CHAPTER 27

384 23 67
                                    

"Sinasabi ko na nga ba, may sa-ahas ang babaeng yun!" Nanggigigil na sigaw ni Jen.

Sina Juan, Rita, and Jenica ay nakikinig lang at halata mo din sa mukha nila ang pagka-irita dahil sa inamin ko.

I have no choice but to tell them what happened yesterday. Nasa tabi lang pala sina Juan at narinig nila ang pinag-usapan namin ni Kristina. 

At dahil may pagkachismoso tong si Juan, agad niyang tinawagan si Jen at sinabi ang nangyari kaya nandito sila lahat apat ngayon sa bahay.

Magkikita nga sana kami ngayon ni Silver pero pinagbantaan kami ni Juan, dapat daw ay ichika ko sa kanila ang nangyari or else, rereypin niya daw si Silver.

Syempre natakot ako. 

"Ay naku girl, obvious naman na may gusto parin ang impaktang yun kay Silver. My gosh! Di maka move-on sa past!" Madramang sabi ni Juan na naka nakalagay pa ang kamay sa noo na parang stressed na stressed.

Tumango naman si Rita sa sinabi ni Juan. "True ka diyan sis, akala ko pa naman mabait yun si Kristina. If I know, may balak yun kaya lumipat dito." Sabay irap na sabi niya.

"Wag muna tayo magsalita ng tapos. Eh baka naman kasi wala lang yun." Pilit na sabi ko sa kanila. As much as possible, ayokong gumawa ng mga issue. 

O.a na bumangon si Juan sa kama at nakahawak pa ito sa dibdib. "Anong wala lang yun? 'Better watch your property'?! Obviously may balak siyang agawin ang boylet mo!" 

Nag-apir naman si Jenica kay Juan. "Correct! If I know pinaplastik ka lang nun. Naku Alexandra ah, bantayan mo yang si Silver. May umaaligid na impakta."

Kahit ako man ay nagsisimula nang mabahala kay Kristina pero di ko pinahalata sa kanila. Ayokong isipin nila na natethreatened ako. 

"Kung may gusto siya kay Silver, eh di okay. Boyfriend ko na si Silver so I don't need to worry. I trust him." I told them to ease the tension. 

Nagkibit-balikat naman si Jen sa sinabi ko. "Pero bes, ang asawa nga naagaw, boyfriend pa kaya? Advice lang, wag masyadong makampante. Wag ka din magtiwala masyado, lalo na dun kay Kristina." 

"True. And if ever need mo ng mga advice, we're here to help you, okay? Just tell us your problems. Kakasimula palang ng relationship niyo, madami pa kayong haharapin."  Mahinang wika ni Juan. 

I smiled at them and gave them a nod. I'm thankful na kahit hindi kami araw-araw nag-uusap ay nandiyan sila pag may problema ako. 

******

Naiwan ako mag-isa sa kwarto nang umuwi na sina Jen. I kept on replaying what happened yesterday at ganun pa din ang nararamdaman ko.

Nagsisimula na akong magselos at mainsecure sa sarili ko. 

Kung si Kristina ang huling babae sa buhay ni Silver bago ako, totoo ngang malayo sa 'taste' niya.

I mean from Kristina na sobrang ganda, down to Alexandra na jologs!

I closed my eyes and gave myself a peace of mind. 

Girlfriend ako ni Silver, panghahawakan ko yun.

Eh mahal ka ba?

Napadilat ako nang may nag pop-out na tanong sa isip ko. 

Girlfriend niya ako pero di niya pa ako sinasabihan ng 'i love you'!

Bakit?!

Inis na ibinaon ko ang mukha ko sa unan. 

Calm down, Alexandra. Be patient, don't stress yourself just because of this.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon