15

659 30 1
                                    

Chapter 15

Iris Selene

"Nessa, may 1/4 ka bang pape-"

"Wala." Masungit niyang tugon at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Nagpasuprise quiz kase si maam. Kailangan namin ng 1/4 paper. E wala ako nun e.

Nag aral ka pa!

Tse! Manahimik ka nga jan utak. Ay, wala pala ako nun. Charot.

"Ah okay." Yun na lang ang nasabi ko. Nagtarampo lang yan ngayon. Kilala ko yang si Nessa. Once na di ka nagsabi ng totoo sakaniya, tapos nalaman niya pa sa iba ang totoo. Which is, hindi naman talaga totoo. Nagtatampo siya.

Ewan ko ba jan. She's so childish when she's like that. But, i find it cute 😫

Di ko na lang siya pinansin at naghanap ng 1/4 sa bag ko. Baka may natira pa e. Nang makakita ako ng dalawang pirasong 1/4 agad ko itong kinuha at nilapag sa desk ko.

***

Tapos na ang 2nd subject namin. Nandito ako sa locker area. Masama paren ang mga tingin ng tao sa akin at si Nessa? Di pa ren ako pinapansin. Nagulat ako nang bigla niyang binaksak yung pinto ng locker niya at umalis na.

Nyare dun? Galit na galit?

"Are you Iris Selene Valdez?" Nilingon ko ang nagtanong sa kin. Automatic na gumalaw ang mata ko mula sa ulo niya hanggang paa. Grabe, pwede ba ang ganito sa paaralang ito?

Naka fitted sleeveless croptop siya at highwaisted short at 3inch heels. Tapos, ang kapal pa ng makeup.

"Hey, i'm asking you! Si Iris Selene Valdez ka ba?" Tanong niya ule. Tumango lang ako sakaniya.

"Yuck. I don't even know kung ano ba ang nakita sayo ni fafa Chad e. You're not pretty. You're not even sexy. And, you're not Chad's Type. Ginayuma mo lang siya, for sure!" Sigaw niya sa akin. Nag tawanan naman ang mga estudyante.

Di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagligpit sa locker ko.

"You b1tch. Kinakausap pa kita!" Sigaw niya at hinila ang buhok ko.

"Ano ba?!" Sigaw ko nang matanggal ko ang kamay niya na naka hawak sa buhok ko. Ganda ganda ng buhok ko e. Virgin pa ito, kawawa naman.

"Aba't sumasagot ka na? Ang tapang mo naman! Hindi porke pinatulan ka ni Chad, ganyan ka na." Bwiset! Gusto ko na pumatay!

"Wala akong pake." Tugon ko. Buti nga't nag titimpi pa ako e.

"Tch. Yabang mo ah!" Sigaw niya at hinila nanaman ang buhok ko. Agad ko naman hinawakan ang kamay niya at tinabig yun.

"Ano ba?! Gago ka ba?! Ikaw yung mayabang dito! Akala mo naman kung sino ka makasabi na di ako maganda. Bakit? Maganda ka ba?! Hindi naman diba? Sexy ka lang! Yan lang naman maganda sayo e, katawan. Ugali at pagmumukha mo, panget!" Sigaw ko dito at nag walkout. Narinig ko pa nag tawanan ang mga estudyante.

Serves you right, b1tch.

***

Bumalik ako sa room at hinintay na lang ang prof namin sa 3rd subject. Onte pa lang ang estudyante na pumapasok dito sa room.

Hanggang sa, isang lalaki ang pumasok at hindi nag dalawang isip na umupo sa tabi ko.

"Ahm. Jan nakaupo ang kaibigan ko. Sa vacant desk ka na lang." pakiusap ko sakaniya. Tumingin lang siya sa akin at tumango.

"But, aalis ako kapag sinabi mo pangalan mo." Kailangan pa ba yun? Kumindat pa siya. Yuck.

"Iris. Okay na ba? Alis ka na." Pag taboy ko sakaniya. Umalis naman siya kasunod ng pagpasok ni Nessa at tumabi sa akin.

Di nanaman siya ako pinansin. E totoo naman kase. Walang kami ni Chad. Sadyang dagdag problema lang yang si Chad. Kainis!

"Nessa." Tawag ko dito. Hindi manlang ako pinansin. Arghhhh!

"Totoo yun, walang kami. Pakulo lang ni Chad yun." Hindi niya paren ako nililingon. Kailangan ka niya mapansin self. Wala kang kasabay mag l-lunch mamaya.

"Promise. Babysitter lang talaga ako ni Thalia." Tugon ko. Humarap den siya sa wakas. Inirapan niya lang ako at tinugon ang pansin sa libro niya.

Mas mahirap sumuyo ng kaibigan kesa mag suyo ng jowa. Alam nyo kung bakit hindi mahirap mag suyo ng jowa? Bakit? Ewan ko, wala akong jowa e.

"Nessa. Nessa." Naiinis na ako ah. Bakit ayaw niya bang maniwala? Aish!!!

"Vanessa Kyle Rizal!" Sigaw ko sakaniya at nagulat ako nang bigla niya na lang ako yakapin.

"Sorry, Iris. Di ko talaga ikaw matiis e, gusto ko magalit sayo kase si ka nagsabi ng totoo." Tugon niya kaya natawa ako.

Potek

"Hayst. Bitaw na, natatawa ako sayo. Bwct ka." Saad ko at nagtawanan lang kami hanggang sa pumasok na ang prof namin at yung iba pa naming kaklase.

***

4th subject na namin. Locker area again. Habang nag aayos ng gamit sa locker at kumuha ng book. Bigla na lang may tumabi sa akin at sumandal sa locker na katabi ko sa kanan.

"Sup, Iris." Siya nanaman? Ano bang kailangan sakin ng lalaking ito?

"What do you want? Sino ka ba?" Mataray kong tanong sakaniya at tinuon ule ang pansin sa locker ko. Nauna na si Nessa sa akin. May kailangan pa daw kase siyang tapusin.

"Richard nga pala." Tugon nito at nilahad ang kamay. Tinignan ko lang yun at agad na sinara ang locker at lumayo na sakaniya.

Baka maissuehan nanaman tayo e. Sasabihin nila na malandi ako kase may 'Chad' na daw ako may depungal pa este 'Richard'

"Sungit mo naman." Nakasunod paren pala siya sa akin. Arghhh! Ano bang gusto nito? Tengene.

"What do you want?" Mataray kong tanong sakaniya.

"You." Saad niya at kumindat. Ha-ha-ha. Funny yun. Nag smirk lang ako at nauna na maglakad. Dahil nga mahaba ang bias niya, nakasunod paren siya akin.

"Hindi kita buntot, kaya wag ka nga sunod ng sunod." Tugon ko dito pero di niya lang ako pinansin at nakisabay siya makipaglakad.

"Grabe, akala ko ba bf niya si Chad? E bakit siya mag kasamang ibang lalaki?"

"Landi naman pala."

"Nasa loob ang baho."

Taena? Sinasabi ko na nga ba e. Di ko lang sila pinansin at inunahan na ang paglakad kay Richard.

Bwct! Dagdag issue nanaman!!! Bwct!!

***

Ito na lang muna for chapter 15. Tinatamad pa kase ako e

Nagmamahal,
dj🖤

Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon