PROLOGUE
LEWIS'
SERYOSO KONG tiningnan ang lalaking nakaupo sa harapan ko. "Mr. Huan, I've told you, I am not willing to marry your daughter."
He looked at me problematically. "Please, Lewis. Just for my company,"
"We can make a name in the business world. We can manage the company together," nagmamakaawa na ang boses nito.
I endlessly tapped my pen, "Mr. Huan. Alam mo na kaya kong patakbuhin ang kompanya namin nang ako lang. I can even make De Blanca Entertainment reach the highest position in the chart." Tiningnan ko s'ya sa mata, "nabigyan ko na ang kompanya n'yo ng kapital. I donated some funds. But I just can't marry your daughter, sir." Napabuntonghininga ito.
"Well, I hope you change your mind, Mr. de Blanca." Ngumiti s'ya sa'kin bago kinuha ang suitcase at umalis. "I hope you're not like your father."
I swivled my chair and looked at the whole city. Narinig ko ang mahinang pagbukas at ang mahinang pagsaradong pinto. "I'm really sorry, sir, hindi ko na s'ya kayang pigilan." saad ng secretary ko.
"It's okay, Andrea. Next time, wag mo na s'yang pigilan na pumasok," sabi ko nang hindi lumilingon. Alam ko ang pakay ni Mr. Huan dito. Kung bakit palagi itong pumupunta sa companya namin.
He maybe a close friend of my late father, pero alam ko ang naging reputasyon n'ya. Nakikipagpartnership ito sa mga sikat na businessmans at kalaunang kukuha ng malaking halagang pera sa kompanya sa kanyang kasosyo. At agad namang pagbibintangan ang isang inosenteng empleyado. Alam ko na pagkatapos kong pumayag, ay tatakbuhan n'ya ako.
Nagnakaw na lang ako ng isang buntong-hininga at ipinagpatuloy na lang ang mga ginagawa ko kanina bago dumating si Mr. Huan.
ILANG ORAS ang ginugol ko sa opisina. I lost track of time. I even forgot to et lunch. Dinalhan ako ni Andrea nang paborito kong pagkain sa isang restaurant na malapit lang sa kompanya. Pero hindi ko 'yun nagalaw. Ilang beses ring pumasok ang iba't ibang empleyado para maghatid ng mga dukomento.
"Sir Lewis," mahinang tawag sa'kin ni Andrea. Hindi ito pumasok nang tuluyan sa opisina. Ang tanging nakalitaw sa pintaun ay ang ulo nito.
I looked at her for a second, pero agad ko namang binalik ang tingin ko sa mga papeles na nakakalat sa mesa. "Yes?"
"Aren't we going to check the newly built dance studio?"
Dahil sa sinabi nito ay napatingin ako sa wristatch ko. It's already two-thirty in the afternoon. Hinilot ko ang aking sintido dahil sa inis at tumayo. "Sorry, I forgot." I hurriedly arranged the papers on my table. When I walked closer to the door, inilabas ni Andrea ang kanyang ulo. Fast. Nagulat ako sa ginawa n'ya pero hindi ko na lang pinansin.
Nang binuksan ko ang pinto, nakatayo ito sa harapan ng desk n'ya. She's holding a long brown folder.
"Come on,"
Nauna akong naglakad. Naramdaman ko na sumunod ito habang binabasa ang laman ng folder. "Pagkatapos po natin tingnan ang dance studio, ay may dinner meeting po kayo sa Celystia's Seafood Cuisine with Mr. Sy." Napatango ako sa sinabi n'ya at napagtanto na schedule pala ang binabasa n'ya.
"Good afternoon, sir."
I looked at the cubicles on the hallway. Ganoon ang naplano ni Papa noong ginagawa pa ang kompanya. He wants talking to the employees, so he decided to do this. Hindi ko na ito pinabago nang mamatay si Papa last two years ago, kahit ang kalat tingnan na may mga cubicles sa gitna. A person would mistake it as a maze. Hindi ko na pinansin ang mga bumati sa'kin, so, they can get back to work.
Hindi ko naman tataasan ng sweldo kapag nakipagsipsip sila sa'kin.
Pumasok ako sa elevator at sumunod naman si Andrea. "You have a lunch meeting with Sir Mike on Saturday. Wala po s'yang sinabi na dahilan." She pressed the ground floor button when I didn't responded. Bumalik s'ya sa pagbabasa ng mga scheduled appointments ko this month. Pero wala ako na akong naintindihan sa mga sinasabi nito. My mind just fkew away.
Napabalik ako sa huwisyo nang marinig na bumukas ang elevator. Bumungad ang buong lobby na puno ng mga mag-aaudition. Nagsisimula na kasing maghanap ang kompanya ng mga teenager na magaling. We always conduct it in March para mas maluwag ang mga schedule ng mga batang magaaudition.
Lumabas na kaming dalawa. We instantly caught everybody's attention. Ang iba ay nagsimulang magbulong-bulongan. Maybe, because they knew who's the current CEO of De Blanca Entertainment. Hindi ko na lang ito pinansin and I went straight to the parking lot.
I was about to open the door of my car, nang hindi ko nakita sa gilid o kahit sa likod ko si Andrea. Napatingin ako sa lobby na kasalukuyang puno ng tao. Nainis ako bigla nang makita ko s'yang may kausap. At may gana pa talaga s'yang makipag-usap kahit alam n'ya na malilate na kami? Pero mas nainis ako nang nakita ang isang babaeng kakapasok lang sa loob ng lobby. She's wearing the company's uniform. At kulay asul ang buhok nito!
Ang kaisa-isang bagay na ipnagbawal nito sa kan'yang mga empliyado ay ang pagkukulay ng buhok. Ang pangit lang kasi tingnan sa isang tao ang hindi natural na kulay ng buhok.
Hindi ko namalayan na lumapit na pala si Andrea, "I'm very sorry, sir. Nakita ko lang kasi ang isa sa mga highschool friends..."
Hindi ko na s'ya pinatapos, "Nakita mo ba 'yung kakapasok lang na babae?" Tanong ko sa kan'ya habang nakakunot ang noo ko. "Huh? Hindi naman po." She looked back wierdly. Naisip n'ya siguro na maraming bagong dating na mga babae.
Lumingon ako ulit sa lobby kung saan huling nakita ko ang babae. I shivered when she stared at me with her brown eyes.
Hindi ako makapaniwala dahil biglang nagbago ang kulay nito at naging asul. Asul na asul na katulad ng dagat. And the last thing I knew, nawala ito na parang bula.
BINABASA MO ANG
Underneath the Surface
FantasyWhat does our oceans hide from us? Is there something underneath the surface?