I created a lot of love stories, pero ni minsan hindi ko pa nagawang maisulat ang sarili kong kwento.
I am Celistina Cruz, Isa akong kilalang manunulat. Pero sa puntong ito mukhang napipi ang mga kamay ko para isulat ang kwento ko, hindi ko alam kung paano at kung saan magsisimula. Sabi nila pag hindi ka pa handang ihayag sa iba ang kwento mo mahihirapan ka talagang ihayag ito. But I have decided to share it with you, kahit pa mahirap.
I was 8 years old nong makilala ko ang first love ko. His name was Jared, we're both 8 at that time. Bagong dating sila noon sa probinsiya galing Maynila. Nong una ko siyang makita I remember him wearing a jumper with a red inner shirt, tapos naka cup din siya at white rubber shoes. I found him really cute that time. Habang abala sa paglilipat ng gamit ang pamilya niya naisipan ko siyang lapitan at kausapin. And there our friendship started.
We became best friends. Lagi kaming magkasama, hindi na nga kami mapaghiwalay eiy. Sa tuwing magkasama kaming naglalaro sa playground malapit saamin hindi namin namamalayan ang oras kaya madalas kaming mapagalitan at sa tuwing may nangaaway sakin, lagi siyang nandiyan para ipagtanggol ako. He is my hero, my knight in shining armor.
When we turned 14, I didn't expect na magkakagusto ako sakanya. I thought it was just a puppy love, but as time goes by lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sakanya. At don ko napagtanto na totoong pagmamahal na yung nararamdaman ko.
At first I was reluctant, I don't want to admit na mahal ko na siya dahil natatakot ako na baka mawala yung friendship namin, natatakot ako na baka mawala siya saakin.
Matagal din naming inalagaan yung pagkakaibigan na meron kami that is why I really treasure it. Kaya never akong nagconfess sakanya.
Pero nagulat ako isang araw biglang nagbago yung pakikitungo ni Jared saakin. Bigla siyang naging cold. Hindi niya na ako kinakausap at sa tuwing lalapitan ko siya gumagawa siya ng paraan para mapalayo saakin. Dahil don sobra akong nasaktan,iningatan at inalagaan ko ng sobra yung pagkakaibigan namin, sinet aside ko yung nararamdaman ko tapos itatapon din lang pala niya.
Nalaman ko na may nililigawan siya -si Cindy, kaklase namin. Nong nalaman ko yun, ako na mismo yung umiwas sakanya. Kahit mahirap pinilit kong dumistansiya. Inisip ko na lang na masyado pa akong bata para sa pag-ibig na yan.
Tuluyan na ngang nawaglit sa isip ko si Jared, pinabayaan ko na siya. Wala din naman akong magagawa, masasaktan lang ako. Pero bigla ako isang araw bigla na lang siyang nag chat.
"Nasan ka?" Sabi niya.
"Nasa bahay, bakit?" Sagot ko
"Magkita tayo, mamayang alas7 ng gabi. Hihintayin kita sa dating tagpuan." Sabi niya
Hindi ko alam kung pupunta ba ako, simula kasi nong iniwasan niya ako at nong nalaman kong may nililigawan na siya. Nagdecide ako na layuan na din siya. Pero ngayon parang may kung ano saakin na nagsasabing pumunta ako at makipagkita ako sakanya.
6:30 pm ng magdecide akong lumakad na papuntang playground -sa dating tagpuan. Naglakad na lang ako para saktong alas7 nadon na ako.
Nangmarating ko ang lugar, walang ibang naroon kundi ako, naisip ko na baka pinagtitripan niya lang ako. Grabe napakadilim pa naman dito.
Akmang aalis na sana ako, nang biglang magliwanag yung buong paligid, may mga fairy lights sa seesaw at sa mga puno. Napakaganda din nang pagkakaayos ng mini house sa may Slide. Nakita kong nagpadulas don si Jared at nilapitan ako.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya habang nakagiti, bakit ba ang gwapo niya.
Napatango na lang ako, Ewan ko ba kung bakit walang boses na lumalabas sa labi ko.
Inaya niya ako papunta sa mini house, hindi ko alam kung bakit parang naging sunod sunuran ako sakanya. When we reach it, I was really amaze kasi sobrang napakaganda ng pagkakaayos sa loob. I manage to utter words at tinanong siya kung para saan yun.
"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari pero Tina, I want you to know that I love you" diretsong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
I froze the moment he utter those words.
"Paano si Cindy, hindi bat nililigawan mo siya." Tanong ko, na naging dahilan ng nakakaloko niyang ngiti.
"Hindi ko nililigawan si Cindy, pinalabas lang namin na nililigawan ko siya para madistract ka at hwag akong guluhin sa plano kong ito. As a matter of fact, she helped me in setting this up." Sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumuhos yung luha ko. I was really happy, to the point na akala ko panaginip lang lahat ng ito. When he saw me crying, he hug me.
"I know, may nararamdaman ka din para saakin, kaya gusto ko sana ligawan ka Tina. Kung papayag ka" sabi niya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at tinitigan ko siya sa mata, kitang kita ko naman dito na sincere siya. Kaya sumagot na ako ng Oo. I saw in his eyes the happiness.
Pagkatapos niyang magconfess, may inihanda siyang pagkain at pagkatapos naming kumain nag stargazing kami. Habang pinapanood namin yung mga bituin sa langit bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Sabay sabing "I promise, that I will always hold your hand forever." Natapos ang gabing yun ng may ngiti ang aming labi.
Dalawang buwan din akong nilagawan ni Jared, sa loob ng dalawang buwan ipinakita at ipinadama niya yung pagmamahal niya. We spend every single day being with each other's company.
2 years later, sinabi saakin ni Jared na aalis siya ng Pilipinas parang magaral abroad.
Gusto kong sabihin na wag na siyang tumuloy, dahil hindi ko kayang malayo siya sakin pero ayaw ko namang maging selfish kaya hindi ko siya pinigilan.
2 days after our junior high school graduation ang flight niya papuntang America. Ihahatid ko sana siya pero ayaw niya, ayaw niya na ang huling pagkikita namin ay ang pagalis niya. Kaya bago siya umalis, nag date na muna kami. Sinulit namin yung buong araw ng magkasama.
Nong maghahapon na pumunta kami sa tabing dagat at sabay naming pinanood yung sunset. Kasabay ng paglubog nito ay ang pangakong babalik siya, babalikan niya ako.
Dumating na nga yung araw na ayaw kong mangyari, ang flight niya paalis ng bansa. Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng palihim sa kwarto ko, kinagabihan nakatanggap ako ng tawag mula sa mama niya.
"Hija, wala na si Jared" punong puno ng hinagpis na sabi ng mama niya. Napatulala lang ako habang rinig ko yung mga iyakan sa kabilang linya. Gusto kong isipin na panaginip lang lahat ng ito. Sinabi niya na naaksidente yung sinasakyan nilang van kanina na maghahatid sa kanila sa airport. Malaki ang naging pinsala ng aksidente kay Jared dahil nakasakay siya sa may passenger seat at yun yung spot na tumama sa kasalubong nilang truck.
Hindi ko alam pero bigla na lang nanghina yung katawan ko, napaupo ako sa sahig at naguunahang lumabas yung mga luha ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kong makakabangon pa ako.
Lumipas na ang maraming taon ngunit hindi pa din nawawala sa alaala ko kung paano nagsimula ang pagmamahalan naming nadalawa. Sariwang sariwa pa din sa aking alaala yung mga panahong masaya kaming magkasama.
Sobrang mahal ko si Jared, kaya hanggang ngayon pumupunta pa din ako sa tabing dagat kung saan siya nangakong babalik siya.
Doon ko din isinusulat lahat ng love story'ng ginagawa ko. Kasi naniniwala ako na sa paglubog ng araw meron at meron pa din panibagong pagibig ang uusbong at babalik. Katulad ng mga love story na ginagawa ko, matapos man ang isang buong istorya sinisiguro kong may panibago nanamang aabangan ang mga mambabasa ko.
Naniniwala akong uusbong at babalik muli ang pagmamahalan naming dalawa ni Jared.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (ONE SHOT)
RomanceThis is a One Shot Story. I don't wanna spoil you lots of information about it,so just read and enjoy it guys 😘😍