CHAPTER 1

508 14 0
                                    

[ CHAPTER 1 ]

Zhelesty POV

HINAWI ko ang ilang hibla ng buhok na lumipad sa aking mukha na nilipad ng malakas at malamig na ihip ng hangin. Nasa tapat ako ng dagat sa baybay at hinihintay ang pag lubog ng araw at panoorin iyon. Isa sa libangan ko ang mapanood ang pag-lubog ng araw at pag-labas ng buwan. Nakakagaan iyon ng kalooban at nakakatanggal ng stress at badvives para sakin. Nakangiti kong hinawi muli papunta sa likod ng tainga ang aking buhok na muling lumipad papunta sa aking mukha. Nakakarelax ang pakiramdam.

Ipinatong ko ang aking isang braso sa nakatayo at magkadikit kong tuhod at saka ipinatong rin ang aking baba doon. Winisik-wisikan ko pa ang aking paa ng tubig galing sa dagat nang hindi inaalis ang paningin sa paglubog ng araw.

"It's so relaxing to watch sunset, right." Nabigla ako ng may marinig na tinig sa tabi ko.Hindi ko ito naramdamang tumabi sa akin.

Nakangiti ito ngunit ang paningin ay wala sa akin. "Right."buong-buo ang boses nito, at masarap pakinggan. Bigla itong lumingon sakin ng hindi inaalis ang ngiti sa mga labi, nagulat pa ako doon.

"Ah. O-oo nga." Hindi ko alam ang sasabihin. Narinig ko ang mahinang tawa niya. Ano namang nakakatawa? Bakit siya tumatawa?

Umurong ako palayo sa tabi niya at doon pinanood ang pagtago ng araw. Hindi kasi ako sanay na makipag-usap basta basta, lalo na kapag hindi ko kilala. Hindi naman ako maarte, talagang hindi lang ako komportable.

Hanggang sa tuluyang mawala sa aking paningin ang araw ay siyang pag-dilim ng kalangitan. At siyang pag-labas ng maliwanag na buwan at pag-kislap ng mga bituwin. Nahiga ako sa buhangin at pinag-krus ang aking braso saka ginawang unan at saka pinag-masdan ang payapang kalangitan. Hindi ko alam kung umalis na ang lalaki na naupo kanina sa tabi ko o hindi pa, hindi ko na iyon inalala pa. Sa pamamagitan ng bituwin ay nakangiting gumawa ako pigura na papasok sa isip ko. Itinaas ko ang aking hintuturo at pawang gumuhit ng mga hugis.

Bigla ay napalingon ako sa bandang kinauupuan ng taong tumabi sa akin kanina. Gayon na lang ang gulat ko na halos mapatayo ako nang makita ko pa ito doon at mismong naka tingin nang deretsa sakin. Bakit naman ganiyan siya kung makatingin? Akala ko naman umalis na siya. Bakit narito pa siya?

Nabigla ako ng bigla itong tumayo at saka lumapit saakin at naupo sa tabi ko. Hindi ko na maaninag ang mukha niya kaya hindi ko alam kung ano ang kaniyang emosiyon ngayon, dahil sa nasisiraduhan niya ang ilaw ng buwan.

"Can I lay, beside you?" Hindi ko alam ang isasagot, dahil na rin sa gulat na hindi pa naalis saakin. Naalala ko ang laging sinasabi saamin ni mama.

Tumawa na naman muli ito ng mahina. Ang ikinagulat ko ay ang bigla niyang na lang pag-higa sa aking tabi ng hindi pa hinihintay ang aking sagot o pahintulot.

Ha? T-teka--"B-bakit ka m-mahihiga sa t-tabi k-ko, eh h-hindi naman tayo m-magka-k-kilala, d-diba" Utal kong tanong nang hindi tumitingin sa kaniya dahil naiilang ako. Sa pwesto pa nga lang namin eh. Sumusulyap sulyap lang ako sakanya gamit ang mata.

"Wala namang mali don, d-diba" Ginaya nito ang paraan at boses ko sa pagkakasabi sa huling salita. Hindi ko maiwasang matawa ng palihim ng bumungisngis ito, pero pinigil din agad at saka nagsalita.

"H-hindi n-naman, p-pero k-kasi. A-ano e.. L-lalaki ka at babae a-ako k-kaya.. a-ano--" Pinutol niya ang pagka utal-utal kong sinasabi.

What's Wrong with You Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon