Chapter 61 - the Tears

3K 96 32
                                    


"Let your TEARS come. Let them water your SOUL."
-Eileen Mayhew

.

Hannah POV

Punung-puno ng galit si Young Master habang itinututok ang baril kay mama.

Hindi ko alam ang aking mga gagawin. Naghuhuramentado ang buong sistema ko.

Isa lang ang naiisip ko at walang iba kundi ang iligtas si mama.

Narinig kong ikinasa na ni Young Master ang baril saka muling itinutok kay mama. "Any last word?" ang tanong pa nito.

HINDI!! Napalaki na ang mga mata ko, hindi makakaya ng puso ko na mapapahamak si mama.

"Mama," ang naaalarmang sigaw ko kay mama.

Then everything went too fast saka parang nagslow-motion ang buong paligid and my vision become blurred.

Kahit nanlalabo man ang mga paningin ay nagawa ko paring tingnan si Young Master at ipakita sa kanya na hindi siya nagtagumpay.

Ngunit bigla akong kinilabitan nang naramdaman kong nanlamig ang aking katawan at may kumirot sa hindi ko matukoy kung saanman.

Kinapa ko na ang aking sarili.

Naramdaman kong mabilis na akong hinawakan ni mama buhat sa likuran ngunit nawalan narin siya ng balanse dahil tila isa akong kandilang nalulusaw at pareho na kaming napasubsob sa sahig.

Parang nauubusan na ako ng hangin sa dibdib at mas lalo pang bumigat ang aking pakiramdam.

"Ma..." mahinang nasasalabi ko. "...nakita mo iyon? An'galing ko diba mama!" halos nakangiting sabi ko dahil ilang ulit ko pang isalbar ang buhay ni mama ay handa kong gawin iyon. Kahit pa nga ang maging kapalit man ay ang buhay ko.

"Tumakbo ka na mama! Iligtas mo ang iyong sarili." mahinang utos ko kay mama habang nilalabanan ko ang nararamdamang mga kirot.

Napansin ko ang baril na nasa sahig kaya kinuha ko iyon at iniabot sa kanya. "Hindi na kita maipagtanggol pa mama..." mapait na patuloy ko.

Tinatawag ako ni mama ngunit hindi ko na kinaya pa ang puwersang humahatak sa akin hanggang sa tuluyang naipikit ko na ang mga mata ko at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

.

Lady Bridgett POV

Hindi ko mapapatawad ang aking sarili habang hawak-hawak ko si Hannah.

Hindi ko parin lubos maisip na sinalo niya ang balang para sa akin.

"Ma..." mahinang sabi pa niya. "...nakita mo iyon? An'galing ko diba mama!"

Natigilan naman ako. Ma?! Tinawag niya akong mama?

Hindi ako makapaniwala. Matagal na panahon ko ring hinangad ang pagkakataong ito. Napahawak na ako sa kanyang ulo saka paulit-ulit na hinahalikan ang kanyang buhok.

Pumatak naman ang luha sa aking mga mata dahil sa kasiyahan. "Ghad, naaalala na ako ng anak ko!" ang kasayahang naiisip ko.

May mga ibinubulong pa siya sa akin ngunit hindi ko maintindihan dahil nababalot ng tuwa ang puso ko hanggang sa iniabot na niya sa akin ang baril.

Natigilan na ako saka napatingin sa baril, napalaki pa ang mga mata ko nang biglang niyang naibagsak ang kamay.

Biglang nagbalik sa gunita ko na sinalo ni Hannah ang bala na para sa akin.

Napahawak na ako sa kanyang pulsuhan. Nanghihina ako saka napalingi-lingi. Tila may mga espadang lumipad sa ere at tumusok sa puso ko.

MASAKIT!
Gusto kong magsisigaw. Naghihimutok ang kalooban ko.

"ANAK!!! Gumising ka Hannah!"
Hindi ka puweding mamatay anak!
HINDI!!!
Hindi pa ngayon!

"Hannah," sunud-sunod na tawag ko sa kanya habang inaalo ang kanyang mukha. "Hindi ka mamamatay anak! Please, gumising ka!" nasasaktang patuloy ko ngunit nanatiling nakapikit parin ang mga mata niya.

Naramdaman kong papalapit ang mga yabag ni Harry, ang Bigboss ng UGS.

Ibinaba pa niya ang sarili. Napansin kong nanginginig pa ang mga palad niya habang iniaabot si Hannah.

"Nagpasya kaming tumiwalag sa UGS upang magkaroon ng maayos at tahimik na buhay." nasasaktang sabi ko.

Hindi naman siya umimik bagkus ay nasilayan ko ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.

Pinunit na niya ang blusa ni Hannah at hinanap ang tama nito.

Nagsilapit narin sa amin ang kanyang mga tauhan. Ang Medical Unit ng UGS.

"Gumising ka na anak!" ang naluluhang sambit ko. Huwag muna ngayon. PLEASE!!!

-------------------------------------------------------

-NyllelaineNyeNight

The secret of CEO's HIRED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon