CONTINUATION OF CHAPTER ONE

248 9 0
                                    

[ CONTINUATION OF CHAPTER ONE ]

"ATE, gumising ka." Nagising ako ng maramdamamg umuuga ang kamang kinahihigaan ko.

"Mamaya na, ten minutes" Mahinang aniko at saka bumalik sa pag-tulog.

"Ate, gising" Mas lumakas na ang pag-uga ng kama ang naramdaman ko, kaya't inis akong bumalikwas ng bangon at saka kinusot-kusot ang mga mata.

"Bakit ba" inis singhal ko sa mga kapatid ko na siyang gumigising saakin ngayon, hindi ko pa rin maimulat ang mga mata ko, dahil pakiramdam ko ay mapait iyon kapag sinubukan kong imulat.

"Ateeee!" Napamulat ako ng ayos ng marinig ang hagulgol ng bunso kong kapatid. Lumapit siya saakin at niyakap ako pahiga.

"Bunso, bakit ka umiiyak. Sinong umaway sa baby ko" Hinaplos ko siya sa buhok, ngunit mas lalo pa yatang lumakas ang pag-atungal niya.

Tumingin ako sa dalawa ko pang kapatid. Taka ko silang tinignan ng makitang umiiyak rin sila ng tahimik.

"Ano bang problema nyo. Bakit kayo naiyak" Tiningnan ko sila isa-isa ngunit ni isa rin sakanila ay hindi ako sumagot.

"Ano bang nangyari, asan si mama, Cristy" Hindi pa rin ako sinagot ng pangalawa kong kapatid.

Nag-aalala na ko. Ano ba kasing nangyari? May nangyari nga ba?

"Sandali lang ha, pupuntahan ko lang si mama, sandali lang bunso ah" Hinaplos ko muna ang kaniyang buhok saka bumaba sa kama.

"Ate, si mama, nandon kay papa. Naaksidente daw kasi s-si papa ate" Saka humaguhol na sagot ni Cristel, ang kapatid kong sumunod kay Cristy.

"Shhh, tumigil na kayo sa pag-iyak. Uuwi naman din si mama, mamaya eh" Hinaplos ko sila isa-isa sa buhok. Tiningnan ko ang orasan. Ala-sinko pa lang pala.

"Oh sige na. Bumalik na kayo dun sa kwarto niyong dalawa. Madaling araw palang. Dito na sakin matutulog si Cristove. Goodnight na lang."

"Oh, bunso. Matulog ka na, paggising mo nandito na si ma--"

"Ate dito na lang kami sa kwarto mo, matulog" Napatingin ako kay Cristel, at saka ngumiti.

"Oh sige. Dito na lang kayo matulog. Babantayan na lang kayo ni ate"

Nginitian ko sila isa-isa at hinaplos ang mga buhok nila.

"Ate, di ako po makatulog, ate" Napatingin ako kay Cristove at saka pilit na ngumiti.

"Kakantahan na lang kayo ni ate"

Patay! Bat ko ba yon sinabi? Wag kang pumayag please, bunso.

"Sige po, ate"

Hays! Nubayan!

"Oh sige, kaso walang gitara si ate, eh" Natatatawa kong palusot.

"Ok po lang, ate"

Wala na talaga akong lusot neto.

"Oh sige na nga. Anong kanta ang gusto ni bunso"

"Kahit po ano, ate"

"Hmm-hmm" Tumango -tango ako at saka inumpisahang kantahin ang paborito kong musika.

🎵You tell me you're in love with me🎶

🎵Like you can't take your pretty eyes away from me🎶

🎵It's not that I don't wanna stay🎶

🎵But every time you come too close.. I move away🎶

Hinaplos ko sa buhok ang aking kapatid na si Cristove, ang bunso kong kapatid. Apat na taon pa lang siya pero pakiramdam ko, e nahihitan niya na ko sa talino.

🎵I wanna believe in everything that you say🎶

🎵'Cause it sounds so good🎶

🎵But if you really want me.. move slow🎶

🎵There's things about me you just have to know🎶


Inayos ko ang buhok na nakaharang sa mukha ni Cristel, ang ikatatlo kong kapatid. Mahiyain siya sa ibang tao pero kapag pamilya niya na ang kaharap, eh napakamasayahin at napakadaldal.

🎵Sometimes I run.. Sometimes I hide🎶

🎵Sometimes I'm scared of you🎶

🎵But all I really want is to hold you tight🎶

🎵Treat you right, be with you day and night🎶

🎵Baby all I need is time...🎶

Inayos ko ang kumot at binalot hanggang leeg nila.

🎵I don't wanna be so shy🎶

🎵Every time that I'm alone I wonder why🎶

🎵Hope that you will wait for me🎶

🎵You'll see that you're the only one for me🎶

Sana ayos lang si papa. Pero bakit naman kami iniwan ni mama dito?

🎵I wanna believe in everything that you say🎶

🎵'Cause it sounds so good🎶

🎵But if you really want me.. move slow🎶

🎵There's things about me you just have to know🎶,

"Hay, nakatulog rin sa wakas." Mahina kong bulong at saka napatingin sa kisame.

Ano kayang nangyari kay papa?

~♡~
End of Chapter One

N/A: Sana nag-enjoy ka!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What's Wrong with You Sir?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon