Chapter 3

185 10 1
                                    

#BT / Chapter 3

Mabilis akong nagbihis ng pambahay, sinuklay ko rin ang buhok ko at nagpisik ng pabango. Yeah right, what all of these for?

Palabas na ako ng kwarto ko ng siya namang pagpasok ni Mamsi, kulang nalang ay mapasabunot ako sa buhok ko dahil mababaliw na talaga ako sa pagsulpot-sulpot niya rito sa kwarto ko. Palibhasa walang ginagawa kaya ako ang ginugulo.

“Oy, ikaw huh, pinsan mo iyon. 'Yung mga tinginan mo kanina parang gusto mo ng hubaran yung pinsan mo, tigilan mo 'yan hah!” kinurot niya ako sa tagiliran kaya napaigik ako at agad na napalayo. “Huwag na huwag, Garrett Napier. Pag-aaral ang atupagin mo at hindi 'yang mga ganiyang bagay. Huwag ka na tumulad sa ama mo na lumandi noon at hindi inintindi ang pag-aaral.”

“What are you saying? Wala naman akong ginagawang masama.” busangot ko at todo layo kay Mamsi dahil nangungurot siya.

“Pag-igihin mo lang, pagsasapinin ko kayo ng Ama mo pag kinanti mo ang pinsan mo.” naniningkit ang mga matang aniya. Alright, she's scary.

Tumango ako, “Fine. Kahit wala naman akong ginagawa at iniisip na masama, oo nalang.” pagsuko ko at naupo sa gilid ng kama ko.

Umamo bigla ang mukha niya, “Sinasabi ko lang naman ang dapat mong gawin, baby boy. Ayokong malihis ka ng daan tulad ng kuya Hestian mo. Tingnan mo nalang ang isang 'yon, palaging nasa bar at nagliliwaliw. Gusto mo bang matulad sa kaniya?”

As a matter of fact, Yes. I want to be a happy-go-lucky like Kuya H. He has a healthy sex life and round of cool friends, ang cool niya sa lahat ng bagay–– well, not that much in academics since it's Kuya Z. who's great in acads.

“Naiintindihan mo ba ako?” mahinang tanong ni Mamsi.

Tumango ako, “Uhm.” sagot ko, medyo labag din sa kalooban ko dahil ngayon lang ako na-attract ng ganito. But yeah, that woman is my cousin.

“Isa pa, baka mayari ka sa Uncle Caious mo, sige ka.” pananakot pa ni Mamsi, ngumiwi ako at padipang humiga nalang sa kama ko.

“I'm going to take a nap, feel free to lock my door after you leave, Mom.” sabi ko at ipinikit ang mata ko, naramdaman ko ang paghalik ni Mamsi sa noo ko bago ko narinig ang mga yabag niya palayo at ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko.

My mom treating me more special than my other siblings, my dad said it's because I resemble her at para kaming pinagbiyak na bunga, I got my mom's eye color unlike kay Papa at sa mga kapatid ko na kulay grey. My eyes is sometimes dark brown or natural black, then there's a glint of gray. It depends.

Others says it's cool, but for me it's just nothing. Ang mahalaga lang sa 'kin ay may mata ako at nakakakita ako. Tsk.

I also have a long lashes and thick eyebrows, its curves also resembles my mom's but mine is in a manly way.

Back to my cousin, it's not the first time I saw a gorgeous woman. But it is the first time I felt excited just by looking at her eyes, those familiar eyes. Parang nakita at natitigan ko na noon.




...



Nagising ako dahil sa tumatama sa aking sinag ng papalubog na araw, kulimlim kanina ng makatulog ako kaya masarap sa pakiram. I checked the time and found out that it's already 4pm, hindi pa bukas ang aircon dito sa kwarto ko kaya pinagpawisan ang likuran ko.

Agad akong dumiretso sa banyo ko at naghubad ng damit, mabilis akong naligo at nagbihis bago bumaba.

Naabutan ko sa salas ang pinsan ko, hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa naka-side view niyang mukha. At nang mapansin niya rin ang presensya ko ay nilingon niya ako.

I cleared my throat, “Where's my mom?”

“Nasa grocery store kasama si Ate Bam.” she's pertaining to one of our maids, may apat kasing katulong rito. Isa para sa pagluluto at pag-aasikaso ng kusina, which is Bam, at ang iba pa ay sa Garden, Living Room, at paglilinis ng mga rooms and such.

I nodded, nakapamulsa lang akong tumayo roon at siya naman ay nakatitig sa akin. “What?” kunot noong tanong ko, naiilang kasi ako sa titig niya.

Matamis siyang ngumiti bago nagsalita, “Long time no see?”

Matagal ko siyang tinitigan habang tila may inaalala. She really is familiar!

Ang mahabang buhok niya ay inipon niya sa likod ng ulo niya gamit ang dalawa niyang palad bago ako tiningnan ng maangas. “Boss Ann.” aniya gamit ang isang matigas na boses.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at umawang ang bibig ko, “Y-you..”

Binitawan na niya ang sariling buhok at humahagikgik na sunod-sunod akong tinanguan. “Yep. Naalala mo din.”

“Rheil Ann? No way!” hindi makapaniwalang pinakatitigan ko pa siya. “Liar!” sigaw ko pa dahil hindi talaga ako makapaniwala.

“Hmm. Itanong mo pa kay Carsten..” sambit niya at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga niya.

“But, how?” humakbang ako ng isa palapit sa pwesto niya, wala talaga akong makitang bakas ng dating Ann sa kaanyuan niya ngayon.

Lumabi siya, “Inampon ako nila Mommy at Daddy.”

Dinuro ko siya, “How could you call them that!”

“Bakit hindi? Eh sila naman ang nagsabi na 'yun na ang itawag ko sa kanila..”

“No, no, no! Hindi ko ito matatanggap!” gusot na gusot na ngayon ang pagmumukha ko.

Mahina siyang tumawa, “Tanggapin mo na,” panimula niya at itinaas ang kamay na tila babarilin ako, “Pinsan.” kindat niya at kunwari akong binaril.

Muling umawang ang bibig ko, “NO! Never!” sigaw ko at muling umakyat sa kwarto ko habang ang malakas naman niyang halakhak ay naririnig ko mula sa ibaba.




...



Gabi na nang lumabas ako sa kwarto ko, saktong hapunan at pinatatawag na ako ni Mamsi para bumaba.

“Upo na baby boy.” salubong sa'kin ni Mamsi, narito na rin si Dad na katabi lang ni Mom. At si Ann, nakaupo sa kabilang gilid ni Mamsi.

“Get out. Ako d'yan.” masungit na pagpapa-alis ko kay Ann.

“Baby boy, doon ka nalang. Nakaupo na ang pinsan mo oh.” sita sa'kin ni Mamsi at itinuro ang katapat niyang upuan.

“No. Hindi ako kakain kung hindi rin naman ako mauupo dito.” pagmamatigas ko, kay Ann lang ako nakatingin at kita ko na parang wala lang sa kaniya ang ginagawa ko ngayon.

“Garrett, stop.” si Dad na ang nagsalita.

“Ok lang po, Tito. Ako na po ang lilipat..” nang tumayo siya ay bahagya akong lumayo at umiwas ng tingin.

“Tss. Ang bagal.” bulong ko pa at padabog na naupo nang tuluyan na siyang lumipat ng upuan. Sa katapat na upuan ni Mamsi siya naupo.

Napabuga ng hangin si Mamsi habang si Dad naman ay naiiling nalang dahil sa ipinakita ko.

Nang magsimula sa pagkain ay marahas ang ginagawa kong pagsubo habang masama ang tingin na ipinupukol kay Ann. Kanina sa kwarto ko ay nag-isip-isip ako, gusto kong bawiin niya ang sinabi niyang magpinsan kami dahil kahit anong gawin ko ay hindi iyon matanggap ng sistema ko.

Fine, I'm attracted to her that's why. Atsaka sampid lang siya sa pamilya nila Uncle kaya anong karapatan niyang tawagin akong pinsan niya.

“Nga pala, Ann. Ang magiging kwarto mo ay yung guest room sa dulo. Malinis na 'yun kaya puwede mo nang i-ayos ang mga gamit mo ro'n mamaya.”

Sa sinabing iyon ni Mamsi ay palihim akong napasimangot, ang kwartong iyon ay malayo sa kwarto ko. Nasa kabilang dulo kasi ang kwarto ko.



/ itsmezucky

Bad TogetherWhere stories live. Discover now