"Wala man lang kayo konsiderasyon? Hindi niyo ba nababasa ang rules and regulation ng School na 'to?! Lalo kana Mr. Albuena! Aba nakuha mo pang idamay sa kalokohan mo itong bagong Classmate mo!?"

Principal. Oo nahabol si Ricky, ang tanga niya hindi ba?

Ang bagal kasi tumakbo tapos dadaan nalang sa may hallway pa, sakto nakasalubong niya si Mr. Taza

"Ma'am naman kasalanan niya yun sumama siya sa akin eh." Pagtuturo niya sa akin.

"U-Uy hindi po totoo yun Ma'am actually nagpasama lang siya sa akin sa labas dahil may kukunin siya at ayon hindi na kami nakabalik pa." Pag dadahilan ko.

"Second day of our class pero binigo niyo ako sa ugali ninyong dalawa! Mamayang uwian h'wag muna kayo umuwi hintayin ninyo ako sa Room at may ipapagawa ako sainyo." Giit ni Mr. Taza sa aming dalawa ni Ricky.

"Okay Sir." Sagot ko.

Ilang minuto rin ang lumipas pinalabas na rin kami sa Office.

"Grabe bro! nakakamiss mapunta sa Office!" Tuwang tuwa pa siya sa ginawa niya.

"Kasalanan mo 'to eh bakit mo ba kasi ako sinama? Tsk." Reklamo ko sakanya.

"Aba sumama ka naman engot ka rin bro." Tugon niya.

Habang naglalakad kami sa hallway pabalik sa Classroom.

"Hoy! Pst."

Agad akong napalingon sa likod.

Siya nanaman.

"Hi Cresentia! Buti nandito ka?" Tanong ni Ricky sakanya.

Ah Cresentia.. okay!

"Uhm. Napadaan lang why? Teka galing ba kayo sa office?" Tanong niya.

"Oo at kasalanan ng Lalaking 'to." At tinuro ko si Ricky.

"Teka wala kabang klase?" Tanong ni Ricky sakanya.

"Mr. Albuena and Mr. Callixto!"

Napalingon kami sa kabila dahil tinawag kami ni Mr. Taza.

"Hindi paba kayo babalik sa Classroom? Saan niyo nanaman balak pumunta?" Tanong niya sa amin.

"Babalik na rin po kami Sir." Giit ni Ricky agad na rin naman umalis si Mr. Taza

Lumingon kami pareho sa Kabila.

"Teka nasaan nanaman siya?" Tanong sa akin ni Ricky.

"Aba ewan ko. Kanina nandyan lang siya tapos ngayon wala nanaman." Giit ko.

Umalis nanaman siya ng di namin namamalayan.

--

"So, what are you doing here? Nandito ba kayo para guluhin nanaman ako?" Si Adelyn.

Sinamahan ko kasi si Ricky pumunta sa Library. Alam na alam talaga ng kumag na to kung saan matatagpuan si Adelyn.

"Masama bang puntahan ka dito?" Tanong ni Ricky sakanya.

Nauumay na ako sa dalawang 'to.

"What do you think? Nakikita mong nag a-advance lesson ako." Giit ni Adelyn sakanya.

Agad naman akong tumayo, at lumabas ng library.

"Halos umuwi na ang ibang istudyante." Bulong ko.

Cresentia Missing Soul [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon