Lipat ng bahay

490 5 0
                                    

Share ko lang po yung naranasan ko mismo dun sa bahay na tinitirahan ko dati. True to life po ito.

__________________________________________________________________________

Mga bandang buwan ng February noon naguusap usap kami ng mga pinsan kong Allan, Pau, Jolo, Leah yung kapatid kong si Carlo at ako sa balak na paglipat ng bahay. Kami po ay magkakasama sa bahay kaming pong lahat ay pawang mga nagtatrabho na maliban lang dun sa kapatid ko, kumukuha sya ng kursong fine arts sa isang kilalang unibersidad sa Maynila.

Sabi nila dun daw kami lilipat sa dating tirahan ng aming tiyuhin kasi nagpagawa na sila ng sarili nilang bahay sa sta. ana. Pero kapag yung kapatid kung bunso eh nakatapos na ng high school lilipat na rin kami dun sa bahay sa sta. ana,pangmansamatala lang ako sa bahay na ito. Lahat naman kami'y pumayag kasi mas mura yung babayaran naming renta sa bahay at alam ko yung bahay na yun dahil dati nung bata pa ako every summer vacation pinapaluwas ako ng mga pinsan ko para magbakasyon at bisitahin na rin ang ang lola ko sa father side. Sa probinsya po kasi ako lumaki eh kasi hikain po ako nung bata.Pinakiusapan na rin kasi nung tiyuhin namin na huwag ng taasan ng renta at kaming mga pamangkin naman daw niya yung mga titira. Nagkasundo naman sila nung landlady.

Meron akong tiyuhin,bunsong kapatid ng nanay ko bukas ata ang "third eye"nya kasi dati kapag lumuluwas sya at may imbitasyon lage syang kasama. Normally, nagiinuman sila sa silong ng bahay na yun tapos anitinig ko dun sa kwento sinasabi ni tito " Kuya, meron kayong kasamang nakatira dito pero di naman sya nangangano,meaning po di daw po nanakit. Kapag nandto ka sa baba umaakyat siya at kapag nasa taas ka bumababa naman siya". Di naman ako natakot kasi nung nagaraln ako sa Maynila basta may oras bumibisita ako dun sa mga pinsan ko para makitayung mga pamangkin ko. Wala naman akong nararamdaman o nakikita.

Dumating yung takdang araw na napagusapan namin na paglipat. Ipinabahala ko na yun sa pinsan ko di kasi ako makaabsent sa trabaho. Dun na ako dumiretso galing trabaho. Okay naman nga yung mga nagdaang araw maliban sa mainit kasi napapalibutan ng napakataas na bakod,renovated yung bahay dati kasi nung bata pa ako malaking malaki yung bahay ngayon maliit na,yung sahig ganon pa rin kahoy. Pero maraming kwarto ganon pa rin, kasama ko si Pau sa kwarto since kami lang yung girls na pwedeng magkasama. Sina Leah at Jolo sila magkasama kasi magasawa sila at yung kuya at kapatid ko dun sa isa pang kwarto.

Minsan nga sa gabi kapag wala kaming gagawin lumalabas kami ng pinsan kong si Pau dun lng sa may gate tapos nagpapahangin, nagkkwentuhan.

Sa umaga ako yung nagigising ng una kasi 8am ang oras ng trabaho ko bumabangon na ako ng 6am para maligo kelangan umalis ng bahy ng maaga kasi matraffic sa dinadaanan ko. Yung banyo na namin andun sa baba, nasa silong,dun po kasi sa silong may parang isang kwarto rin dun tpos isang kaluwangan na tanging flourescent lang ang nagbibigay liwanag. Syempre po meron kaming hagdanan yun palang hagdanan na yun ang magiging dahilan ng pagkatakot ko. At sa gabi naman ako yung nauunang dumating,walang tao,patay lahat ng ilaw at sobrang dilim. Kapag nga minsan naiisip ko yung sinabi ng isa kong tito eh kaya kapag magbubuhay ako ng ilaw nakatingin ako sa labas kinakapa ko na lang.

may kasunod po ito next chapter na lang po next update ng kwento ko.

Ang babae sa hagdanan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon