HYUNJIN'S
" hoy hwang, baka matunaw " sabi ni Changbin hyung mula sa harap.
hindi ko 'to pinansin at tinitigan ko ulit si Ally na natutulog sa balikat ko, ilang oras nang ganito ang pwesto namin. nakaka-ngalay pero ayos lang, mahal ko eh.
tiyaka ngayon ko lang 'to magagawa, kaya habang wala ang boyfriend niya, susulitin ko na o pwede naman na agawin ko si Ally mula sa kaniya.
-
tanghali na nang makarating kami sa resort nila Changbin hyung, kasalukuyan kaming dalawa ni Ally na naglalakad ngayon patungo sa cafeteria.
" ang ganda dito sa resort 'no? excited na ako mag swimming " nakangiting sabi ni Ally habang nililibot ang tingin sa paligid.
" psh eh mas maganda ka kaya " bulong ko sa sarili.
" ha? may sinasabi ka? " nagtatakang tanong ni Ally.
narinig niya yun? " a-ah wala.. sabi ko ano.. maganda nga talaga dito pati yung mga isda magaganda " sagot ko, pero pati ba naman isda Hyunjin? tanga!
napahilamos nalang ako dahil sa huli kong sinabi.
" baliw ka talaga, pati ba naman isda? " sabi niya at tumawa, tumawa na rin ako at napakamot sa ulo.
nang makarating kami sa cafeteria ay umorder na kami tiyaka nag punta sa mga kaibigan namin na naka upo na sa mahabang table.
" tagal niyo ah! " sabi ni Jisung habang nakain.
" anong ginawa niyong dalawa ha? bakit ang tagal niyo " sabi ni Minho hyung at ngumisi, nabatukan naman siya ni Euri noona.
" loko! " sabi ni Ally tiyaka umupo, umupo rin ako sa tabi niya.
kakausapin ko dapat si Ally nang mapansin kong masyado siyang busy mag type sa phone.
kausap ata yung bulok niyang boyfriend. napairap ako sa hangin at nakinig nalang sa mga kwento nila.
dumating mag isa si Jeana at kasunod naman nun ay sina Seungmin at Ara.
jusko, Seungmin. kailan mo ba magugustuhan ang kapatid ko?
" uy Hyunjin, pwede bang bantayan mo muna 'tong mga gamit ko? sasagutin ko lang 'tong tawag " sabi niya, napatingin ako sa phone niya.
' Jay '
ang walang hiyang boyfriend niya pala ang natawag.
tumango ako tiyaka siya umalis, nakarinig naman ako ng tawa mula sa harap ko.
tinaasan ko ng kilay sina Jisung at Felix na tinatawanan ako, pero umiling lang sila ang nag tawanan.
mga baliw
-
BINABASA MO ANG
𝐭𝐮𝐭𝐨𝐫 ; 𝐇𝐘𝐔𝐍𝐉𝐈𝐍 √
Short Story[ EDITED ] " 𝘱𝘸𝘦𝘥𝘦 𝘮𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘪? " _____ 𝐭𝐮𝐭𝐨𝐫 ; 𝐇𝐘𝐔𝐍𝐉𝐈𝐍 𝘩𝘺𝘶𝘯𝘫𝘪𝘯 𝘹 𝘺𝘰𝘶 O4O520 - O82320 _____