Bakit ba kasi ang hirap maging mahirap? Gusto ko ng bumalik sa dati 'kong buhay. 'Yung walang kahirap hirap. Isang utos lang andyan na agad pero ba't ngayon kailangan ko pang mag trabaho ng napakahirap para lang makuha ko 'yung gusto ko. Actually hindi nga 'yung gusto ko eh, 'yung kailangan ko.Ngayon ko natutunan na lahat ng bagay ay hindi madaling makuha. Kailangan mong ibuhos ang dugo't pawis mo para lang makamit mo ang hinahangad mo.
Hindi ako 'to. Hindi ko buhay 'to. I'm not used to this kind of life. Pero life is so unfair.
"Hey! Nakatulala ka nanaman d'yan! Ano na naman bang iniisip mo?"
She's my bestfriend, Maxine Dela Paz. Simula nung lumipat kami dito sa probinsya ay s'ya na yung kauna unahan kong naging kaibigan dahil mag kapitbahay kami.
"Nothing, pagod lang siguro ako hindi pa din kasi ako nakakahanap ng trabaho."
"Eh bakit kasi hindi ka nalang mag apply dun sa company dun sa Maynila? Alam mo namang hindi masyado malaki ang kita dito, dun ka mag umpisa ng buhay mo kasi alam ko namang hindi ka sanay sa buhay mahirap kasi princess ka sa dati mong buhay. Atleast dun medyo madali kumita ng malaking pera. Mag apply ka dun sa kumpanyang pinapasukan ng tatay ko sabi nya kasi mataas daw silang mag pasweldo do'n."
Pinag-iisipan ko din na pumuntang maynila para magkaroon ng kita na malaki-laki. Dito kasi sa probinsya maliit lang ang sweldo tas ang hirap hirap pa ng ginagawa.
"Mag iipon muna ako siguro ng pamasahe kasi ayaw ko munang galawin yung pera kong natitira sa atm ko kasi pwede kong gamitin yun para bumili ng maliit na titirahan sa Maynila."
Tinaas n'ya lang ang kanyang dalawang kilay bilang pag sang ayon sa sinabi ko at pag tapos non ay nag paalam na s'ya na uuwi.
~KINABUKASAN~
Mag isa nalang ako sa buhay because mom and dad died before my life turned upside down. We are the richest family in town. Mom and dad is so kind kaya din mabait ang patungo samin ng mga tao. I'm the only child kaya spoiled brat ako. Palagi akong nagagalit pag hindi ko nakukuha ang gusto ko, palagi kong inuutos ang mga bagay na dapat ako ang gagawa. Tawag nilang lahat sakin ay Princess Eli kasi yun ang gusto ko.
My parents is so lowkey na hindi mo talaga makikita na mayaman kami kaya gustong gusto sila ng mga tao dito samin tsaka sa mga nakakalilala sa kanila kasi they're also so humble. Pero dahil nga I'm a spoiled brat at masyadong maldita ay hindi ako masyado gusto ng mga tao. And i don't care.
Hindi ako pinalaki ni mom and dad na englishera kasi nga Filipino naman daw kami. Kaya hindi ako katulad ng ibang mayayaman na english lang ang kayang banggitin. Pero marunong akong mag english kaya nga lang hindi ako sinanay nila mom and dad. Pero ok lang naman sakin yun kasi hindi ko naman ikaka hirap yun. Duh.
Namatay sila mom and dad sa car crash. Papunta sila non sa meeting para ipasa na yung company dun sa mayaman na gustong mag revive ng namamatay naming kumpanya nang biglang may sumalubong sa kanila na truck at dun na nabago ang buhay ko.
Gabi gabi akong umiiyak kasi hindi ko alam kung san ako pupunta. Unti unti ng nawawala ang mga pag mamay ari namin kasi hindi ko na alam kung saan kukuha ng pera kasi lahat ng kumpanya namin ay bagsak na kaya yung mga gamit namin ay unti unti kong sinasanla para may makukuha akong pera.
Walang natira sa pera nila mom and dad kasi nung nalulugi na yung company ay na depress si daddy kasi ang lolo nya pa yung nag tayo ng kumpanya kaya lubos syang nalungkot. Natuto si daddy na mag bisyo at mag sugal kaya yung mga pera namin ay dun napunta at dahil don ay tuluyan ng bumagsak ang mga kumpanya namin at wala ng nagawa si mom and dad kundi ibenta nalang ito. Kaya wala ding perang napunta sa akin dahil naubos na ito sa bisyo ni dad.
Nag karoon ako ng kaunting ipon galing sa mga gamit na binebenta ko kaya may naibabayad ako sa upa dito sa nilipatan kong probinsya. Balak ko ng pumunta ng maynila para mag hanap ng maayos na trabaho.
"Hayyyyy umaga nanaman! Ang tagal ko palang nakatulala."
Bumangon na 'ko sa aking kama at tsaka nag luto ng almusal nang biglang may kumatok sa aking pintuan.
*knock knock*
"TEKA LANG!!!" Siguro si maxine 'to. S'ya lang namang 'yung palaging pumupunta dito eh.
"Oh ano ba yon andito ka nanama—." hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang may mga lalaking biglang humablot sakin at tinakpan ang bibig ko ng panyo and everything went black.
***
"Sino kayo? Anong kailangan nyo sakin? Bakit ako nandito?" sabi ko ng may halong pag iyak.
"Boss kayo ng bahala dito sibat na kami." sabi nung lalaking dumampot sakin kanina.
"Magandang Umaga Ms. Smith. Hindi mo ba ako nakikilala?
Hindi ko maaninag ang mukha nung lalaking nag sasalita dahil nahaharangan ng ilaw ang kanyang mukha pero nung lumapit siya ay bigla akong natigil. No this can't be happening.
"B-bry?" Hindi ako makapaniwala na ang nag padukot sa akin ay ang dati naming hardinero. I'm out of words.
"At your service PRINCESS ELI." At talagang binigyan nya ng diin ang napakaganda kong pangalan ha.
"A-anong kailangan mo sa akin? Bakit mo 'ko pinadukot?" nanginginig kong sabi kasi di na ko mapakali.
"Nabalitaan ko kasi na ang dati kong amo ay ngayon ay nag hihirap na, nandito ako para tulungan ka. Bibigyan kita ng trabaho." seryosong sabi ni Bryson.
Wth? Pinadukot n'ya 'ko para lang sabihin na bibigyan ng ko ng trabaho. Pero teka? Ako bibigyan n'ya ng trabaho? Eh hardinero nga lang namin s'ya noon.
"Surprised princess eli? Oh you're not a princess anymore. So surprised eli?" Nakangising sabi nya. "Mag tatrabaho ka sa company ko at para matuturuan kita sa mga gagawin mo kasi hindi ka naman marunong mag trabaho mahal na prinsesa." Dugtong nya.
"Eh bibigyan mo lang pala ako ng trabaho eh bakit kailangan mo pa kong ipadukot?"
"Alam ko kasing hindi ka sasama kapag sinundo kita kaya pinadukot nalang kita."
Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to! Porket hindi ko s'ya gusto noon ay gagantuhin n'ya na ako ngayon! Humanda s'ya pag ako yumaman ulit.
"Ano naman ang magiging trabaho ko?" Pataray kong tanong.
"P.A ko."
YOU ARE READING
The Cruel Princess
RomanceShe is Elianna Grace Smith also known as Princess Eli, ang kanyang pamilya ay kilala sa kanilang bayan. Ngunit hindi nya inakala na babaliktad ang mundo na ang dating buhay nila na napakataas ay ngayon nama'y napakababa.