In Pain

13 1 0
                                    

Bago ko simulan ang aking kwento ay hayaan nyo muna ako mag pakilala, Ako si Nica palatawa at isang masiyahin na tao

Ngunit sa kabila ng masiyahin kong pagkatao ay may tinatago rin akong lungkot at problema na walang nakakaalam na I'm in pain...

__________

SIMULA...

Bata palamang ako ay na ngungulila na ako sa aking mga magulang hindi ako lumaki sa mga magulang ko dahil iniwan ako ni mama sa lola ko dahil kaylangan niyang kumayod upang mabuhay kami, Matagal na kasi silang hiwalay ni papa kaya walang kakayod para sa pamilya namin...

Minsan lang umuwi si mama sa bahay nung bata pa ako, Pero ngayon ay madalas na kaming mag kasama kung dati ay nag tatrabaho si mama sa Maynila upang kumita ngayon ay napag desisyunan nya na mag tayo nalang ng tindahan dito para kahit papaano ay may pag kukuhanan parin kami ng pang gastos sa araw-araw

__________

" Nica siguro naman pwede na kita mapakinabangan ngayon sobra sobra yung pag hihirap ko para buhayin ka at may ipa kain sayo! Mag mula ng sumama yung tatay mo sa kabet nya alam mong nag ka leche leche na ang buhay natin " Ani ni Mama

" Sige ma mag hahanap ako ng part time job para po maka tulong sainyo " Ani ko

" Aba dapat lang kase hindi na kita mapapag kolehiyo ikaw na kumayod sa sarili mo! " Sambit ni Mama

-----

Nang sabihin nya iyon ay hindi ko maiwasan maluha ngunit hindi ko nalang inisip pa iyon at sa halip ay nag hanap na ako ng part time job...

Natutuwa naman ako dahil nakahanap agad ako ng part time sa isang Fast Food Chain hindi narin ako nagka problema sa pang kolehiyo ko dahil kumuha ako ng scholarship sa isang unibersidad at wala na kong babayaran pa kaylangan ko nalang i maintain yung mataas na grades na alam ko naman sa sarili ko na kaya ko...

Pauwi na ko saamin para ibalita kay mama ang lahat pero hindi ko inaasahan ang aking madadatnan...

-----

" Ma! Ano po nangyari kay lola!? " Kabadong tanong ko dahil nakita ko si lola na walang malay at nakahiga sa may sala

" Nahimatay ang lola mo kanina sa sobrang init inde ko na nadala ang lola mo sa center dahil wala naman tayong pera alam mo naman kaylangan muna mag bayad bago ma check up lola mo " Ani ni mama

" Saan ka ba nag pupupunta ha!? Ikaw talaga wala kang kwenta eh noh kung kailan kailangan ka dito sa bahay saka ka gumagala dyaan punyeta ka talaga " Sambit pa ni mama saakin

" Ma kase pumunta po ako..... " Naputol ang sasabihin ko ng mag salita si mama

" Ay nako!! Wag ka na mag dahilan alam ko naman mag sisinungaling ka lang hala sige bantayan mo lola mo ayos nayan nag papahinga nalang may pupuntahan pa ko " Sambit ni mama

" Saan ka po pupunta ma? " Pag tatanong ko

" Wala ka na don at wag kang pakielamera yung utos ko gawin mo! " Sigaw saakin ni mama

-----

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kung bakit ganon si mama saakin na palagi mali yung nakikita nya saakin at hindi nya man lang pinakikinggan yung side ko...

Napansin ko rin na ganon si mama simula ng hiwalayan sya ni papa kaya siguro ay saakin nabubunton ni mama ang inis o galit na meron sya kay papa, Ngunit kahit ganon ay mas inintindi at minahal ko parin si mama alam ko naman na nadadala lang siya ng kanyang galit...

__________

KINABUKASAN

" Ano ba yan Nica uutusan ka na nga lang tatanga tanga ka pa mabuti pa yung pinsan mo may pakinabang sa mga tito at tita mo samantalang ikaw wala, wala kang kwenta! "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now