A/N: Hahaha hi guys! Wait lang, before I begin my story, uhhmm para mas maintindihan ng karamihan, tagalog na lang. Palusot ko na rin yan para di ako manosebleed. XD Pero pag ginanahan ako, gagawin kong TagLish yan. Hehe. Enjoy!
Natalie POV
"Lalalalala...ahahaha!! ♪♪" napapakanta ako habang naglalakad sa school, nakasuot kasi ako ng earphones ehh. "Waaah?! 7:45 na? 8:00 nga pala yung first sched ko! Lagooott! Takbo!" nagulat ako ng mapatingin ako sa relo dahil ilang minuto na lang, male-late na ako.
"Takboooo..." pagmamadali ko.
$#%&!!!
Aray ko. Ano ba yun.. May bumangga pa sakin.
"Hoy miss! Please, watch your steps! Nakakaabala ka eh." sita sakin nung nakabangga sakin.
"Yabang neto ah. Hoy ka din! Ikaw kaya yung bumangga sakin!" depensa ko naman, magpapatalo ba ako? No way.
"Hmmm... Ikaw Ms. Flat-chested, wag ka na nga dumepensa dyan. Kung hindi ka kasi tumatakbo, eh di sana di mo ako mababangga. Shut up na nga. Papasok pa ako e. Byeee flatty!"
Loko yun ah! Ako? Flat-chested? Ibig sabihin... Tinignan niya? Eewww. Perverted guy. Tsk.
Buti naman nawala na sya sa paningin ko. Saang school kaya nag-aaral yun? Walang manners.
Saktong 8:00 nasa school na ako. Yeaaah hindi ako late sa first day.
Tbh, 1st year college na ako. Pero hanggang ngayon, immature parin ako manamit. Nerdy glasses, colorful ponytails, braids, braces, etc. Hahaha mukha pa rin akong highschool. Old fashioned nga daw e. Wala akong pake sa sinasabi nila, para sakin, cute parin ako. Pero, kinakabahan talaga ako ehh. Lalo na't di ko kilala ang mga magiging classmates ko. Swerte ko na lang kung may mga highschool friends ako dun. For sure, meron yan. Hmmm... Sana nga. Business Management ang kinuha kong course, baka kasi in future ako ang magmana ng business ni lolo eh. Baka lang naman. Then at least, I have ideas.
First subject ko is Science, sa may building C, room 135, 3rd floor. And sakto! I'm here. "Inhale, exhale, and smile. Okay papasok na ako." pagpasok ko, pansin ko na wala pa yung teacher, ah I mean yung prof namin sa loob, kaya safe pa ako. Naghanap na lang ako ng upuan. Nakatingin silang lahat sakin, di ko naman sila masisisi. But still, IDC.
"Natalie? Hi sizzy!" sigaw ng isa sa mga classmate ko, pagkaharap ko... "Charlotte!!! Sizzy!! Namiss kita!!!!!" sigaw ko rin at nagyakapan kami. Mas lalo naming nakuha ang attention ng lahat, at nagtawanan lang yung iba. "Sizzy, may new friend ako, transferee din sya." sabay turo sa katabi nya, cute siya infairness. "Hi.. I'm Veronica." mahiyain pala siya, nagshakehands lang kami tapos umupo na. Nagkwentuhan lang kami about sa summer vacation at kung anu-ano pa.
Napatili ang ibang girls nang may isang group of cutie boys ang pumasok sa room. "Ang gwapo naman nila..." yun lang ang comment ng ibang girls sa kanila. Di naman talaga mapagkakaila eh, pogi nga sila.
"Sizzy, whatta face! Cute nila ohh!" pati ba naman 'tong si Charlotte, inlove na rin. "Mukha namang badboys. Wala ring silbi yung cuteness nila." aba.. Hindi interesado si Veronica sa boys. May kakampi ako! "Apir tayo dyan gurl!"
"HI PRETTY GIRLS!" sabi nung tatlong boys, sa aming tatlo! Waaaahhh! Nakakapanic naman ito. Haayyy. Pero yung isa,di kami binati. Mukhang suplado sya. Sayang.
"Hello sa inyong tatlong binibini, ako nga pala si Ashton." sabi niya sabay kindat. "Hi gurls.. I'm Shawn." sabi naman niya at nakipagshakehands pa. "Hello pretty ladies, ako naman si Karl." sabi niya sabay kiss sa mga kamay namin.
"Juusskkooo! Ang popogi niyo. Pramis. Hmm teka, ipakilala niyo naman kami dyan sa kasama nyong isa. Pogi din ba yan?" kinikilig parin si Charlotte. Nakoo. "Charlotte!!" sigaw namin ni Veronica sa kanya.
"Sorry ladies, badtrip kasi si bro eh." sabi ni Shawn. "Pre, magpakilala ka naman!" bulong ni Ashton sa isa nilang kasama.
Bigla na lang siyang humarap sa amin at ngumiti. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko...
"IKAW?!" sabay naming sinigaw.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Love You or Hate Me
FanfictionMeet Natalie Benson, the nerd girl. Childish, clever, sweet, loving, cheerful, that are the words that describes her. She loves to do weird things that no one can do. Then one day, she'll meet the... Man of her Dreams??? Well, lemme introduce him...