CHAPTER 1 ( The raped victim )
-----
Shalie POV:
" O heto tubig. " Abot sakin ni Jake sa baso agad ko namang ininom yun.
" Bukas na bukas uuwi na tayo sa pilipinas alam ko namang namimiss ka narin nila tita. " Napatingin ako sa kaniya.
" Sige mag aayos na lang ako ng gamit bukas. " Nilapag ko ang baso sa lamesang katabi lang ng kama.
Siguro nga dapat na ring umuwi ako para na din makapaghiganti ako sa mga taong bumaboy sa akin. Galit! Galit ang nabubuo sa aking puso kapag naaalala ko lahat. Humanda sila sa pagbabalik ko hindi na ako ang Shalie na anak nila dahil matagal ko na silang itinakwil meron na akong bagong pamilya na minahal ako ng buo.
" Shalie. Kanina pa kita tinatanong. " Natauhan naman ako sa pagtawag sakin ni Jake.
" Ano nga yun? " Masyado yata akong nalutang sa iniisip ko.
" Sabi ko matulog na ulit tayo para makapag pahinga ka na. " Napabuntong hininga na lamang ako.
" May problema ba? " Tanong pa niya ulit.
" Wala Jake sige na matulog na tayo. " I smiled at humiga na ako ayokong malaman niya kung ano ang mga binabalak ko.
Naramdaman kong humiga narin siya sa tabi ko. Alam kong gusto niyang magtanong kung ano iniisip ko para matulala ako ng ganon kaya naman hinarap ko siya.
" Jake. " Nagulat ako kasi nakaharap din pala siya sa akin.
" Yes baby. " Titig nito sa mga mata ko.
" May sasabihin sana ako sayo. " Habang nakikipag tagisan ako ng tingin sakaniya.
" Ano yun? About ba sa family mo? " Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ba niyang balak kong maghiganti? Hindi pwedeng malaman niya kumalma ka Shalie hindi naman siguro niya alam, wag mong pangunahan Shalie.
" Shalie actually nag imbestiga ako sa dati mong pamilya. " Tumitig lang ako sa kaniya gusto ko malaman ang nakuha niyang impormasyon tungkol sa dati kong pamilya.
" Malubha na raw ang sakit ng tatay mo at matagal ka narin pala nilang hinahanap. " Ako? Hinahanap nila? Para ano? Babuyin ulit at hindi paniwalaan.
" Kailangan mong bisitahin ang pamilya mo Shalie kailangan ka ng tatay mo. " Patago akong napakuyom.
" Alam ko galit ka sa kanila pero magulang mo parin si-- " Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
" Stop it Jake! Hindi ko sila pamilya. " Tatalikod na sana ako ngunit nagsalita siyang muli.
" Wag mo sanang pairalin ang galit mo Shalie. Tutulungan kita makalimot sa nakaraan mo pero sana wag mong ikulong ang sarili mo sa galit. Matuto kang magpatawad dahil pamilya mo sila. " Kinakampihan ba niya ang pamilya ko noon?
Bakit ba iyan din ang sinasabi ng mga magulang ko ngayon ang patawarin sila. Ganon na lang ba yun kadali! Hindi! Hindi ko sila papatawarin magmakaawa sila.
" Shalie. " Pagtatawag niya sa akin.
" Jake please ayoko ng makarinig ng mga impormasyon about sa pamilya ko. Hindi ko kayang patawarin na lang sila na parang walang nangyari. " Garalgal na ang boses ko.
" I'm sorry Shalie. " Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap.
" I'm sorry baby. " Niyakap ko siya pabalik.
" I love you Shalie. " Sabay halik sa labi ko at tinugon ko naman agad.
" I love you too Jake. " Sagot ko ng tumigil siya sa paghalik sa akin.
" Do you really love me? " He asked.
" Oo naman mahal kita Jake sobrang mahal na mahal kita. " Napangiti naman siya sa sinabi ko.
" Can you promise me something. " Hinawakan niya ang mukha ko.
" Ano yun? Promise gagawin ko yan. " Ngiting sagot ko.
" Pwedeng wag na wag kang maghihiganti sa parents mo. " Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
" Oo naman Jake hindi ko gagawin yun. Pangako yan. " I lied.
" Thank you baby. " Hinalikan na naman niya ako.
" Sige na matulog na tayo. " Niyakap na niya ako.
I'm sorry Jake pero buo na ang desisyon ko papahirapan ko muna sila. Sinira nila ang buhay ko kaya sisirain ko rin ang kanila. Hindi ko hahayaang maging masaya ang mga taong bumaboy sa akin. Hindi!
Nakaramdam na ako ng antok sinulyapan ko si Jake na mahimbing ng natutulog. Hinalikan ko siya sa labi smack lang tsaka ako natulog.
-----
END OF CHAPTER 1
©️ Zaviera Kiel
BINABASA MO ANG
The Raped Victim
RandomSi Shalie ay isang biktima ng pangga gahasa hindi lamang niya ito naranasan sa isang tao kundi marami sila na gumamit sa katawan niya. Sa edad na 18 ay maagang nagkabunga ang kaniyang sinapupunan at ito ang bunga ng pambababoy sakaniya. Hindi niya...