Bryson's POV
Ang ganda nung batang 'yun ah! Ilang taon na kaya 'yun? Kaso mukhang spoiled brat.
"Boys pinapatawag kayo ni Ma'am Elisha, punta daw kayo sa sala." Mahinhing sabi ni karen sa aming pito.
Ginusto ko talagang mag trabaho dito sa bahay ng mga Smith sa kadahilanang mataas sila mag pasweldo. Hindi naman mahirap ang mga gawain. Dapat lang naming panatiliing maayos ang mga halaman sa napakalaki nilang bakuran.
"Ipinatawag ko kayo upang himingi ng tawad sa inasta ng aking anak kanina. Normal na n'yang attitude 'yon." Shems kaya naman pala ang ganda nung bata kasi ang ganda din ni ma'am.
"Isa sa inyo ay gusto kong maging personal na assistant/driver ng aking anak dahil mahilig s'yang lumabas at mamiling madaming gamit kaya kailangan n'ya ng kasama." Spoiled brat nga. "Sino ba sa inyo ang marunong mag maneho ng sasakyan?" Tanong ni ma'am.
"Ako po/Ako po." Sabay naming sabi ni Alex kaya nag katinginan kami at bahagyang nag pigil ng tawa.
"Ikaw lalaking nasa kaliwa ano nga ulit pangalan mo?"
Ako ba 'yung tinutukoy ni ma'am? Nung inangat ko ang aking ulo ay nakita kong sa akin nga s'yang naka tingin. Shems, ako nga.
"B-bryson Earl Fuentez po ma'am." Nakayuko at nahihiyang banggit ko. Sino ba namang hindi mahihiya? Baka sigawan ako neto palabas mamaya.
"Okay. Ikaw na ang magiging personal assistant at driver ng aking anak."
Yown! Mapapalapit na ko kay baby este dun sa bata hahaha! Pagkatapos noon ay ipinalipat ako ni ma'am elisha sa kwarto na malapit kay bata para daw matutukan ko s'ya ng maayos. Hindi lang assistant at driver ang sinabi ni ma'am kasi nung naka alis 'yung anim ay sinabi n'ya sa akin ay ako na din daw ang maging personal body guard. Ayos to!
Masaya akong nag lilipat ng gamit sa aking bagong kwarto na malapit sa kwarto ni baby. Hayssss tadhana nga naman oh!
Pagkatapos kong ligpitin ang aking gamit ay nag palit ako ng boxer lang tutal ay mag isa na ako sa akong kwarto.
Princess Eli's POV
"Hon, bakit hindi ka bumaba? At bakit sabi ni Karen ay gusto mo daw s'yang ipatanggal sa trabaho? Totoo ba ito?" Biglang sabi ni mom nung pumasok s'ya sa kwarto ko.
"Mom can't you see? I'm doing my thing here tapos bigla s'yang papasok ng hindi kumakatok. What if hindi maayos 'yung damit 'ko o kaya may ginagawa akong hindi n'ya dapat malaman? Hindi n'ya ba alam 'yung privacy?" Iritang sabi ko kay mom. Pano ba naman kasi? Kailangan pa ba naming pag usapan 'to? What i want is what i get so i don't need to explain na.
"Anak you know naman na anak s'ya ni Nana Ester at 'yung pinapasweldo natin sa kanila ay pang tustos sa kanilang family."
"Ugh! Fine! But please mom ayoko na s'yang makita or makasalubong dito sa mansion!"
"Okay hon. When you need anything or you want to go somewhere kumatok ka nalang sa kabilang kwarto."
What? Ano kayang meron sa kabilang kwarto? Eh wala namang tao dun.
"Ha? Mom ano ka ba walang tao dun." Nagtatakhang sabi ko kay mom.
Tumawa ng bahagya si mom. "Hon your personal assistant/bodyguard/driver ang nasa kabila. Please don't do anything to him. Mabait 'yun sana pakisamahan mo ng maayos."
"What?! Mom! Kailan pa 'ko nag karoon ng ganyan? I'm already 18! Nasa legal age na ako kaya kaya 'ko ng gawin mag isa ang mga kailangan 'kong gawin at puntahan ang mga kailangan 'kong puntahan! And if ever na you're not joking please don't expect na magiging mabait ako d'yan! Nag talukbong na 'ko ng aking Burberry Prorsum Wool Blanket Poncho worth $845 at tumalikod kay mom. Ayoko ng P.A or what! I can do everything na by myself!
Narinig 'ko ang footsteps na papalayo kaya alam 'kong nakalabas na si mom sa room 'ko. Nung narinig ko na sumara na 'yung door ay bumangon ako bigla at kinuha 'ko ang aking iPhone 11 Pro Max worth $1,449.
Minessage ko si Masey na bestfriend 'ko para sabihin ang sinabi ni mom about sa P.A 'ko.
Me: Masey! Nag hire si mom ng P.A for me! Ugh it's so frustrating! I wan't to go sa bar!
Masey; For real? Okay fine i'll pick you up at 9pm.
Me: He is also my personal bodyguard and driver so you don't need to pick me up na. Thanks for the offer :))
Masey: Okay fine. Let's meet at the bar nalang later. Sasama 'ko si Jason ;))
Me: Buti ka pa kasama mo si Jason, nasa states pa kasi si Liam eh :((
Masey: Wait mo nalang! Malapit na umuwi 'yun! Aja!
Me: Fine. I'll see you later!
Masey: ㋡
I guess wala na akong choice. Pag kalabas 'ko ng aking kwarto ay pumunta na 'ko sa katabi ng aking room at kumatok.
*knock knock*
Mygosh! Why so tagal! 8:00 pm palang tulog na agad 'to? So useless! Pinihit 'ko ang door knob at nagulat ako bahagya ng hindi ito naka lock kaya pumasok na ako.
"Hey you! Useless man! Get up!." Sigaw 'ko sa kanya kasi ayoko namang lumapit dun no! Baka ano pang isipin netong useless na 'to.
Ohmyghod! Nagulat ako nung biglang tumayo si useless ng naka boxers lang! Dali dali akong tumalikod at nag takip ng mata. So dumb Elianna! Bakit ka ba kasi pasok ng pasok!
"Can you please change into decent clothes please? Wag mong ipakita sakin 'yang tiny little bird mo! Ew!" It's so nakakadiri talaga! My virgin eyes omyghod!!!
"U-uh m-maam ano pong ginagawa n'yo dito? May kailangan po ba ka'yo?" Kinakabahang tanong ni useless.
"Definitely! Anong akala mo papasok ako sa kwarto na 'to ng walang dahilan? Go change at pupunta tayo sa bar!" Dali dali akong bumalik sa kwarto ko at nag shower.
Ready na akong umalis and I'm wearing this Privacy Please Bolsa Top worth $88 and this Levi's Blue Ribcage Straight Ankle Jeans worth $60 and a pair of Pink Valentino Garavani Rockstud Jelly Sandals worth $460 and a little spray of Victoria's Secret Bombshell Eau De Parfum worth $79 and I'm ready to go!
Pagkalabas 'ko ng kwarto ay nakita 'ko na agad si useless na nakatayo sa tapat ng door 'ko. In fairness medj malinis s'yang tignan.
Pumunta na ako sa aming parking lot at kinuha ang key ng aking Ferrari 458 Spider worth $270,000. And it's new! This is mom and dad's birthday gift to me nung nag debut ako.
"Woah! Sasakyan ba iyan? Napakaganda!." Manghang manghang sabi ni useless habang hinahawakan pa ang sasakyan. Binato 'ko sa kanya ang susi at pinagbuksan n'ya muna ako ng pintuan bago s'ya pumasok sa loob.
"Maam ano nga po palang pangalan n'yo? Hindi n'yo po kasi sinabi kahapon nung dumating kami eh." Nahihiyang banggit n'ya sabay kamot sa ulo.
Tinaas 'ko ang aking kilay at pinaningkitan 'ko s'ya ng mata. "And why do you care?"
"Syempre ma'am pwede ba namang hindi ko alam 'yung pangalan ng amo 'ko?"
"Fine. I'm Elainna and you need to call me Princess Eli, 'yun lang at wala ng iba." Pag katapos 'kong sabihin 'yun ay nanahimik na s'ya.
YOU ARE READING
The Cruel Princess
RomanceShe is Elianna Grace Smith also known as Princess Eli, ang kanyang pamilya ay kilala sa kanilang bayan. Ngunit hindi nya inakala na babaliktad ang mundo na ang dating buhay nila na napakataas ay ngayon nama'y napakababa.