CHAPTER 2 ( The raped victim )
-----
Jake POV:
Nagising akong wala na sa tabi ko si Shalie, siguro nag aayos na yun ng mga gamit niya sa baba. Napabangon na ako at bumaba na para na rin makapag luto baka gutom na din yun sa pag aayos.
Pagbaba ko naabutan ko siya sa kusina. Nagluluto siya.
" Wow! Akala ko ako ang maghahanda ng breakfast ngayon. " Pang aasar ko.
" Gusto ko lang naman bumawi Jake. Halos araw-araw na atang ikaw ang nagluluto ng breakfast e. " Sabay balik ng tingin sa niluluto.
" Ang bango naman niyan. " Nakakagutom yung amoy ng niluluto niya.
" Masarap 'to. " Ngiting sabi niya habang hinahalo ang niluluto niya.
" Sige na ayusin mo na yung mesa malapit na maluto ito. " Sabay taboy sakin.
" Kiss muna. " Tsaka ako ngumuso.
" Jake! Ayusin mo na dali na. " Napasimangot naman ako, kiss lang e damot. Nagtungo na ako sa mesa at naglapag na ng plato at kutsara. Umupo ako at pinanonood ko siya habang nilalagay sa lalagyan ang niluto.
Ang ganda niya, sobrang sarap titigan. Hindi ko alam kung bakit mahal ko siya kahit na may malupit siyang nakaraan. Well hindi naman niya ginusto yun and it's her past tsaka nagpapasalamat na lamang ako dahil naging honest siya sa akin.
Napapaisip tuloy ako kung may balak siyang maghiganti sa mga taong sumira ng buhay niya ganon kasi sa mga napapanood kong drama e. Kung sakali man na magawang maghiganti ni Shalie ako na mismo ang pipigil sa kaniya.
" Anong iniisip mo diyan? " Natauhan ako ng biglang magsalita si Shalie nandito na pala siya sa harap ko.
" Yung future natin. " Sabay kuha ng hawak niya at nilapag sa lamesa.
" Like what? " Tsaka siya umupo sa tabi ko.
" Kung ilan magiging anak natin. " Nanlaki naman ang mata niya.
" Just kidding. Syempre kahit ilan naman okay na sakin. " Sabay wink ko sa kaniya.
" Kumain na tayo. Gutom lang yan. " Sabi niya at inumpisahang lagyan ang plato nito ng pagkain.
" Pero Shalie gusto ko benteng anak. " Nagulat ko ata siya sa sinabi ko, nabulunan kasi.
" Be-be-bente? Jake naman di ko na kaya yun. " Natatawa ako sa itsura niya ngayon nangangamatis.
" Sige na kumain na tayo gutom lang talaga ako. " Pag iiba ko sa usapan.
" Anong oras pala flight natin? " Tanong niya.
" Mamayang 9 sakto mag aayos pa ako mamaya. " Nagtataka naman ako dahil nakatitig lang siya sakin.
" Mabuti na lang inayos ko na gamit mo. Di ka pa ata tumitingin sa orasan Jake 8:20 na po. " Napatigil ako sa sinabi niya.
" Ano! Bakit di mo 'ko ginising. " Sigaw ko.
" For your information my dear Jake Aspen ginising kita sadyang tulog mantika ka lang talaga. " Pinag cross pa ang mga kamay.
" Sorry napasarap lang tulog ko. Sige na bilisan mo na kumain at para makaligo ka na rin. " Tumayo na siya at dumiretso sa banyo.
" Teka! Tapos ka na? " Pagtatanong ko, kabilis niya namang kumain.
" Oo kaya nga pupunta na ako sa banyo para maligo di ba. " Kaaga aga ang sungit ng babaeng 'to.
" Sige na maliligo na ako. " Sabay bukas sa pinto ng banyo.
" Shalie sabay na lang tayo maligo para mabilis lang. " Sigaw ko habang binibilasan ko naman ang pagsubo sa kinakain ko.
" Ano ka sinuswerte! Mauna na ako. " Sabay sarado sa pinto. Tinanggihan na nga ako sa kiss kanina tinanggihan pa akong sumabay maligo.
Napakadamot talaga ng babaeng yun. Makakain na nga para makaligo na din ako mamaya.
-----
" Nasa loob na ba lahat ng gamit natin? " Pagtatanong ko sa kaniya.
" Aba! Malay ko sayo. " Problema nito nagsusungit.
" Oo nandiyan na binaba ko na nga lahat kanina di ba? Yun yung mga nilagay mo sa kotse. Okay na? " May dalaw siguro siya.
" May dalaw ka ba? Ang sungit mo e. " Sabay kamot ko sa ulo ko.
" Wala naman Jake. I love you. " She smiled.
" I love you too. Sige na sakay na baka malate pa tayo sa flight natin. " Nagpunta na ako sa driver's seat.
Pinaandar ko na ang sasakyan tsaka nagfocus sa pagmamaneho. Sa wakas makakauwi na ulit ako sa pilipinas. Dalawang taon, dalawang taon din kaming nagstay dito sa Amerika yun kasi ang gusto ni Shalie ang magpakalayo layo muna para makalimot pero hindi naman nangyari dahil ginugulo parin siya sa panaginip.
Nakarating din kami dito sa airport, binaba ko na ang mga gamit tsaka kami dumiretso sa loob para ma check narin ang gamit namin para makapasok na kami sa eroplano.
" Okay na. " Sabay kuha ko ng mga gamit.
" Tara na. " Pumasok na kami sa loob. Alam kong anytime ay lilipad na ang eroplano. Tiningnan ko si Shalie naka suot ng earphones habang nakapikit ang mga mata.
Di ko na muna siya guguluhin, makikinig na lang din ako ng musics tsaka ko sinalpak ang earphones sa magkabilang tenga ko.
Nakakagaan talaga ng damdamin.
-----
END OF CHAPTER 2
©️ Zaviera Kiel

BINABASA MO ANG
The Raped Victim
RandomSi Shalie ay isang biktima ng pangga gahasa hindi lamang niya ito naranasan sa isang tao kundi marami sila na gumamit sa katawan niya. Sa edad na 18 ay maagang nagkabunga ang kaniyang sinapupunan at ito ang bunga ng pambababoy sakaniya. Hindi niya...