Chapter 19

9 2 0
                                    

*******

HAROLD P.O.V

📞 " Hello dad"......" okay,okay dadaan po ako sa unit niya mamaya"

Kakarating ko lang sa university ng maka tanggap ng tawag kay dad kaya ngayon ay kausap ko siya

Ano naman kaya ang gusto niyang gawin ko para sa kapatid ko

Nag patuloy lang ako sa pag lakad, marami na ding estudyanteng nag kakat, meron pang mga kinikilig kapag nadadaan ako sa harap nila, iginala ko naman ang paningin ko baka sakaling makita ko siya, halos tatlong linggo ko na siyang hindi nakikita, itinanong ko na din ang mga kaklase niya kung pumapasok siya halos lahat ay hindi ang sagot

Nang maka rating sa room ay tinapik ako ng mga kaibigan ko

"Musta bro? Ano nakita mo na ba si ganda?"
Ani jack na lumipat pa sa tabi ko

"Wala pre hindi daw pumasok sabi ng mga kaklase niya"
Ani ko na sinang ayunan din ng isa ko pang kaibigan

"Oo nga bro ganun din ang sabi nung pinsan kong kaklase niya"
Ani nito na hawak pa din ang notebook at nag babasa

Tinapik naman ako bigla ni jak sa balikat " Nako brad ayaw nun sayo kaya di na pumasok dito hahahah"

Binatukan ko naman ito dahil sa sinabi niya
"Gago! Kinabahan kamo kaya dinl na pumasok dahil masyado akong pogi at may gusto pa sa kanya"

Nag tawanan naman ang ibang kaibigan ko

Iiling iling na lang sila saming dalawa ni jak

"Tsaka pala brad alam ko na ang buong pangalan niya"
Ani ulit ni Ivan at ibinaba ang notebook at inayos ang salamin
"Tiara Maurice Del fuego, a daughter of the owner of this University,Model din at anak ng Super Model na sina Carlice and George Del Fuego"
Matapos mag salita ay binuklat buklat ulit ang notebook nito

"Pano mo nalaman yan van? Siguro ay naki tsismis ka ano"
Tanong naman ni Carl kay Ivan na busy sa pag babasa

"My mom and her Mom  are bestfriends"
Sagot nito at sinalpak ang airphone sa tenga nito

Napamaang na lang ako dahil ang apelyedong yun,

Shit! Bakit siya pa? Pero sana ay hindi o baka naman pinsan niya iyong tinutukoy ni dad sana nga, sana nga

Bigla akong tinapik ni carl
"Oh bro , napatulala ka na diyan haha, mayaman naman pala si ganda ei"
Tango tango pa ito habang sinasabi iyon

"Putik siya pala iyong crush kong modelo na lagi kong nakikita sa mga billboard"
Ani lucas habang naka tingin sa akin

Aba't may balak pa akong agawan ei may karibal na nga ako dun tsk!

Natigil naman kami sa pag uusap ng pumasok ang guro namin at ibinagsak ang gamit sa table nito kaya napatahimik ang room naming kanina pa maingay

"Get 1 half sheet of paper, okay no. One"  malakas na sabi nito at nag dali dali naman kaming lahat

Ayy putik na to wala akong papel nak naman ng tupa oh! Napalingon ako kay ivan

"Psst! Pahengeng papel"

Saktong iaabot na niya ang papel sa akin ng mag salita ulit ang guro namin

"Ayan, marami kayong pera pag dating sa mga nililigawan niyo pero ang pambiling papel na hindi umabot ng bente ay hindi kayo maka bili"

Asik nito at nakatingin pa sa akin
At hinawakan pa ang gilid ng kanyang salamin

Napalingon naman ako sa mga kaibigan ko, mga hayop na to at tinawanan pa ako at umiiling iling pa

"Ayan kasi dapat ay bumili ka ng papel bro"
Buyo pa ni jak sa akin at nag sulat ng pangalan

"Ang hindi maka-pasa sa quiz na to ay huwag ng mag pakita sa akin sa susunod na araw, okay "

Nag lakad ito sa gitna, at dinudungaw pa ang mga papel namin

"What are the four Gem of Management?"

"Ma'am one to four na po ba iyon?"
Tanong ng isa kong nerd na kaklase kaya napabaling ang tingin ni miss Castillo sa kanya

"Pwede namang isang number lang iyon para sa iyo kung ayaw mong maging four points iyon, I'll say the question twice kaya pakinggan niyong mabuti"

Nag lakad pa ito sa harap ng bawat helera namin, buti na lang at na-aalala ko pa ang tinuro nito nung naka raang linggo

"What are the four Gem of Management?"
Ulit nito sa unang tanong

Nag tuloy tuloy lang ang tanong niya,
Hindi naman masyadong mahirap ang quiz niya at hanggang 35 items lang

"30 are the passing score, kung alam niyong bagsak kayo ay bagsak nadin ang grade niyo sa subject ko"

Ani nito at lumabas na ng room namin,kanya kanya namang reklamo ang mga kaklase pag ka alis nito

*****

THANKS A LOT FOR READING!
DON'T FORGET TO VOTE & COMMENT!

HIDE & SEEKWhere stories live. Discover now