Dani

12 5 0
                                    

WARNING: The story is too long. You might get bored while reading it. Sorry for those unappropriated words

•••

Nandito ako ngayon sa isang resort na pagmamay ari ng kaklase namin na si Mika. Birthday niya kasi at inimbitahan niya kami. Hindi nga dapat ako tutuloy dahil malakas ang ulan at isa pa hindi makakapunta ang best friend kong si Dani dahil uuwi daw sila ng mga pinsan at Tito niya sa probinsya ngayon kahit gabi na at umuulan pa. Kasama rin nila si Harold, ang boyfriend ni Dani na patay na patay sakanya.

Bibisitahin daw nila ang lola niya.

Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang ni Dani dahil sa business meeting. Bukod sa mga kasambahay ay ang Tito Rio niya at si Renz ang nag-aalaga sa kanya ngayon.

Masaya akong nakikipag kwentuhan kay Theo ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

"Wait lang, nagtext si Dani." Tumango lang ito at kumuha ng pagkain sa plato ni Erika. Narinig ko pang nagtatalo ang dalawa pero hindi na ako nakinig pa.

—Hey, Enjoy Lang sa Party. Marami daw foods diyan sabi ni Erika, ay oo nga pala, paki sabi nalang kay Mika na happy birthday. Yung regalo ko nasa bahay, kunin niyo nalang bukas kasi hindi ko alam kung kailan kami makaka Uuwi. Nasa gilid lang ng kama ko yung regalo, kulay yellow yung Cover. Lea, kunin mo narin yung mini Electric fan sa tabi ng Wallet ko sa may study table. I know na gusto mo yun kasi you Love Light colors. Kulay yung mismong tinitignan mo hindi yung bagay, hahahahaha, gift ko sa'yo yun kasi malapit na ang bday mo. I know rin na iingatan mo yung bigay ko sa'yo dahil Love mo ako, ayieeee. Lea, Magingat ka diyan at kumain kayo ng marami nila Erika!

Wala sa sarili akong napatakbo papalabas sa bahay nila Mika. Shit, kailangan kong puntahan si Dani!

Patuloy lang ako sa pagtakbo habang tinatawagan ang numero ni Dani pero hindi siya sumasagot.

Sagutin mo naman!

"Lea!" Napahinto ako sa pagtakbo ng may humatak sa'king braso.

"Ano ba! Bitawan mo ko Theo kailangan ko umalis!" Sigaw ko rito. Pilit kong inaalis ang braso ko sa kamay niya ngunit mas hinigpitan niya lang ang hawak.

"Damnit! Wala na akong oras Theo, ano ba!"

"Ano bang nangyayari? Hindi pa tapos yung party!"

"Putcha uunahin ko pa ba yung party kung nasa panganib na ang buhay ng kaibigan natin?!" Sigaw ko habang lumuluha.

"I don't understand—"

"Putcha! Bitawan mo na ako—"

"Lea? Theo? Anong nangyayari?" Sabay kaming napalingon ni Rio sa nagsalita.

"Erika, help si Dani nasa panganib!" Kumunot ang noo nito.

"What? How? Kate-text niya lang sa'yo kanina—"

"Putaragis! Bitiwan mo na ako Theo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko siya.

Sorry Theo.

"Ano ba!" Galit na sigaw ko. Hindi man lang siya natinag sa suntok ko.

"Lea, sasama ako." Malumanay nitong sagot. Nakagat ko ang ibabang labi ko at mabilis na umiwas ng tinggin.

Mabilis akong hinatak ni Theo patungo sa sasakyan niya. Kasunod namin si Erika.

"Ano bang nangyayari Lea?" Tanong ni Erika.

Hindi ako sumagot at tinawagan ang mga pulis.

"Hello po, Sir yung kaibigan ko po nasa panganib! Tulungan niyo po kami Sir..." Nanginginig ang mga kamay ko. Garalgal ang boses ko habang nagsasalita. Patuloy lang pag-agos ng luha sa'king mga mata.

PAHINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon