CHAPTER 2
" HOY gaga, gising. " sabi ng isang babae habang inaalog ang balikat ko. Gumalaw ako kaunti at hindi pinansin ang nagsalita.
" Urgh, five minutes, Mommy. " sabi ko at umusog nang nahulog ako kaya napabalikwas ako ng bangon.
" Oh my poor daughter, " sabi ni Avi na inaasar ako sa pagkahulog at sinabi ko.
" Yaman ka 'te? " i asked her sarcastically.
" Oo nangutang ka nga e. " sabi niya at tumawa. Bigla kong naramdaman na sumakit ang ulo ko.
Damn hangover feels.
" Shot pa. " pang-aasar niya sa akin habang kumukuha ng gamot sa hangover.
" How did i ended up here by the way? " tanong ko sakanya pagtapos niya ako bigyan ng gamot.
" Well, someone brought you here. " sabi niya habang naghahain sa lamesa na nagpahinto sa akin sa ginagawa ko.
Sumakit lalo ang ulo ko nang sinubukan kong alalahanin ang nangyari at pinaggagagawa ko kagabi.
" Do you know who was it? " tanong ko sakanya. Nagdalawang- isip pa siya kung sasagutin niya ako o hindi.
" Breakfast is ready. Eat this pampawala ng hangover mo. " pag-iiba niya ng usapan.
" Hoy, kilala mo ba kung sino? " tanong ko ulit nang makarating ako sa lamesa.
" Kilala ko pero 'di ko sasabihin. " sabi niya at saka ngumiti sa akin.
" What's his name? Or maybe his IG? Twitter? " panguntulit ko sakanya pero umiling lang siya.
" I just want to thank him and apologize if i did something wrong last night. " sabi ko.
" Ako na nagpasalamat at humingi ng paumanhin kagabi so don't you worry na. " sabi niya at sinabihan akong kumain nalang.
" Why won't you tell me who that person is? "
" He doesn't want to be told. Now, eat. Tumawag na sa akin ang Mommy mo, hinahanap ka. " inirapan ko siya at sumubo ng isang kutsara ng pagkain na hinanda niya. So it's really a guy huh. I wonder who that person is.
" Just his name— " hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang may bumukas ng pinto ng unit ni Avi.
" Scarina, uwi! " and i heard the voice of my great Mother. Humarap ako kay Avi at saka ito inirapan. Ngumiti lang siya at nag-peace sign sa akin.
YOU ARE READING
After the Rain ( EMPIRE SERIES #2 ) ON- GOING
Teen FictionEMPIRE SERIES #2 Scarina Lettisha Swift or Scarlet, known for being her Mother's Tobacco Business' heiress. She gave up being her Mother's heiress for she isn't interested and went to find his Father abroad. While searching for his Father, Scarina b...