CHAPTER 10

158 51 266
                                    

ISLA BRIELLE FERRIOLS ❈

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang masamang panaginip. Habol hininga at pawisan akong napasandal sa headboard.

Mula ng mangyari ang kawalang hiyaan ni Hudson ay mas dumalas ang pananaginip ko ng masama. Totoong totoo iyon sa pakiramdam, nakakatakot, para akong kakapusin ng hininga.

Inabot ko ang cellphone  ko mula sa bedside table, alas cuatro pa lang. Binuksan ko na rin ang message na galing kay Kuya Theo, he is informing me that he went home already at babalik na lang sa susunod. Inilapag ko sa higaan ang phone ko saka ako sumulyap sa bintana, madilim pa sa labas pero hindi ko na kayang matulog.

Halos hindi ko na namalayan kung gaano ba ako katagal na nakatingin lang sa kawalan. Nang makita kong maliwanag na sa labas ay saka lang ako nagdesisyon na tumayo na.

Bago lumabas ay kumuha muna ako ng tuwalya. Pagkatapos ay dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig saka ako pumasok sa banyo para maligo at ng magising ang sistema ko.

Free day naming ngayon kaya ang plano ko sana ay matulog lang maghapon. Pero dahil sa panaginip na iyon ay hindi ko na magagawa iyon. Natatakot akong baka maulit na naman 'yon.

Napagpasiyahan kong maglinis na lang muna ng apartment ko. Baka bigla na namang sumulpot si Kuya Theo at lait-laitin na naman ang tinutuluyan ko.

Wala naman talagang masyadong lilinisin sa apartment ko, maarte lang talaga si kuya, ayaw niya ng magulo at wala sa ayos ang mga bagay sa piligid niya.

Kinonekta ko ang cellphone ko sa bluetooth speaker para mag soundtrip.

May isang oras na din ako na naglilinis habang nag sasounds.

Now playing Tala...

Tala, tala, tala

Ang ningning ng mga tala'y
nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong mga mata'y
nahanap ko sa mga tala

Agad kong inihinto ang paglilinis at pumwesto para sabayan ng sayaw ang tugtog habang nag lilipsync.

Siguro nga masyadong mabilis
Ang pagyanig ng puso ko
Para sa puso mo
Siguro nga ako ay makulit, ayaw makinig
Sa takbo ng isip
Hindi ko maipilit

Eto na ang paborito kong step.

Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa 'yong---

Naka-unat ang mga braso ko at magkadikit ang dalawang kamay sa harapan, dahan dahan ko na sana itong paghihiwalayin at mag chechest pump nang bigla mag-iba ang tunog.

There was a time in my life
When I opened my eyes
And there you were...

Gwynette's calling...

Bagot ko itong sinagot. "Ano?!"

"Ay 'te! Ang aga aga highblood? 'Yung totoo first day mo?" pang-aasar niya pa sa kabilang linya.

"Hindi mo ba alam na ang aga pa para mambulahaw ka?"

"Pasensiya na po mahal na prinsesa, ipapaalala ko lang naman po sana na ngayon ang punta natin sa Coffee Shop para personal kang makapag-apply ano ho?" sarkastika niyang sabi.

"Ay sh*t! Oo nga pala 'no?" Napatapik ako sa noo, nawala talaga ang bagay na 'yon sa isip ko.

"Hay naku! Sabi ko na nga ba at nakalimutan mo. Kung hindi pa pala kita tinawagan ay mamumuti na ang mata ko kaka-intay sa'yo. Kaloka. Ke bata-bata uli-anen!"

I wish I didn't love you soTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon