"Hello.. napatawag ka—

"Bro! Ano ready kana ba? Papunta na kami dyan sa bahay niyo ah. Malapit na kami babye!"

agad niya akong binabaan ng phone.

Anong ready? Wala naman kaming napag-usapan na pupunta siya dito.

"Teka pano niya nalaman yung address ko?" I murmured.

habang nasa loob ako ng bahay dinig na dinig ko ang pag busina ng kotse sa labas.

sila na 'yon.

sigurado ako.

agad akong lumabas ng bahay at pinag buksan sila ng gate.

"Wazzap men! Diko akalain na ang laki pala ng bahay niyo. Teka andyan ba si Mommy mo?" Pag tatanong niya.

Agad naman akong umiling.

"Ayun naman pala. Tara na! Pasok na tayo sa loob." Giit niya

Pansin kong kasama niya si Adelyn at Cresentia.

Agad akong pumunta sa harapan ng pinto para pigilan silang pumasok.

"Anong gagawin niyo dito? Tsaka bakit ang dami niyong dala-dala.." sabay turo sa mga bag at pagkain nilang dala.

"We're having fun! Don't worry sasamahan ka naming maglinis after neto." Sabay taas ng kilay ni Adelyn.

Hindi kona sila napigilan pumasok sa bahay.

Dumaretsyo sila sa sala binuksan ang tv halatang naghahanap ng movie si Ricky.

Si Adelyn naman inaayos ang mga pagkain na dala.

Habang si Cresentia naman nakaupo lang sa sofa habang inaantay silang matapos ng bigla naman siyang mapatingin sa akin at bigla akong nginitian.

Agad naman itong tumayo at lumapit sa akin.

"Okay lang ba sa'yo itong ginagawa nila? Sorry ha. Biglaan kasi eh kahapon sinabihin nila ako na h'wag sabihin sayo na ito yung plan nilang dalawa." Bulong niya sa akin.

"Ricky, paano mo nalaman yung address ko?" Out of nowhere bigla kong tinanong sakanya 'yon.

Agad naman siyang humarap sa akin sabay nguso kay Cresentia.

"Ayan tanong mo dyan sa babaeng yan." Agad naman akong napalingon kay Cresentia..

"Uhm. Nakita ko lang dun sa record mo sa school hehehe." Sabay kamot sa ulo.

"But personal things na yun buti nagawa mo pang makita?" Tanong ko.

"Of course! Ako paba I have special power to know everything." Pagtatawa niya.

"Hoy! Bakit niyo inumpisahan agad hinatayin niyo ko." Sigaw ni Cresentia kila Ricky ng mapansin na nanonood na sila ng movie.

Iniwan ko muna sila sa sala at dumaretsyo ako sa cr para makaligo.

--

Kinuha ko na ang tuwalya na nakasabit sa tabi ng pinto.

Dahan dahan akong lumabas ng pinto..

"OMYGHAD!" Sigaw ni Cresentia.

"S-Sorry, diko sinasadya. Pinapatawag ka kasi sa akin ni Ricky and I don't even know na naliligo ka pala." Pagtataranta niya habang nakatakip ang dalawang kamay niya sakanyang mga mata.

Cresentia Missing Soul [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon