Chapter 56 - Missing Him

2.1K 79 9
                                    

"If you don't think EVERYDAY is a GOOD DAY, just try MISSING ONE."
-Cavett Robert

.

Hannah POV

"Bigyan mo ako ng isang pagkakataon anak!" muli ko na namang narinig ang mga nagsusumamong sambit ni Lady Bridgett.

Napalingi-lingi na ako at saka napadungaw sa labas ng bintana.

"Bakit ba niya ipinipilit sa akin na siya ang aking mama? Hindi ko siya nakikilala. Magkamukha nga kami pero wala akong kahit na isang katiting na nararamdaman para sa kanya. Walang kapatawaran ang mga ginawa niya kay Harry." naiinis na sambit ko.

Kahit nanginginig parin ang mga kalamnan ko ay nagawa ko paring ikuyom ang mga kamao.

Pinipigilan ko na naman ang aking mga luhang nagbabadyang pumatak.

Lintik lang ang walang ganti! Ipaghihigante kita Harry!

Kung wala lang bantay si Lady Bridgett ay pinatay ko na ito sa mga palad ko pero hindi man lamang siya tinatantanan ng kanyang mga alagad.

Tikim-bagang sinariwa ko ang mukha niya. Gusto ko siyang gilitan ng leeg. At kung meron lamang akong armas sa katawan ay sinugod ko na silang lahat at pinatay

Nakakainis, hindi man lamang ako makapuslit ng kahit isang baril.

Pawang bantay-sarado pa ang buong paligid at pansin ko rin ang mga CCTV na nakakabit sa bawat sulok.

Pinaikot ko na ang tingin, may kalaparan din naman itong pinagtataguan ni Lady Bridgett pero wala ito sa kalingkingan ng UGS.

Napatingin pa ako sa aking Lady Boss ring, kung buhay lang sana si Harry at matutunton niya ako rito.

Si Harry lang ang makakapagtakas sa akin dito, ngunit papaano?

Muli ko na namang naaalala ang mga katagang bintiwan niya. "Kahit anuman ang mangyari Hannah ay lagi mong tatandaan na nandirito ka sa puso ko." 

Tuluyan na namang pumatak ang luha sa aking mga mata. "Andaya mo Harry! Hindi ka man lang lumaban sa kanila. Hindi naman kalakasan ang puwersa ni Lady Bridgett... Pero bakit Harry?" napabaling na ako sa wedding ring namin ni Harry.

"Bakit napaka-unfair ng mundo? Bakit si Harry pa?" katanungang alam kong wala din namang kasagutan.

Alam kong inihasa ako para patayin ang anumang nararamdaman ngunit pagdating kay Harry ay nawawala ang lahat ng mga natutunan ko.

Tila isa akong sundalong sugatan na galing sa giyera at hindi man lamang nakaputok sa kalaban.

Napayakap na ako sa aking sarili.

Bakit ganito kasakit? Wala man lamang akong nagawa.

Parang tinutusok ang dibdib ko sa sakit at pinipiga ang puso ko!

Wala nang sasakit pa sa mga nararamdaman ko.

.

.

Natauhan naman ako nang marinig ko ang sunud-sunod na katok sa pintuan.

Napabaling na ako roon saka napatayo sa kinauupuan at tinungo iyon.

.

.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si John.

Napaluhod na ito sa sahig habang nakayuko ang mga ulo at iniaabot sa akin ang isang golden dagger.

"Isang pagkakamali ang ginawa ko Lady Boss. Tanggap ko ang magiging hatol ninyo." sambit pa niya.

Nanginginig naman ang mga kamay ko habang nakatingin sa golden dagger ni Harry.

Gusto ko na namang umiyak. Parang mabibiyak ang dibdib ko.

Hindi ko na naman mapigil-pigil ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

"Isa kang ispiya. Paano naatim ng konsensiya mo ang pagtalikod sa bigboss?" mahinang sabi ko saka kinuha na sa kanya ang sandata at hinaplos-haplos ko pa iyon.

Harry? 'andaya-daya mo Harry!

"Pinagkatiwalaan ka ng bigboss pero bakit?" nasasaktang patuloy ko saka binalingan ng tingin si John na nasa sahig parin.

"Nang nalaman ng bigboss anak ka ni Lady Bridgett ay hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon." bagkus ay sagot niya.

Natigilan naman ako.

"Pinagkanulo mo nga ang bigboss, ako pa kaya? Hindi ka mapagkakatiwalaan." nagpipigil na sambit ko.

Bahagyang napaisip ako at napangisi. Kung hindi man napatay ni Harry si Lady Bridgett ay ako ang gagawa.

Ang kamatayan ni Lady Bridgett ang makakapagpapatahimik kay Harry.

At pinapangako kong mamamatay ang lahat na mga tumalikod sa UGS at kabilang na roon si John.

Tangka kong saksakin siya sa dibdib ngunit natigilan ako nang, "Lahat ng pinaniniwalaan mo sa bigboss ay pawang kasinungalingan." mahinang sagot pa ni John.

"Magaling! Akala mo ba'y paniniwalaan kita?" iritang sabi ko.

"Kahit kelan ay walang minahal ang bigboss. Ginamit ka lang niya para matunton niya ang pinagtataguan ni Lady Bridgett. At ikaw din ang papatay sa sarili mong ina." umaalingawngaw na pasabog ni John.

Napakuyom naman ako ng kamao.

"Sinasabi ko sa inyo, hindi ka mahal ng bigboss! Hindi totoong mahal ka ng bigboss." mahinahon paring patuloy niya.

Natigilan naman ako. Parang may malaking kampanang umugong sa aking tenga.

Alam ko sa puso ko na mahal ako ni Harry kaya galit na sinuntok ko si John sa mukha. "Tumigil ka traydor!" naiinis na sambit ko.

Hinaplos naman niya ang pangang tinamaan ko at kinapa ang dumugong labi, "Hindi kita pipiliting maniwala Lady boss pero buksan mo ang isipan mo. Huwag kang palinlang sa mga nararamdaman mo."

Natigilan naman ako sa mga pasabog ni John. Parang nilapnos ng mainit na tubig ang dibdib ko.

Kahit na wala na si Harry ay hindi matanggap ng puso ko ang paratang ni John sa kanya.

----------------------------------

-NyllelaineNyeNight

The secret of CEO's HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon