My Endless Love
_____Mi Amor,
Hi Ace! I don't know when you are going to see this letter of mine for you. Siguro kapag tapos ng surgery ko? I don't know. Alam ko galit ka pa 'rin sa 'kin kasi akala mo mas pinili ko si Matt kaysa sa 'yo pero isang malaking kalokohan lang 'yun. Ikaw lang ang lalaking minahal at mamahalin ko habang buhay. Do you still remember when we were together then my head suddenly aches? sabi ko baka pagod lang or what, pero madalas kasi sumasakit ang ulo ko lalo na kapag hindi tayo magkasama. That's when I thought of consulting a doctor. And guess what? I have a freaking cancer in my brain.
Hindi ko sinabi sa'yo kasi alam ko na kapag nalaman mo, mananatili ka at sasamahan mo ako at ayoko na matali ka sa 'kin knowing na masasaktan kita every time na lalabas ang symptoms ng sakit ko. That's why I left you. Matt is just my cousin from my father side, ikaw lang ang mahal ko Ace. Mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin na nasasaktan ka ng dahil sa 'kin.
I left you with my heart on you, and I hope you to take care of it. Lahat ng hirap at sakit ay tiniis ko sa pagpapagamot. Gusto ko kasi na kapag binalikan kita, magaling na ako para masaya na tayong magkakasama. Alam ko na mahihirapan akong bumalik sa'yo dahil sa sakit na iniwan ko sa'yo no'n.
At ito na 'yun, sobra akong nasasaktan ngayon kasi 'yung taong mahal ko ay parang wala lang ako sa kanya. Nahihirapan ako Ace, hindi ko alam kung mayroon pa ba akong space sa puso mo o kinalimutan mo na ako.Hindi kita sinukuan mula ng gumaling ako. Siguro nakukulitan ka na sa 'kin 'no? Pasensiya na, sobrang mahal lang kasi kita at ang tanga ko para pakawalan ka. Pero masisisi mo ba ako? ayaw lang naman kitang makita na nasasaktan dahil sa 'kin eh. Ganun kita kamahal. Pero kung ganito lang din naman, siguro mas mabuti na tigilan na kita. Nakikita ko naman na masaya ka na ngayon kahit wala ako.
Siguro nga 'di ko deserve ang mahalin, sinaktan ko kasi 'yung taong nagmamahal sa 'kin ng sobra no'n. Siguro mas mabuti kung sumuko na 'rin ako? bumabalik na naman kasi 'yung sakit ko. Pero ayoko, ayokong sumuko ng hindi man lang lumalaban. Sa ikalawang pagkakataon, iiwan na naman kita Ace. Tatanggapin mo pa ba ako sa buhay mo? Hindi na ako mag eexpect pa.
I'll just promise to do all my best na lang just so you could pick up and mend my heart again. I love you so much Ace. Ikaw ang nag-iisang alas ko para labanan ang sakit ko. Goodbye.
Respectfully yours,
Mia_____
BINABASA MO ANG
Mi Amor Sin Fin (ON-GOING)
Teen Fiction"My Ace, ikaw ang nag-iisa kong alas para lumaban." -Mia --- Ace thought that his ex-girlfriend Mia cheated on her, so he decided to take his revenge by making her fall in love with him in the second time when she came back. And when his mask torn...