Kabanata21♡Jealous☆

677 22 0
                                    

Mica POV

Maaga akong nagising para sana ipagluto si Duke ng almusal pero pagdating ko sa kusina nakita ko na syang nagluluto.

"Morning baby," bati ko sa kanya.

"Hey, good morning. Bakitt ang aga mong nagising?" tanong nya naman sa akin.

"Ehh ipagluluto sana kita ng breakfast kaso nadatnan naman kitang nagluluto eh," nakasimangot na sabi ko na ikinatawa nya.

"What!?Anong nakakatawa ha!? Siguro kaya inagahan mo kasi ayaw mong ako ang magluto ano? Kasi alam mong sunog na naman ang lulutuin mo at paniguradong hidni ka makakakain no?" masungit na sabi ko.

"Nope. Ayaw ko lang talaga na mapagod ka," natatawang sagot niya. Naningkit naman ang mata ko sa sinabi at kinilatis kung totoo ba ito o binibiro lang ako.

"Tskk. Ang sabihin mo, hindi ako masarap magluto!" asik ko.

"Yeah. Hindi nga," asar pa niya. Sa sobrang inis ko binato ko sya ng pot holder.

"Hahaha! Kahit naman hindi masarap ang luto mo, kinakain ko ah! Pakiramdam ko nga ma-food poison ako eh, pero kinakain ko parin. Ganun ko na-appreciate ang ginagawa mo sakin." Ang epal ha.

"Tse. Ewan ko sayo! Bilisan mo nga dyan nagugutom na ako!" Tinawanan nya lang ako.

"Hahaha okay!"

.
.
.

"Duke? Pupunta ulit ako kay Manang Cely ahh," paalam ko. Napatingin naman sya sakin.

"Hmm. Okay. Kamusta na ba sya? May sakit parin ba?"

"Oo eh. Pero gumagaling na naman, kaso wala si Nicki, walang mag-aalaga sa kaniya," kwento ko. Tumango lang ito.

"Mag-iingat ka ha. Ikamusta mo din ako sa kanya."

Matapos naming kumain, nag-ayos na kami ng kani-kaniyang sarili kasi papasok din sya sa opisina ngayon. Isang jeans at pink shirt lang ang isinuot ko.

Paglabas ko naka-business attire na siya.

"I gotta go,"paalam nya.

"Yeah. Take care,"sabi sabay wave sa kanya.

"Umuwi ka ng maaga ha!" um-oo lang ako sa kanya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating si Christian. Nasabi ko kasi sa kaniya na pupunta ulit ako kaya susunduin nya daw ako.

"Let's go," yaya niya. Tumango lang ako at pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya.

Nakarating na kami ni Christian sa bahay ni Manang.

"Ohh napaaga ka ata ngayon, hija?" sambit ni Manang na nakahiga ngayon sa kama.

"Hehe. Kamusta na po kayo? Hindi na po ba kayo, nahihirapang gumalaw?"

"Okay na naman ako. Mabuti at sinama mo ulit si Christian," nahihirapang sbai ng matanda.

"Syempre po! Maaga po kasi akong umuwi kahapon eh, namiss ko kaagad kayo," saad namna ni Christian

"Ahahaha ikaw talagang bata ka. Sya kumain na muna kayo sa kusina, may pagkain pa yata dyan." Tumango naman kaming dalawa at sabay na nagpunta duon.

"Hey. The necklace looks great on you. Ang ganda. Bagay sayo," puri nya.

"Haha ganon ba? Bigay to sakin ni Duke!"

"Ahhh. Kamusta nga pala kayo? Balita ko Monthsary nyo daw kahapon!"

"Yeah. Hehe nakakatuwa nga e, masyado syang nag-effort."

"Abah. Dapat lang noh."

Nagkuwentuhan pa kami ng kung-ano - ano habang kumakain. Nakwento nya rin sakin na may nililigawan daw sya, Shaira daw ang pangalan.

Napakaswerte naman nya dahil nilagawan sya ng isang Christian Velganza.

Duke POV

Nakangiti ako habang nagmamaneho. Nababaliw na talaga ako.

Kahit saan ako lumingon, mukha palagi ni Mica ang nakikita ko.

Hehehe hindi ko alam kung bakit ganoon ako ka-effort kahapon . This is my first time na nag-effort ako kasi nung kami pa ni Nesty, simpleng date okay na samin.

Pagkadating ko duon, alam kong nabigla sila sa bagong Duke na nakita nila.

Ewan ko pero hindi talaga mabura sa mukha ko ang ngiti. I'm happy because of her!

"Good morning sir!" sabay sabay na bati nila.

"Good morning din!" napangiti sila ng bumati ako pabalik.

Pagkarating ko sa tapat ng opisina ko, sinalubong ako ni Shiela.

"Good morning sir. Mukhang masaya kayo ah. Kamusta po ang date nyo kagabi?" tanong nito.

"Hehe it went well. Thanks to your advice."

"It's just my advice but you made it more memorable, sir, " sbai nito. Nginitian ko lang sya at pumasok na sa office ko.

Agad kong binasa ang mga report at proposal ng iba't ibang department. Marami-rami narin ang kailangan kong pirmahan dahil hindi ko natapos kahapon ang mga ito. Baka mag-overtime ako ngayong araw ah.

Habang iniisa-isa ko ang paper works, may isang message ang dumating sa akin.

-I will give you the information, after the office work.

Itinago ko na ulit sa bulsa ang phone ko. I hired a private investigator para malaman ko ang pinaggagawa ni Mica. Hindi dahil wala akong tiwala sa kaniya, gusto ko lang kasing masigurong ligtas sya araw-araw lalo na't wala ako.

'.. Alam mo hindi naman natin kailangang magpanggap kasi wala naman dito si Nesty at ang mga kaibigan mo!'

'Im not pretending! Hindi ko ginagawa ang lahat ng ito, para lang sa kanila. Please, kahit ngayong gabi lang. Let's just pretend that this is real. Let's forget about the deal and enjoy the night.'

'Look at the sky!'

'Happy Monthsary Mica!'

'Happy Monthsary Baby boy!'

Aishh.. Para na talaga akong baliw kapag pumapasok na lang bigla ang senaryo kagabi. Tsk. Nakakatuwang panoorin ang reaction ni Mica habang binabasa at tinitingnan ang surpresa ko.

Worth it lahat ng pagod!

.
.

*tok tok

"Sir. Uuwi na po ako, ingat po kayo" napatingin ako kay Shiela.

"Okay."

I look at my wrist watch and its already six in the evening.

I pack my things at nagmadaling lumabas ng office. Magkikita pa nga pala kami ng investigator ko.

Pagkadating ko sa parking lot nakita ko na sya na nakasandal sa kotse nya.

"Sir, this is the info. May mga pictures din dyan!" nginitian ko lang sya at nagpaalam nya.

Pumasok ako sa lob ng kotse at binuksan ang envelope.

There's picture of her with Manang Cely in the hospital pero ang ikinainit ng ulo ko ay ang pictures nya kasama si Christian.

Anong ginagawa ng gagong ito dito!? Imposibleng accident lang ang pagkikita nila.

Halos ng lahat ng mga ito ay silang dalawa lang. And this one. I think kanina lang ito kasi ito ang suot nya kaninang umaga.

Kaya ba sya nagmamadaling umalis ako? Kasi magkikita sila!? Kaya ba sya atat na atat na magpunta kay Manang Cely dahil pupunta din duon si Christian!? Ginagago ba nila ako?

"Arrrrgggggghhhhhhhhh!" nakakainis!

Why the hell she's with Christian!? The fvck!

I dialed her number but she didn't picked her phone up. Maybe she's busy entertaining her Chrisitian!

You brings the hell out of me, Mica! And you'll regret it!

I will surely kill Christian for invading  my property! MARK MY FUCKING WORD!!

A Pervert Maid (Palermo's Obsession) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon