A/N: *Dropping the warning for uncensored words*
-------------------------------------------------
#BT / Chapter 5
Putanginang mga plastik.
Ano bang tingin nila sa'kin? Isang binibining uutuin? Na masi-sipsip nila para ipakilala sila kay Garrett-gago?
Ah, ang gagong iyon nga pala. Ang tigas ng pagmumukha, magpalibre ba naman tapos hindi naman pala kakainin. Ang laki pa ng nabawas ko sa allowance ko para sa pagkain naming dalawa, eto nga ako at nahihiya parin kila Tita Clarisse at Tito Caious na humingi ng baon tapos siya sasayangin lang yung binili kong pagkain?
Tangina niya.
“Rheil, mag-isa ka lang uuwi?” sumulpot bigla sa tabi ko si Tegan, second year college na siya at ang alam ko ay malayo rito ang building nila.
Mahinhin akong humagikgik, kailangan eh. “Oo eh..” sagot ko. Ang gago kasi iniwan ako, letche talaga.
“Hmp. Hindi maganda sa babae ang umuwi ng mag-isa.” aniya at ipinulupot ang braso sa braso ko, mahigpit niyang niyakap iyon sanhi para maramdaman ko ang malambot niyang dibdib.
Anong masamang umuwi ng mag-isa? Eh mas sanay nga kong umuwi ng mag-isa, lakad man o naka-sasakyan.
Saka itong si Tegan, maganda naman. Maamo ang mukha at sexy ang katawan, ang kaso lang ay tanga siya. Nagkagusto siya kay Gago na binabasura lang siya.
“Kung gusto mo, sabay nalang tayo.” alok niya na agad kong inilingan. Baka mamaya manghingi pa 'to ng kapalit eh.
“Hindi na, may dadaanan rin kasi ako..” pagsisinungaling ko at matamis na ngumiti.
Sumimangot naman siya, “Hmp, ok sige. Bye bye, take care!” paalam niya at mabilis na ding nawala.
Napairap nalang ako sa hangin. Ngayon ay mapapasabak pa ako ng lakaran pauwi sa bahay nila Tita Henri. Hindi ako sasakay sa kahit anong sasakyan dito dahil hindi ako marunong, may jeep pero hindi ko alam kung maibababa ako n'yan sa village.
Wala ring tricycle na dumadaan dito, pulos mga private car lang. Kung bakit kasi nasanay ako sa probinsya, doon ako nagtapos ng elementary at high school sa tulong ng mga mabubuti kong tagapag-ampon.
Hays, gusto ko ng umuwi at damhin ang air-conditioned na kwarto ko. Mabuti pa at simulan ko na ang paglalakad.
“Pst!”
Saktong paglabas ko ng gate ay siyang pagsitsit sa'kin ng kung sino. Nang lumingon ako sa tabi ng gate ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki, isa sa mga kaibigan ni Garrett.
Awtomatiko akong ngumiti at tumayo ng tuwid, “Hello.”
“Hindi mo kasabay?” tanong niya, malamang na si Garrett ang tinutukoy niya.
Malungkot akong umiling, “Hindi. Nakalimutan ata ako..” sagot ko na sinundan ko ng maliit na ngiti.
Tumango naman siya na tila naintindihan niya ang sinabi ko. “By the way, I'm Hare.” inilahad niya ang palad niya na buong galang ko namang tinanggap.
“Nice to meet you. Ako nga pala si Ann.” pakilala ko, kung nakipagkilala siya sa'kin ng ganito dati ay malamang na pinakyuhan ko lang siya.
Oo na, masama talaga ang ugali ko. Sabihin niyo ng may pagkasa-ugaling kanto ako pero anong magagawa ko? Gano'n ako dati, tapos mga kaibigan ko pa mga kanto boys. Ano pang aasahan?
Bait-baitan nga lang ako para sa kapakanan ng mga umampon sa'kin, para naman hindi sila mapahiya. Malaki kaya ang utang na loob ko sa mga 'yon, nang maulila ako ay sila na kumupkop sa'kin. Binihisan nila ako at pinakain, pinahiram din nila sa'kin ang pangalan nila na puno ng karangalan.
Kung may inirerespeto man ako ng buong puso ay sila 'yon, kaya nga kahit anong gawing panggagago ng pamangkin nila ay hindi ko nalang pinapatulan. Tama na yung minumura ko siya sa isipan ko.
“Hey? Nakikinig ka ba?” pumitik si Hare sa harapan ko, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa mukha niya. Ang cute kasi, kamukha no'ng aso ni Carsten.
“Ah, oo.” tumango nalang ako.
“Tara na.” aniya at napatitig nalang ako sa kamay niyang hawak ang palad ko. Hinila niya ako papunta sa isang nakahimpil na sasakyan, hindi ko maitatangging malambot at mainit ang kamay niya. “Saan ba ang bahay niyo?”
“Sa bahay nila Gago..” lutang na mahinang sagot ko habang nakatingin parin sa kamay naming magkasalikop.
“Huh?” takang tanong niya, nang makitang nakatingin ako sa magkasalikop naming kamay ay agad niyang binawi ang kaniya. “Sorry..”
Kumurap ako ng ilang beses bago nilinaw ang sinabi ko at patay-malisyang nag-iwas ng tingin, “Sabi ko, sa bahay nila Garrett.”
“Ah..” aniya, nang tingnan ko siya ay tila namutla ang mukha niya. “Pwede bang hanggang gate ng village nalang kita ihatid? And please, don't tell him that I offered you a ride.”
Kung gano'n ay takot siya kay Garrett. Tapos ang Garrett naman na 'yon ay tinakot siya. Tsk, sayang ang ka-cute-an niya kung ganitong duwag siya.
Tumango nalang ako at ngumiti. Dito kami sa backseat nakaupo at isang matandang lalaki naman sa drivers seat, malamang na family driver nila 'yan.
“Bakit nga pala do'n nakatira?” tanong niya pagk'wan.
“Pansamantala lang 'yon, lilipat din ako sa isang linggo.” sagot ko, pagtapos no'n ay hindi na siya nagtanong pa. Kahit alam kong marami pa siyang gustong itanong ay itinikom nalang niya ang bibig niya.
At tulad nga ng sinabi niya, sa gate ng village niya ako ibinaba, ayos na rin dahil walking distance nalang mula rito hanggang sa bahay.
“Thank you very much.” pasasalamat ko ng tuluyan na 'kong makababa.
Napakamot siya sa ulo, “Nakakahiya nga eh, hindi kita naihatid hanggang sa inyo.”
“Ok lang 'yun, bye!” nginitian ko pa siya bago tinalikuran. Hindi naman halatang nagmamadali ako, ang init kasi tapos pagod pa ako. Gusto ko nalang na matulog.
Sa paglalakad pauwi ay unti-unti na akong nawawalan ng poise, ang shoulder bag ko na naka-sakbit sa balikat ko ay kinuha ko, hinawakan ko nalang ang dulo ng strap no'n at tinatamad na naglakad.
“Hays, ang banas!” reklamo ko at nagpaypay gamit ang isa kong kamay. “Buti naman at malapit na.” nang makita ang magandang bubong ng bahay na pansamantala kong tinitirhan ay saglit akong tumigil.
Maglalagay muna ako ng pulbos para magmukha akong fresh. Saka pabango na rin, then boom, binibining mahinhin na ulit.
Nang makarating sa gate ay agad akong pinagbuksan ng mga gwardiya, binati nila ako kaya binati ko rin sila.
Sa loob ng bahay naman ng makapasok ako ay ang nakangising mukha agad ni Garrett ang nabungaran ko, nakaupo siya sa sofa kung saan eksakto akong nakaupo kahapon.
Kahit gusto ko na siyang tingnan ng masama ay pinilit ko parin ang sariling ngumiti, “Hello, pinsan.” bati ko sa kaniya, agad naman siyang sumimangot.
At bago pa man siya tamaan ng magaling ay nagmadali na akong umakyat papunta sa kwarto ko, alam ko namang nagagalit siya sa tuwing tinatawag ko siyang pinsan.
Hindi niya kasi matanggap na naging pinsan niya ang dating pinandidirihan niyang babae, ang madungis, bobo, at maangas na Rheil. Hah, kahit anong pag-ayaw niya sa'kin ay wala na siyang magagawa dahil magpinsan na kami.
/ itsmezucky