Katelyn Grace POV's
"So?nag away na naman kayo ng Mommy mo?"Tanong ni Chelsea pagdating nya sa room namin.Psh.
"Hindi no"sagot ko habang nakakunot ang noo ko.
"Weh?Eh bat ganyan your face?"upo niya sa tabi ko tsaka tinuro ang muka ko.
"Nakakainis kasi kanina eh,May nakabangga sakin at duh ang nerd nerd nya nakakaderder!"irap ko tsaka hinilot ang sintido.
"Hmm,sadyang mga ganyan ang mga tao dito sa paaralan maraming pa genius eww"parang diring diring ani nito sumulpot naman si Clarisse.
"Buti nga sila pa genius eh,ikaw?Walang laman ang utak kundi alak psh."Maarteng ani ni Clarisse kay Chelsea na agad namang umalma.
"What did you say?!"inis na tanong ni Chelsea kay Clarisse.
"Nevermind"sagot naman nung isa napailing nalang ako.
Hindi talaga mawala sa isip ko yung nerd na yun ugh!
Aish..
"Bat ganyan itsura mo?"tanong ni Clarisse sakin lalo namang nag init ang ulo ko sa kakatanong nila.
"Wala ka na dun"maarteng wika ko,kung maarte sila mas maarte ako dzuh.
.
.
.
"Miss Romero,are you listening?"napatingin ako sa Prof namin at tinaasan ng kilay."Kita mo namang may iniisip ako tapos tatanungin mo ko kung nakikinig ako"maarteng pambabara ko sa kanya agad naman nag bulungan ang mga nasa loob ng room.
"Hindi ka ba tinuturuan ng manners ng mga magulang mo?"maarte ding tanong nya kaya napatawa ako.Psh.
Napalingon naman ako kina Chelsea at Clarisse na nakangisi na din."Sorry prof huh?hindi kasi sila teacher eh para turuan ako..Baka ikaw free ka ba mamaya?Pede bang turuan mo ko ng manners achuchu na sinasabe mo?"lumakas ang bulungan ng sabihin ko yun.Tsk.Pathetic.
"Go to my office later"maowtoridad na sabi niya.
"Bakit tuturuan moko ng manners?"umugong ang malakas na tawanan ng tanungin ko yun.
"QUIET!Dahil sa pagsagot sagot mo sakin,you have a punishment!"sigaw nya tsaka lumabas ng room nagkibit balikat nalang ako.
"HAHAHAHAHA what's your problem girl?"natatawang tanong ni Chelsea tsaka ako hinampas umirap lang ako sa kanya tsaka lumabas para sumunod sa prof namin,well?baka turuan nya ko ng manners.
Hindi na ko kumatok at tuloy tuloy na pumasok,pagpasok ko andun yung nerd na nakabangga ko kanina kausap nya yung prof.
"Wala ka talagang manners,ni simpleng pagkatok hindi mo magawa"salubong sakin nung prof ko napatingin naman sakin yung nerd kaya tinaasan ko sya ng kilay,kaya umiwas sya ng tingin psh.
"Pati ba naman pagkatok tuturuan mo din ako,wow sumasideline ka ha"walang ganang sagot ko sakanya kaya napailing nalang sya at kinakausap yung nerd.
Dun ko lang natitigan ng ayos ang nerd na yun,meron syang makapal na salamin at makapal na kilay meron din syang brace at may hawak syang makakapal na libro,napairap nalang ako.
"Ang tagal naman"bulong ko.
Hanggang sa umalis na yung nerd ay inunahan ko ng magsalita yung prof.
"Anong punishment achuchu ba yan?bilis,mahalaga ang oras ko"sambit ko sa kanya.
"Go to the library"library huh?
"Anong gagawin ko dun,tititigan ang mga libro hanggang sa lumutang silang lahat?"pabarang sagot ko sa kanya.
"Pwede rin pero hindi yun maglilinis ka lang naman eh,pupunasan mo yung mga shelves."napaamang ako sa sinabe nya.
Magpupunas ng shelves?

YOU ARE READING
When i fall inlove√
FanficWhen she fall inlove gagawin nya lahat para makuha ang gusto nya,well ganun sya kadesperada.Kahit na alam nyang ayaw sya nito gagawa sya ng paraan para lang makuha ang gusto niya. Paano kung sa hindi inaasahan?Ma inlove ang maarteng babae sa isang N...