Bangungot

15 1 0
                                    

MAYLA POV.

"Mayla kakain na ,gumising ka na"
Nagising ako dahil sa ingay ni ate kanina pa siguro niya ako ginising pero tulog na tulog ako.

Pagkatapos mananghalian  Grabe ang busog ko.

Umupo muna ako saglit at in-open yung cellphone ko  baka may nag text or something, In-open ko rin ang wattpad ko para  basahin yung storyang nasimulan  ko,pero hindi naman mapasok sa isip ko ang aking binabasa.

Kaya bumalik ako sa kwarto at humiga uli,isinaksak ko ang headphone sa aking tainga at sinimulang ipikit ang aking mga mata ,matutulog na naman ako.

Nagising uli ako ng ma lowbat yung cellphone ko at itinabi ko ito sa gilid ng kama ko,

Katabi ko na ngayon ang pamangkin ko,nakatulog siguro ako kanina ng lumipat siya dito sa kwarto ko.

Pakiramdam ko puyat na puyat ako kahit kakatulog ko lang  kanina.

Kusang pumikit ang aking mga  mata at nakatulog na nga ako ng tuluyan..

Bakit di ko maibuka ang aking mga  mata at hindi ko rin maikilos ang aking katawan.
Naka half open lang yung mata ko pakiramdam ko'y lumaki ang gilagid ng aking mata,
Anong nangyayare sa akin.

Bigla akong nagising at uminom ng tubig sa ref, pero paanong naging  itim yung tubig na nakalagay sa pitchel.

Kumuha ako ng salamin at tinignan yung mukha ko muntik kong mabitawan ang salamin sa aking nakita,lumaki nga ang gilagid ng aking mga mata kaya di ako makakita ng maayos.

Nabitawan ko ang salamin.

At pagbuka uli ng aking mata,
Nangingilabot ako hindi ko alam kong bakit bubong na naman ng kwarto ko ang aking nakikita kani-kanina lang nagising na ako pero bakit nandito na naman ako,

Panaginip ko lang ba yung nagising ako,At ito yung Orihinal na ako,
Ganito na ba ako hindi ko na maikilos ang aking katawan at maibukang tuluyan ang aking mata.

Nandito pala yung isa kung kapatid at ang anak niya kailan kaya sila dumating.
Nag charge ako ng cellphone at pumunta sa kusina nakita ko si mama tsaka yung ate ko may niluluto sila iwan ko kung ano.

Sinabi ko sa kanila na binangungot ako pero hindi sila nakinig at may pinag-uusapan silang iba.

Pero pagbukas uli ng aking mata ay bubong na naman ng kwarto ko ang aking nakita akala ko nagising na ako sa bangungot pero, bumalik na naman ako dito at nakahiga na naman ako, hindi na  naman maikilos ang katawan ko pati yung ulo ko ay hindi ko maigalaw pati yung mata ko ay hindi ko magalaw maski ibababa ko ang aking paningin ay hindi ko magawa.

Gusto kong bumangon,gusto kong ibuka ng tuluyan ang aking mata,gusto kung igalaw ang aking kamay,
Naibuka ko ang aking bibig pero di ko naman mahanap yung boses ko nagsasalita ako pero walang boses na maririnilg animo'y nagsasalita ako sa hangin.

Pinilit kong igalaw ang aking kamay para mahawakan ko si Leny yung pamangkin ko.
At sa wakas ay naikilos ko ang aking isang kamay at tinusok ko si Leny. Gumalaw siya.

"Gisingin mo ako"yan yung katagang sinabi ko sa kanya,pero hindi niya narinig dahil walang boses na lumabas sa bibig ko.

At natulog uli siya.Nakakatakot paano ako magigising sa katutuhanan.

Rinig na rinig ko ang boses ng mga tao sa labas,naririnig ko sila.Ngunit hindi nila ako narinig.

Sinubukan kong tumayo pinilit kung tumayo,pero kahit anong pilit ko ay nakatihaya pa rin ako.

"Pakisara ng pinto please"
Rinig kung sigaw ng pamangkin ko sa labas nagising na pala siya ..Anong gagawin ko para gisingin niya ako.

At sa wakas ay nagawa kong tumagilid damang-dama ko ang malakas na kabog ng aking dibdib dahil nakadikit ang kamay ko sa kaliwang bahagi ng katawan ko.

Ito na naman ako akala ko na naman gising na ako.

Anong nangyayare sa mukha ko bakit nag taas baba yung dalawa kung pisngi.
Nagsigalawan ang pisngi ko na animo'y nag uunahan kung sino ang unang mapupunit.

Ito na malapit ng mapunit  ang mukha ko,kasabay ng dahan-dahang pag lugwa ng aking dalawang mata.

Waahhhhhhhhhhh Tulong!!!!!!!!!!

"MONICE LAGOT KA KAY MAMA UMUWI KA NA DAW"

Napabalikwas ako ng bangon..
At ang unang katagang lumabas sa bibig ko ay salamat Lord.

Pinakiramdaman ko ang aking dibdib, grabe ang lakas ng kabog ng puso ko..Parang may tambol kasabay ng pagkakarera sa loob nito.

Thank you God dahil sa wakas ay nagising ako, at maraming salamat sa taong sumigaw mula sa labas dahil sa kanya nagising ako.

Nag punta ako sa kusina at uminom ng maraming tubig at isinaksak ang cellphone kong low battery na.

At bumalik   sa sofa, inaalala ko ang nangyare sa bangungot ko.

Nakakatakot bangungutin yung tipong hindi mo alam kung magigising ka pa ba.

Ang akala ko noon ang mga taong nakakaranas lang ng bangungot ay kapag may masamang  panaginip.Halimbawa pinatay ka sa panaginip mo o nalunod ka sa tubig.

Pero hindi pala lahat ng bangungot  ay ganon ang dahilan mayron rin palang natulog ka at kahit hindi ka nananaginip ng masama ay babangungutin ka parin..

Gaya nalang ng naranasan ko.

Sa Buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng bangungot at ang ipanagdadasal ko ay sana hindi na mauulit pa.

                          
                  ⓣⓗⓔ ⓔⓝⓓ🌌🌃

BANGUNGOTWhere stories live. Discover now