Chapter 2

3 0 0
                                    

Naka yuko akong naglalakad na parang pasan-pasan ko ang mundo sa itsura ko ngayun. Sobrang bagsak kasi balikat ko hindi parin ako maka move on.

Saan na ko kukuha ng panggastos? Pano na yung bayarin sa kuryente? Sa tubig? Pambili ng pagkain? How!!!!

Sa sobrang pagiisip ko ay may nakabunggo ako. Ano bang meron at uso ang bungguan ngayun?

"Heyy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo"

"Pasensya na" nag angat ako tingin para kilalanin ang nabangga ko.

"Althea? Ikaw nga! pasensya na ah"

"Alice!" Niyakap naman ako nito. "Ano kaba wala yun, anong meron at sobrang down mo ngayun?"

Pinakita ko naman sa kanya ang natatangi at natitirang perang meron ako, ang piso ko.

"Oh anong meron dyan? Aanhin ko naman yan?"

"Ito ang dahilan"

"Huh? Anong konek?"

Kinuwento ko naman kung bakit, pero inedit ko na yung part na may impaktong nambunggo sakin.

"HAHAHAHAHA!!!"

Napa face palm nalang ako, hirap talagang mag kwento sa siraulong kaibigan, ano?

Habang busy pa sya tumawa, ipapakilala ko na nalang sya.  Mukhang matatagalan pa sya kaka tawa.

She's one of my crazy friend, her name is Althea Jane Villar, 20 years old, may bilugang mata,kissable lips, may dimple sa kanang pisnge na nakakaingit sobrang lalim kasi kulang nalang lumusot daliri mo sa pisngi nya.

Naging kaibigan ko sya sa may parke tumatawa kasi ito mag isa, akala ko nga nun nakakakita sya ng multo. Kaya nila pitan ko.

Sabi ko pa sakanya noon.....

FLASHBACK..

"Amm miss? Okay kalang ba?"

"HAHAHAHA! oo naman, bakit?"

"Ano kasi baka di mo napapansin pinagtitingin kana ng mga tao"

"Huh?" Ginala naman nito ang tingin nya. Napangiwi nalang ito ng makitang totoo nga yung sinabi ko." Hehe kaya ba nilapitan mo ako? Salamat ah!" Nakangiting sabi nya.

"Wala yun, para ka na kasing ewan dito kaya nilapitan na kita, bakit kaba tumatawa ng magisa dito? May nakikita kabang d dapat na kikita?"

Kinilabutan naman ako sa sarili kung tanong, paano kung meron nga diba?

"HAHAHA oo meron at ako lang ang nakakita non!" Napayakap naman ako sa sarili ng wala sa oras at napatingin tingin sa paligid.

"HAHAHA ano kaba hindi multo ang tinutuloy ko" napahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang.

"Eh ano pala iyon?"

"HAHAHA e kasi HAHAHA yung HAHAHA na ano HAHAHA tapos na ano HAHAHA!!"

Alam nyo yung feeling na di mo na maintindihan yung kwento kasi puro tawa lang yung nag kukwento? Ni hindi pa nga natatapos yung kwento tumatawa na ka agad.

"Pwedeng huminga ka muna. Wala talaga kong naintindihan"

Huminga naman ito ng malalim. At tinuloy na yung kwento nya. Hayy buti naman.

"Kasi kanina habang nakaupo ako dito may nakita akong lalakeng tumatakbo. Mukhang nagmamadali kaya hindi nya na pansin yung imburnal na nakabukas. Kaya ang ending nalaglag sya don abot nga hangfang dito yung pagyanig nya. Ewan ko bakit ako lng sta yung nakaramdam? Tapos may biglang dumating na babae nakita nya yung lalaki na nalaglag. Akala ko tutulungan nya pero Hahaha tinawanan nya lang tapos may sinabi pa sya na di ko na marinig. Tapos para syang may hinahanap tapos nagulat nalang ako ng kinuha nya yung takip ng imburnal at tinakpan yun. Pagkatapos umalis na sya na parang walang nangyare"

Natahimik kaming dalawa pag katapos nyang mag kwento. Maya maya pa ayy...

"HAHAHAHAHAHAHA!!!!" Napabulanghit naman kami ng tawa. Kaya pinag titinginan nakami pareho. Pero la pakes muna kami.

Napahawak pako sa tyan ko habang tumatawa at napapaluha na din nahihirapan na din akong huminga pero keri pa.

Pero napatigil naman ako bigla ng may ma realize ako." Teka? Nakaalis naba yung lalake?" Bigla din naman itong napatigil at mukhang alam ko na ang sagot.

"Oh oh.."sabay naming sabi.

Nagkatitigan naman kami at  napatakbo sa may imburnal. Halos magkanda dapa dapa nakami sa bilis ng pagtakbo namin.

Pinagtulungan naman namin ung takip ambigat naman neto buti nakaya ito nung babae sa kwento nya.

Pag ka bukas namin ay napaupo nalang kami bigla ng bigla itong sumigaw.

"HALELUYAH!! MARAMING SALAMAT!! MAKAKAALIS NA KO SA WAKAS!! TULONG! ANDYAN PABA KAYO!" hindi ito naririnig ngbiba kasi malayu to banda sa madaming tao.

Napasilip naman kami sa ilalim pero agad ding napatakip ng ilong. Ambaho ng imburnal! Omygod imagine! Isang oras na ng mapansin ko tong babae nato na tumatawa mag isa.

Ganon na katagal din yung lalaki dito  sa imburnal! Ang tibay naman ng ilong nito.

Napatayo kami agad para humingi ng tulong. Nag silapitan naman ung mga tao at tumingin sa may imburnal at napatakip din ng ilong.

Nang makita nila yung lalaki ay napakuha naman sila agad ng hagdan. May kumuha pa nga ng timba timabang tubig.

........

Nakaupo nakami ngayun sa may bench at tulalang nakatingin sa may imburnal kung nasaan yung lalaki kanina.

Nadala na ito ng baranggay. Ihahatid na ata. Ano na kayang nangyari dun? Sana naman ay maligo agad ito.

"Grabe, bakit di ko agad naisip yun kanina?" Biglang sabi nito.

"Inuna mo muna kasing tumawa"

"Naguilty naman ako bigla" napayuko naman ito. At biglang yumugyug ang balikat. Dahil sa akala ko umiiyak ito ay nilapitan ko agad ito at inangat ang ulo nya.

Napa face palm nalang ako nang makita kong nagpipigil lang pala ito ng tawa. Akala ko ba nagiguilty sya?

"Itawa muna yan, baka lumabas payan kung saan"dahil masunurin syang bata eh..

"HAHAHAHA laugh trip naman kasi eh HAHAHAHA!!!" Di kona din napigilan at napatawa na din ako.

END OF FLASHBACK...

"HAHAHA! Kawawa kanaman pala kaibigan."

"Ohh? Tapos kana palang tumawa? Halos na kwento kuna talambuhay natin ah. Buti natapos kapa" sarcastic kung sabi.

"Hehehe sowee na kaibigan, ganto nalang papahiramin nalang kita muna ng 5 daan"

"Talaga?! Woww naman bestpar! Hayaan mo mababayadan ko din yan. Hahanap akong sideline mamaya"

"Okay sabi mo eh" kibit balikat nyang sabi." Ako din hahanap ng trabaho pag may nakita kobsasabihin ko sayu para may work na tayu parehas" napangiti naman ako ambait talaga nyang kaibigan.

Nagpaalam na kaming dalawa dahil magkaiba ang daan papunta sa mga bahay namin.

Pinagmasdan ko muna syang umalis bago ko tumalikod at maglakad pauwi. Pero saktong pagharap ko ang pagsapul sakin ng hinanging flayer.

Kamalasan nga naman, oo! Sa sobrang inis ko nabitawan ko na ang bitbit kong grocery para kunin yung papel na naka dikit sa mukha ko.

Pag ka tingin ko bumungad ka agad sakin ay...
_________________________________

WANTED
YAYA
STAY IN
25,000 A MONTH SALARY
MUST BE A GIRL
KNOW HOW TO DO HOUSE HOLD CHORSE
PLEASE CALL THIS NO# IF INTERESTED: +63×××××××××
GO TO DELACOSTA SUBDIVISION.
_________________________________

Ito na ba yun?

Ito na nga!! Yess! Baby wait for me!! here I come!!!

Because Of That JerkWhere stories live. Discover now