******
SHANINE P.O.V
"Shan sabay kana samin"
Siguro ay mayroong personal driver itong si Mau, dahil mukha siyang mayaman
"Ha? Okay lang ba? Baka naman mapalayo pa iyong way niyo at mahirapan iyong driver mo tsaka baka hinihintay ka nung ei mi-meet mo"
Hindi naman ito sumagot at huminto sa harap ng lalaking gwapo, nang umangat ang paningin nito sa amin ay tumitig ito kay Mau bago tumingin sa akin, Ang ganda ng mata niya kulay brown iyon, makapal ang kilay, kahit may pagitan sa amin ay mahahalatang makapal din ang mahaba nitong pilik mata, matangos ang ilong medyo maliit ang mapulang labi, siguro ay may lahing foreigner ito, naka kunot noo itong bumaling kay Mau at ngumite, tumingin naman ako kay Mau at naka poker face lang ito
"Mau sino siya? Kilala mo?"
Tanong ko kay Mau at inginuso pa iyong lalaki, tumingin ulit ito sa akin kaya nakagat labi naman akong nanahimik
"Haha Zi meet shan, shan meet Zion my driver"
Tawa tawang pakilala niya duon kay kuya pogi
"Hi"
Ani ko at nahihiya pang kumaway sa kanya"Wtf. Tiara, Since when i became your driver?"
Oo nga naman ang gwapo niya para maging driver lang ei baka nga model to, tsaka bakit tiara ang tawag niya kay Mau, ei Mau lang naman ang pangalan ni Mau
Pinag tawanan lang siya ni Mau
"Tara na, pero hatid muna natin si shan ha"
Tumango na lang iyong si Zion, pinag buksan muna kami ng pinto, Si Mau ang nasa tabi nito kaya sa back seat ako umupo
-------
YUAN P.O.V
Nag mamadaling umalis iyong babaeng panget, nasa likuran lang kami ni , narinig ko pa itong sinasabing may kikitain pa siyang kung sino
Ha! Nag mumuka na nga siguro akong tsismoso dahil nakikinig ako sa usapan nung kaibigan niya
" una na ako brad, mag uusap pa kami ni Harold"
Ani ko at tinapik ito"Ge ge, ingat"
Malapit na kami sa parking lot ng makitang may kausap na lalaki iyong dalawa, kitang kita ang itsura nito dahil naka harap sa direksiyon ko ang tingin nito ay nakay panget lang maya maya pa ay umikot ito at pinag buksan ng pinto iyong dalawa ng matapat ito sa pinto ng driver seat ay umagat ang tingin nito sa akin at kunot nuong tinitigan ako bago pumasok ng kotse niya
Ha! Weirdo! Iyon ba ang gusto niya suplado at walang ni katiting na happy pill sa katawan, boyfriend niya siguro iyon hindi naman gwapo! Mulang impakto
Punasok na lang ako sa kotse ko at dumiretso sa unit kong makarating ay naabutan ko iyong kambal ko na naka upo sa sofa at nanonood ng NBA, umupo naman ako sa tabi nito
"Pang ilang quarter na yan?"
Ani ko at tinanggal ang sapatos"Third quarter, Lakers ang lamang"
Napatangk na lang ako sa sagot nito at itinutok ang mata sa tv
"Ano nga palang pag uusapan natin?"
Lumingon ito sa akin
"Ah yeah about that, about dads offer bro"
Napalingon ako sa kanya dahil dun
"What about it?"
Kunot nuong tanong ko sa kanya, minsan lang ito makipag usap sa kung anong pinapagawa samin ni dad at iyon ay ang mga nakakakuha lang ng interest niya
"Gusto mo bang makasal sa kanya?"
Hindi agad ako naka sagot sa tanong niya, ibinalik ang paningin sa t.v, bakit ko pa nga ba pinag iisipan kong gusto kong makasal sa babaeng yun ei sa una pa lang ay ayaw ko na sa gusto ni dad, isinandal ko na lang ang ulo sa sanadalan
"Actually No, hind----"
Pinutol nito ang sasabihin ko
"Talk to dad, tell him, i'm interested, sabihin mong ako na lang, i'm willing hundred percent sure"
Nagulat ako ng bahagya dahil sa sinabi nito
"Why in a sudden you want it? akala ko ba ay ayaw mong makasal dahil inienjoy mo pa ang buhay binata mo?"
Naka ngiseng tanong ko sa kanya, ngumite lang ito sa akin at tumingala na para bang naiimagine iyong itsura ng babae
" I change my mind, naisip kong bakit pa patatagalin kung pwede namang i-enjoy ko ang buhay ko kahit kasal na"
Nakakaloko itong tumingin sa akin
"And be thankful i'm saving your ass, let me marry her for you brother"Napailing na lang ako
"Do you know who is she? The girl?"
Tanong ko at idini-kwatro pa ang binti
"Yeah, i know her"
Napatango na lang ako
"Another fucking Goddess i meet beside mom"Ang itsura niya'y para bang nagayuma dahil sa sinasabi niyang babae
Inlove na inlove ang gago, siguro ay tinamaan ito ng pana ni kupido at ganito na lang kung umasta ngayon
Wala namang kaso sa akin, kung gusto niya iyong babae, hindi ko naman iyon mahal ni hindi ko pa nga iyon nakikita ei
"I'll talk to dad about that, good luck bro, whats her name by the way?"
Para kahit naman pangalan lang ei alam ko
"Tiara Maurice Del Fuego"
Bakit ganun? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko, weird
Weird ka self weird, ani ko sa sarili
Shit! Nababaliw na ba ako? At may sakit na sa puso
*****
THANKS A LOT FOR READING!
DON'T FORGET TO VOTE & COMMENT!

YOU ARE READING
HIDE & SEEK
FanfictionTIARA MAURICE DEL FUEGO isang anak mayamang dalaga na walang ibang ginawa kundi ang mag panggap Wait ...wait ....wait.... MAG PANGGAP? yes! Mag panggap ng dalawang beses upang makatakas sa atensiyon at sa lalaking gustong ipakasal sa kanya ng mga m...