Chapter 1

31 1 0
                                        

"Goodbye class! Ingat sa pag-uwi. Malakas ang ulan."

"Bye ma'am. Ingat din po :)"

Tapos lumabas na din yung adviser namin.

Pero teka, umuulan - "Tae!" tiningnan ko agad kung dala ko-- ayun ! buti nadala ko yung payong ko.

"Kris!" Nagulat ako dun sa tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko-- "pasabay naman oh. Malapit lang naman bahay ko dito. Sige na. Kahit dun lang sa kanto."

Tae. Mukang tae. Sana di ko na lang nilingon.

"Ano ka chiks?" Pagkatapos mambadtrip. Kapal lang po.

Pagkasabi ko nun. Dinampot ko na agad yung bag ko at nagdiretso palabas ng classroom.

Sirang sira na araw ko dahil sa lalaking yan. Wag naman pati ang gabi ko please.

Bago ako tuluyang makalabas ng classroom, may humawak sa braso ko kaya napigil yung paglakad ko.

"Uy sige na. Bilis n--" napatigil sya sa pagsasalita nung tinitigan ko nang masama.

"Ano Timothy? Hindi maka-gets? Kelangan paulit-ulit?." Kainis kasi. Makasama nga lang sya sa isang classroom tinitiis ko pa. Makasukob pa kaya sa iisang payong?

Akala ko hihirit pa ng isa pero mabuti at tinanggal na lang niya yung pagkakahawak sakin, kundi makakatikim talaga siya. Bago pa masira nang tuluyan ang gabi ko, dumiretso na ko pababa nang lobby para na din makaiwas kay Tim.

Ewan ko ba. Kahit nasa iisang barkada lang kami nung lalaking yun, hindi ko pa din makasundo. Tipong kahit anino nya ayoko makita. Pano, ikaw ba naman bwisitin araw-araw, matutuwa ka?

"Guys. Una na ko ha." Sabi ko nung makalapit na ko sa mga classmates ko na nag-aantayan pa sa lobby.

"Hindi ka sasabay samin Kris?" Si Triziah, bestfriend ko.

"Ah, hindi Trix. May pupuntahan pa kasi ako."

"Wushuu! May pupuntahan daw. Lalandi ka lang eh." Sabat naman ni Belle.

"Grabe naman Belle! Maka-landi ka naman! Kahit ganyan yan. Kaibigan pa din natin yang TANGANG YAN." Si Trix ule.
Whaaa !! Kala ko ipagtatanggol ako ng bestfriend ko! :( Grabe ang sama nila saken! Kaibigan ko ba talaga tong mga to ? T.T

"Ewan ko sa inyo! Alis na nga ko. Babu!" Hindi ko na lang pinansin yung mga pang-aasar nila. Hahaba lang yung usapan eh. Saka sanay na naman ako sa mga yan.

"Sige Kris, ingat ka." Nagulat pa ko nung magsalita si Tim. Pero di ko na lang pinahalata. Nandito na pala 'to, sa isip-isip ko. Di ko na din pinansin, asar pa rin ako sa kanya.

Naglakad na ko papunta sa gate at nung malayo na ko sa kanila, narinig kong sumigaw si Tan. Isa pa din sa tropa namin.

"KRIS !! YUNG HELMET MO!! BAKA MATANGGAL HA?! MASAKIT YAN!"

Hayop ka Nathaniel! Humanda ka sakin bukas! Sa isip-isip ko.

Instead na makipagsigawan, nilingon ko na lng sya at nagbad finger "kuno" gamit yung ring finger ko sa right hand ko na tinatakpan ng left hand ko at yung ring finger ko lang yung kita nila. Haha! Gets nyo? :p

So yun, pagkalabas ko ng gate, wala pa yung sundo ko. Naupo muna ako sa isang upuan sa waiting area and plugged in my earphones para di naman masyadong boring. Hindi pansinin kung may tao dito dahil na din sa dim na ilaw pero makikita ko naman yung mga maglalabas pasok ng school kaya malalaman ko kung nanjan na ba siya.

Since medyo maaga kaming na-dismiss dahil sa ulan. Naisip ko na itext na lang si Erl. Mahirap na, baka mag-antay pa ako nang matagal.

To: Erl❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rebound Wins my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon