Nasa Huli Ang Pag-sisisi

15 1 0
                                    

I'm Ynnah at dahil bored ako ay nag pagawa ako ng RP account sa kaibigan kong si Nella, Yeah wala pa ko masyadong kaalam alam sa RP pero pinasok ko ito sa kadahilanan na gusto kong mag sulat ng mga stories, Pero bago ako sumubok mag RP marami nang naikukwento si Nella saakin tungkol sa naging journey nya sa RP, Sabi pa nya ay wag daw ako basta basta mag titiwala dahil puro kasinungalingan lamang ang meron sa RP kaya nga daw tinawag na "FAKE WORLD" ako naman ay walang pakielam dahil hindi naman jowa ang hanap ko sa RP balak ko lang talaga mag sulat ng mga stories.

Pero tila sinubukan ako ng tadhana at sa hindi ko inaasahang pang yayari ay may naka pukaw ng aking atensyon....

_______________

" Ghorl alam mo ba may naka chat ako at nakaka tuwa sya:> " Ani ko kay Nella

" Tsk sino naman yan? Nakuuu kapag ikaw na fall bahala ka binalaan na kita noon pa " Masungit na sambit ni Nella saakin

" Hmp sungit naman neto, Btw sya si Mark nag send nga ng pic oh ang cuutee nya para syang bata " Kinikilig na sambit ko kay Nella

" San banda mas cute parin si Adrian " Wika ni Nella

" Pfftt hayeop rupok mo HAHAHA " Tatawa-tawang sambit ko

" Joke lang gaga, Pero seryoso crush mo na ba yan? " Tanong ni Nella saakin

" Hmm Oo eh pero ayoko umamin kase baka mamaya lumayo, ok na ko sa friends nalang kami " Ani ko sa kanya

_______________

D rin nag tagal ay nahulog na nga ako ng sobra kay Mark, Ngunit pinipigilan ko lang sabihin yung totoo kong nararamdaman sa kadahilanan na baka lumayo sya saakin, Bukod sa natutuwa ako sa kanya ay sobrang bait nya pa, Ngunit sa hindi inaasahang pang yayari ay umabot rin sa punto na umamin na sya saakin na gusto nya rin pala ako....

~~~~~

" Kamusta naman buhay natin dyan? " Pag tatanong ko kay Mark

" Ah hahaha ok lang buhay pa naman " Pag bibirong sambit nya

" HAHAHA baliw, pero kamusta na yung may gusto sayo? Yieee " Panunukso ko sa kanya

" Ah hahaha wala na yun masyadong maharot ayoko dun " Sambit ni Mark saakin

" Ay ganern sayang naman:< " Kunwaring malungkot na sambit ko

" Saka may gusto na ko eh " Ani nya saakin

" Ohh really? Sino naman? " Pag tatanong ko

" Ikaw, Hindi ko lang sinasabi dahil baka layuan mo ko " Sambit nya saakin

_______________

Mag mula nung unamin sya ay hindi ko narin napigilan ang sarili ko na aminin kung ano rin ang nararamdaman ko para sa kanya, Hanggang sa nanligaw sya at naging kami for almost a month din, Hindi naging madali ang relasyon namin dahil malayo kami sa isat-isa pero dahil nag mamahalan kami ay pinag kakatiwalaan namin ang isat-isa, Minsan nag kukulang rin kami sa oras pero bumabawi naman kapag hindi na busy....

Ngunit sadyang mapag laro talaga ang tadhana at hindi ko inaasahan na hahantong rin kami sa hiwalayan...

_______________

" Ynnah may sasabihin ako " Ani ni Mark saakin

" Hmm?? Anu yun:> " Pag tatanong ko

" Let's end this, ayoko na " Sambit nya

" B-ba-bakit?? " Kabadong pag tatanong ko kay Mark

" Hmm sorry po akala ko kasi mahal kita pero hindi pala, Ang totoo na attached lang ako sayo kase napaka bait mong tao, Hindi mo deserve ang tulad ko na walang ginawa kundi saktan ka at paiyakin kaya para sa ikabubuti mo tapusin na natin to, Salamat sa lahat:> Wag ka basta basta ulit mag titiwala kase sa mundong to walang permanente at lahat ay hindi totoo " Ani nya saakin

_______________

Mag mula nung nalaman ko ang totoo ay sobra akong nasaktan dahil yung taong akala kong mahal ako ay hindi naman pala, Sobra rin ang pag sisisi ko dahil hindi ko pinakinggan ang kaibigan kong si Nella mas nag tiwala ako sa ibang tao kesa sa kaibigan ko na walang ginawa kundi paalalahanan ako na wag seryosohin ang lahat dahil baka masaktan lang ako sa huli kagaya ng nangyari sa kanya, Ngunit nangyari na ang dapat mangyari kaya wala na akong magagawa pa hindi rin naman ako masisisi ni Nella dahil nag mahal lang naman ako yun nga lang sa maling tao...

END...

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now