Minsan Inisip na mag-isa
nag-iba ng siya'y nakita
huminto ang oras bumagal ang paghinga
anong nadarama sadyang kakaiba
Minsan inisip na mapag-isa
nag-iba ng siya'y makilala
sa mga ngiti pakiramdam ay ulap
nakaw na tinging pasulyap-sulyap
Minsan inisip mapag-isa
nag-iba ng siya'y makasama
Ligayang hatid hanggang umaga
pag-ibig na ba ang nadarama
Minsan inisip mapag-isa
di na naulit pagka't narito ka
nangakong maghaharap sa dambana
sasambitin lamang ay mahal kita
BINABASA MO ANG
Beautiful Imperfection
PoetryCompilation of my original english and tagalog poems. A few were written 3 years or 4 years ago. It simply tells you how I became an individual that struggles in love and in life, and still struggling for that is the ways of being a human. Enjoy my...