Torpe

17 0 0
                                    

" Okay class get one whole sheet of paper mag ququiz tayo " seryosong sabi ni Ma'am Kutsinta

" Maa'm one whole? " tanong ng abnormal kong classmate.

Nagsitawanan naman yung mga baliw ko ding classmate.

" Hindi sa Manila paper, sinabi kong one whole diba? " meron ata si ma'am ang sungit ngayon.

Kumuha na akong ng one whole sa bag ko girl scout ata ako noh....

" Ayun Hera pengeng isa " sabi ni Dagul

Nakita ng iba na meron akong papel kaya lahat sila nagsilapitan na at humingi .

Haiist kabadtrip kaya to pag di ako namigay sasabihin nila ang damot ko pero pag sila meron halos ipagdudukan nila sakin na di nila ako friends.



Pinasa na yung Questioner hindi naman siya mahirap nakinig kasi ako kanina.



Narinig ko na nagbubulong bulungan na yung mga classmate ko kesyo mahirap daw tas di naman daw to tinuro ni ma'am naku sabihin nila di talaga sila nakinig.

Lumabas muna si Ma'am Kutsinta kukunin lang daw yung gamit niya sus if i know makikipagchismisan lang yan sa mga kapwa teacher niya.

" Nasan yung ballpen ko? " tanong ni Jaimaca bestfriend ko bandang dulo siya nakaupo dahil sa katangkaran niya at ako tong maliit sa unahan nakaupo pero kahit nasa dulo siya rinig dito sa unahan yung boses niya.

" Ballpen nga nawawala Boyfriend pa kaya? " sagot naman ni Andrei . Si Andrei ang mortal enemy ni Jamaica ewan ko ba sa dalawang yan aso't pusa.



" Anong connect? Abnormal ka letche wag kang sumabat. " mataray na sagot ni Jamaica.



Dahil dito nagsimula ng magsigawan yung mga classmate ko "Go Jamaica yung iba Go Andrei" meron pang mga nagpustahan.


" Guys quiet may mga nagququiz! "


Di na nakatiis si president kaya tumayo na siya pero baliwala lang walang pake yung mga classmate ko nag ingay pa rin sila bale nagwalk out si president at dahil paepal si Vice President



" TAHIMIK! RESPETO NAMAN !"

Dahil dun nagsitahimik na sila takot kasi sila kay VP masyado kasi tong matapang.



Hinayaan ko na lang sila tutal wala naman akong mapapala sa kanila.

Maya't maya pa dumating na si Ma'am Kutsinta kasama si President pustahan nagsumbong na naman yan sumbongera kasi.

"LAHAT KAYO MINUS 15 SA QUIZ DI NA KAYO NAHIYA NASA HIGHER SECTION PA NAMAN KAYO! 20 MINUTES PA THEN CHECHECK NA NATIN YANG MGA PAPEL NIYO !"

Lahat? Pati kaming mga tahimik nadamay! Eto ang mahirap sa high school pag maingay ang isa damay na ang lahat.

Binilisan ko ng matapos yung quiz ng nasa dulo na ako ng sinasagutan ko may naramdaman akong papel na bumato sa ulo ko.



"#$*$*@*#*'!' Psst. Pakopya " yan yung nakasulat dun sa papel .

Teka sinong damuho yung nagbato sakin ng papel? Pakers siya aa.

Hindi ko na lang pinansin tutal baka nangtritrip lang yung nagbato nito saken.


Pero after 1 minute may nagbato na naman .


" Pansinin mo naman ako dali na #threewordseightletter " pakers sino ba to?


Tumingin ako sa likod para tignan kung sinong kumag yun pero wala lahat sila busy sa pangongopya.

Naawa naman ako kaya kumuha ako ng scratch at sinulat yung sagot





Pero teka pano ko ibibigay yung sagot kung di ko naman kilala kung sino yung bumato nito sakin?



"MR. UEHARA ANO TO?" Nagulat ako sa sigaw ni Ma'am hindi lang pala ako lahat kami pala nagulat.

" Ma'am an----------- " di na natuloy yung sasabihin ni Zeus ng basahin ni Ma'am yung sulat dun sa One whole niya.

" Hera pansinin mo naman ako . Hera myloves sana exam na lang ako para sagutin mo na din ako. Zeus love Hera. Flames . Enternity. Hera hera her blah blah blah"

O___________O si Zeus Mahal ako?

Namumula na siguro yung mukha ko sa hiya grabe. Lecheflan tong Zeus na to.


" Bat di mo naman sinabi Mr. ZEUS NA MAY GUSTO KA PALA KAY MS. HERA? Grabe ang baduy mo" akala ko magagalit si Ma'am pero tinukso niya pa rin kami .

Tinalo ko na ata sa pagkamula yung kamatis sa sibrong hiya. Crush ko na dati pa si Zeus ewan ko ba pero di kami nagpapansinsinan sa isa't isa.

" Natotorpe po ako "


Lahat ng classmate namin nag si ayiieh yung iba may pa hampas hampas ng upuan.


Eksakto naman na tumunog yung bell mabuti na lang uwian na.

" Okay class bukas na lang natin ichecheck yung papers niyo sige class dismiss. "


After umalis ni Ma'am nagsilabasan na rin yung iba kong classmate yung iba naman tinukso muna ako bago umalis.

Papaalis na ako ng kalabitin ako ni Zeus.


" Hera sorry aa. Pero di ako nagbibiro Hera mahal kita kaso naduduwag akong sabihin sayo " gwapo si Zeus kamukha niya si Vini Uehara kaya halos lahat ng babae sa school crush siya.

" Ahm. Ano kasi Zeu------- "


" Babe! " naputol yung sasabihin ko ng marinig ko yung boses ni Pao. Boyfriend ko si Pao mag dadalawang buwan na kami pogi rin si Pao pero mas lamang pa rin si Zeus ng mga tatlong paligo.

" Babe si Zeus , Zeus si Pao boyfriend ko " nakita kong natulala si Zeus sa sinabi ko konti lang kasi nakaka alam na magboyfriend girlfriend kami ni Pao.

" Nice to see you pre sige una na kami ni Hera "

Umalis na kami naiwan si Zeus sa loob ng classroom.


Aaminin ko naging crush ko din siya pero huli na ang lahat.


---- Charan! End ***
Bunga ng boring na Chem
8/23/13

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torpe (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon