nang malalim "nagawa para samin, pabigat pa ako... "
"Ama, kahit kelan... Hindi kayo naging pabigat saken, kayo po, kayo ni ina at ni bunso ang kalakasan ko at kung bakit ako nabubuhay sa mundo... " sabi ni valentine, mapait akong napapangiti sa mga sinasabi nya, hindi sya ang kilala kong valentine.
"Tama na anak... Siguro ito na ang huling araw ko, tama na anak... Nagawa mona ang parte mo bilang anak ko, sobra pa." Mahinang tumawa ang ama at sa hule ay naubo pa ito.
Napapadyak na si valentine "ama naman e."
Hindi ko na tinuloy ang balak kong pag inom, umakyat nalang ako sa kwarto ko at umiyak nang umiyak.
Sigurado akong magang maga ang mata ko bukas.
Maaga nanaman akong nagising kagit na puyat na puyat ako, dahil malamig lamig pa sa labas mag jajacket ako,
BINABASA MO ANG
Tears Of The Broken Lady
RomanceWhy do always woman hurt so much than mans? Is it does.. Always true?