MNL48 : 365 Araw ng Eroplanong Papel

22 1 0
                                    

Tumingin sa langit ng umaga
Sa araw kung tawagin ay ngayon
Umaasang malalagpasan nang may ngiti
Tahimik na hinihiling

Kung minsan pumapatak ang ulan
Ngunit luha ay umaapaw
Mga araw na 'di umaayon sa 'ting plano
Bukas, pagsisipagan ko

Pangarap na 'king inaasam
May isa pang ako na malaya
Nagagawa lahat aking ninanais
Ito ang aking hangarin

Buhay ay eroplanong papel
Dala ang pangarap, ito'y lumilipad
Kasabay ng pag-ihip ng hangin
Patuloy sa pagsulong
Sa halip, 'di alintana ang layo
Kung sa'n 'to naglakbay
At kung saan man mapadpad
Ito ang mas higit na mahalaga
Tibok ng puso ang gabay, 365 araw

Pagkataong makita ang bituin
O gabing halos walang makita
Kahit nawawalan man ng pag-asa
Nakahanap ng sandigan

Sa iyong pinagdadaanan
Umasa kang hindi ka nag-iisa
'Di mo lang napansin ang kabutihan
Ng mga tao sa paligid

Buhay ay eroplanong papel
Dala ang pag-ibig, ito'y lumilipad
Magtiwala sa sarili at ika'y humayo
Lahat, titingala sa'yo
'Di man bihasa sa mga darating
Bigla kong namalayan, ako'y namayagpag na
Mabigyan ng lakas ng loob at pag-asa
Tayo'y magsama't magsaya, 365 araw

Buhay ay eroplanong papel
Dala ang pangarap, ito'y lumilipad
Kasabay ng pag-ihip ng hangin
Patuloy sa pagsulong
Sa halip, 'di alintana ang layo
Kung sa'n 'to naglakbay
At kung saan man mapadpad
Ito ang mas higit na mahalaga
Tibok ng puso ang gabay, 365 araw

Sige, lumipad ka
Subukang lumipad
Sige, lumipad ka
Subukang lumipad
Sige, lumipad ka
Subukang lumipad

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MNL48Where stories live. Discover now