Chapter 1 - 1st day

0 0 0
                                    

Note: kung nag eenjoy kayo sa story ko, maraming salamat sayo. Kung hindi sorry naman tao lang.....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nangyari ito 2016-2017

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

-1ST DAY OF SCHOOL-

Maaga pa lang nasa school na si Meira.

Sya ay 13 yrs old, Grade 7 student sa isang public school sa Binangonan Rizal.

Bago palang sya rito ngunit marami naman syang mga dating kaklase sa dati nyang school.

Sya ay isang tahimik na bata.

Walang kumakausap sa kanya.

Kahit ang mga dating kaibigan nya na kaklase nya ngayon ay hindi sya kinakausap.

Nag sisidatingan na ang ibang estudyante.

Kahit maaga pa ay napakarami ng tao sa kanilang silid aralan.

Nag hintay pa sya sandali, ng makita nya ang isang lalaking pumasok sa silid.

At dito na mag sisimula ang kanyang high school life.

Meira's POV

'Hala, ampogi naman nun'

Nakita ko ang lalaking pumasok sa room namin.

'Kaklase ko ba sya?'

'Siguro nga'

Habang naglalakad sya papalapit ay nakatingin lang ako sa kanya.

'Ampogi nya talaga eh'

'Ano kayang pangalan nya?'

Hanggang sa makaupo sya ay nakatingin lang ako sa kanya.

'Hindi nya naman siguro napapansin'

Maya maya pa ay napuno na ang classroom namin ng mga estudyante.

Napakarami nila.

'Pag public school talaga, maraming nag aaral'

'Pero ok lang, maganda naman ang turo'

Dumating na ang adviser namin at pinatayo ang lahat para mag dasal.

At tinawag yung poging lalaki na kanina ko pa tinitignan.

Nang matapos ng mag dasal ay pinaupo na ang lahat.

"Ok! Mga anak, ako si Sir Loui Nieva, at ako ang magiging adviser nyo sa school year na ito" pakilala sa amin ng adviser.

Nanatili ang lahat at nakinig sa mga sinasabi nya.

'Mukha syang masungit'

'Nakakatakot naman to'

"Mga anak, tatawagin ko kayo isa isa, say present o kaya itaas ang kamay, Anore" banggit nya sa unang unang estudyante.

'Napaka tagal naman, di pa ko natatawag'

Natapos nang tawagin ang mga lalaki.

Ang mga babae naman ang sinimulang tawagin ng adviser namin.

'Nakaka tamad naman pag first day'

Hindi ko namalayang malapit na pala ako.

"Roque!" Tawag nya sa isang babae at nag taas ito ng kamay.

"San Diego?" Tawag nya sa isa pang babae at nag taas din ito ng kamay.

'Teka nga?! Bakit di ako natawag?!'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love_ScenarioWhere stories live. Discover now