CHAPTER 8

411 25 20
                                    


"Bes, nakikinig ka ba?!"

Napapitlag ako sa biglaang pagsigaw ni Jen sa tenga ko. Ang atensiyon ko ay nasa kanta na pinapakinggan ko kanina pa sa earphone ko.

"Aray naman Jen, di mo kailangang sumigaw." Minsan napapaisip tuloy ako kung bakit pumayag ako na makipag-kaibigan sa kanya.

"Eh kasi naman bes, kanina pa ako dada ng dada, di ka naman pala nakikinig." Ngumuso pa si Jen at nag puppy eyes.

Napakamot naman ako ng ulo, nagiguilty dahil sa sinabi ni Jen.

"Sorry Jen, may pinapakinggan lang akong kanta." Totoo naman, wala pa siya dito sa kwarto ko ay pinapakinggan ko na yung kanta.

She decided to visit me here at our house on weekends. Bored daw siya sa bahay nila.

"Yang kanta na yan na naman ba bes ha? Naku ha, di ko alam kung ba't nahilig ka ngayon sa mga kanta ni Jason Derulo eh mga kanta ni Billie Eilish naman ang paborito mo noon."

Namula naman ang mukha ko nang maalala ang rason kung ba't paborito ko na ngayon si Jason Derulo, lalo na yung kanta niyang 'It Girl'.

"Walang basagan ng trip Jen, tsaka magaganda ang mga kanta niya, so you can't blame me." Di ko pa nasasabi kay Jen ang dahilan. Growing up alone, nakasanayan ko nang di magsabi ng mga sikreto sa iba. I can keep secrets for myself.

"Señorita, narito na ho ang meryenda ninyo." Sabay kaming napalingon ni Jen sa pintuan nang kumatok si Nanay Pasing.

"Pasok po kayo, Nay." Nagmamadali namang sinarado ni Jen ang laptop niya na kanina lang ay nanunuod ng K-Drama.

We both love K-Drama. One reasons why we get along together.

Pumasok si Nanay Pasing na may dala-dalang tray ng mga dessert.

"Mag meryenda muna kayo mga hija, alas tres na ng hapon." Napangiti naman ako ng palihim, maalaga talaga si Nanay Pasing. Siya na ang tumayong mama ko simula pagkabata.

"Ilagay niyo lang po diyan sa mesa, nay. Kakain din ho kami maya-maya."

Lumapit naman si Nanay Pasing sa amin ni Jen at hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Mabuti nama'y may kaibigan ka na hija." Maluha-luha pa ito habang patuloy na hinahaplos ang mahaba at tuwid kong buhok.

"Nay naman, ilang beses na pong pumunta dito si Jen. Di pa po ba kayo sanay?" Natatawa kong tanong sa kanya. Every weekend ay palaging bumubisita dito si Jen, except pag may event sa bahay nila.

"Kasi naman hija, labingwalong taon kang mag-isa kaya di ko maiwasan maging masaya na ngayon ay naranasan mo na magkaroon ng bestfriend."

Napakamot nalang ako sa ulo at nginitian lang si nanay.

"O siya. Maiwan ko na muna kayo. Jen, hija, kumain ka ha?" Nilapitan ni nanay si Jen at hinawakan saglit ang buhok nito.

Ngumisi naman si Jen ng malapad. "Opo naman Nay! The best yang mga luto niyo eh." At pabiro pa nitong kinindatan si nanay.

Natawa naman ng konti si nanay. "At talagang nambola ka pang bata ka. O siya. Aalis na ako."

"Opo nay." Magkasabay naming saad ni Jen.

Kumain naman kami agad pagka-alis ni nanay. Nagutom kami kakanuod ng K-Drama mula pa kaninang umaga.

"Nga pala bes, ba't narinig ko sa ibang mga classmate natin na palagi daw nila kayong nakikita ni Silver na nag-aagahan sa cafeteria. Parang magdadalawang linggo na daw ata?"

Bigla naman akong kinabahan sa tanong ni Jen.

"H-huh? A-ahm oo... Nagkataon lang na dun din pala siya sa cafteria nag-aagahan." Nauutal kong sagot. Wala naming malisya sa pag-aagahan namin ni Silver pero madumi kasi minsan ang utak ni Jen.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon