C H L O E
"ano ba Jeongwoo? hindi mo ko ba titigilan?!" nilakihan ko ang mata ko sa batang kanina pa ako inaasar
"eto na nga noona eh, hindi naman toh mabiro" sabi nya at yumuko
"yan, good" sabi ko at pinat ang kanyang ulo
"HOY!" parehas kami napalingon ni Jeongwoo sa sa sumigaw.
"oh? hyung!" bati ng katabi ko sa nag approach sa amin.
ok, ang gwapo nya talaga.
"natulala ka nanaman sakin chloe ah? matunaw ako nyan?" napabalik naman ako sa realidad ng mag salita si Junkyu
"ulol, alis na ako, bell na"
"lah noona, uwian na kaya" napapikit ako ng mariin
Pwede bang manakal ng bata?
Humarap ako sa kanya at nginitian ng peke, umiwas naman sya ng tingin saakin.
"hay nako chloe, daming palusot, tara, gala tayo" bigla nyang hinawakan ang kamay ko dahilan ng pagkaroon ng electricity sa katawan ko.
Ano yon?
"sige hyung, noona, punta lang ako kila Haruto, bye bye!" kumaway saamin si Jeongwoo habang naglalakad paalis.
"oy tara na, libre mo na ako" tumango nalang ako at hindi na nagtanggakang magsalita.
Ewan, baka may glue sa bibig ko.
•••
"Mint Chocolate ice cream nalang akin" sabi ko sa server na kanina pa flirt ng flirt sa kasama ko
Eto naman si Junkyu, wala pakealam, nginingitian lang tong babae na toh
"ate, Mint Chocolate po aken" ulit ko
"ehem, Mint Chocolate po yung aken" hutangmader.
Dahil hindi na ako makapag timpi, pinalo ko ang lamesa namin at tumayo dahilan na mapatingin saakin ang mga tao dito.
"ATE, KUKUHANIN MO BA YUNG ORDER NAMIN MO DUDUKUTIN KO YANG MGA MATA MO NA KANINA PA NAKATITIG SA BOYFRIEND KO?!" malakas kong saad sa server na akala mo kung sino napakaganda para mag flirt kay Junkyu.
"s-sorry po, a-ano po pala yung o-order nyo?" tapos ngayon mag sosorry sya? psh.
"wala, nawalan ako ng ganang umorder, tara na Junkyu" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Junkyu.
Hinila ko sya palabas at nang makalayo na kami, binitawan ko na sya.
Badtrip eh.
"bakit tayo umalis don?" tanong ng kasama ko
tss.
"pake mo? ayaw ko dun eh" sabi ko at humarap sa kanya
"akala ko ba gusto mo doon? favorite mo don diba?" dami namang tanong nito, halikan ko yan eh
joke.
"hindi ko na gusto don, nakakasawa" sabi ko at tinignan sya
"nagseselos ka ba?"
"ako? nagseselos? sino nag sabi?" pag dedeny ko
"hmm.. tinawag mo akong boyfriend kanina diba?" sabi nya at tinignan ako ng nakakaloko
wtf.
"h-ha? b-baliw ka ba? ikaw? tatawagin kong boyfriend? no way!" umiwas ako ng tingin sa kanya at inayos ko ang strap ng bag ko.
emeged nakakahiya.
"wala pa namang tayo sinasabi mo agad na jowa kita, tsk, tsk" nudaw? ibig nya bang sabihin.. no freaking way!
"b-balakajan" tinalikuran ko sya at nauna nang lakad
"oy teka lang!" sigaw nya at hinabol ako.
Hindi ko na din napigilan at napangiti ako ng wala sa oras.

BINABASA MO ANG
notice : kim junkyu
Fanfiction❝pansinin mo naman ako oh?❞ ◎ on going ◉ completed ◎ edited 「 ✦ treasure na kayamanan series #3 」 previous cover by: @tinatinaaapay #4 notice - 06.24.20 | #3 - 07.08.20 #10 yoonbin - 06.24.20 | #8 - 07.05.20 #10 jaehyuk - 06.24.20 | #4 - 07.05.20 #...