Tulala lang si larissa, tinitingnan ang pag agos ng ulan mula sa bintana ng kanilang sasakyan. Iniisip niya kung ano ang magaganap sa buhay niya pag sa lala na siya tuluyang titira.Abala ang mommy niya sa pag check ng passport nila sa shot gun seat habang ang ama nito ay abala ring nagmamaneho.
"My?" Tawag ng dalaga sa ina.
Deretsong tumingin ang ina niya sa kinaroroonan niya at bahagyang nag aantay sa susunod na sasabihin nito.
"Hanggang kailan tayo sa lala?" Halatang di gusto ng dalaga ang paglayo sa nakasanayan na niya.
"Hanggang sa kami ay tumanda iha" ngiting sabi ng ina.
"E matanda na kayo ni daddy" walang gana nyang sabi.
Napakunot ang noo ng ama habang nag mamaneho halatang di ginusto ang sinabi ng dalaga.
"Abay etong batang to" sabi ng mommy melyn niya at tinoon ang pansin sa harapan.
Huminga lang ng malalim si larissa.
Nang makarating sila sa airport sumakay na sila sa private plane na kinuha ng ama nyang si larry.
Walang ganang umupo ang dalaga at nilagay ang dalang earphones sa tenga at nagpatugtug ng kanta.
Madaling dinalaw ng antok ang dalaga at tuluyang nakatulog na.
Tahimik na nag eedit si joshua sa kwarto niya ng biglang tinawag siya ng ama.
"Joshua, halika nga rito" tawag ng ama nyang si amil.
Walang reklamong bumaba ang binata at hinarap ang ama.
"Bakit po?" Mahinahon niyang tanong.
Nag babasa lang ng dyaryo ang ama niya habang suot nito ang eyeglass.
"Mamaya dadating ang kompare ko at ang pamilya niya at bukas naman may celebration na magaganap" sabi ng ama.
Tahimik lang si joshua at inantay ang susunod na sasabihin ng ama.
"Kailangan kitang samahan ako para ipakilala sa kanya." Sabi ng ama.
Tumango lang si joshua at akmang aakyat na ng magsalita ulit ang kanyang ama.
"Dalhin mo ang camera mo para kunan ng litrato ang celebration bukas" huminto ulit ang binata at tumango nalang.
Dalawa silang magkapatid ang isa ay si joshleen neives, ang mas bata sa kanya.
Matagal ng patay ang ina nila na si koreen dahil sa cancer sa ovary.
Tinanggap nalang ni joshua ang pagkamatay ng ina noon.Ang hindi lang tanggap niya ay yung may pumalit sa pwesto ng kanyang ina, dipa siya tuluyang naka recover kaya wala pa yun sa isip niya.
Pagkatapos ng mahabang byahe nila nakarating na sila sa isang malaking mansion na bago lang pinagawa ng kanyang ama.
Talagang pinag planohan nila na umuwi dito pero isa lang ang walang ka alam-alam nito.
Walang iba kundi si larissa.
Kulay caramel ang mansion at halatang bago pa itong pinagawa.
Nilibot ni larissa ang buong parte ng mansion at napahinto siya sa isang eleganteng pintoan.Walang paligoy ligoy pa at binuksan ng dalaga ang silid at halatang nagustuhan eto bukod sa elegante ang desenyo kundi maraming libro ang nakalatay sa bookshelf nito.
"Nagustuhan mo ba anak?" Biglang sumilpot ang mommy niya habang naka sandal ang katawan sa gilid ng pintoan.
"Opo" mahinang sagot ng dalaga.
YOU ARE READING
Fotos De Amor ( Amor Series #1)
Novela Juvenil"I just took one picture of you but I never knew I already took your heart Maria" One wonderful night, I never thought that night will make me fall in love to someone and that someone is you larissa, One night seeing you is like I'm forever loving...