Kabanata 7

1 0 0
                                    

Kurst POV

Malapit na ang laban namin sa basketball at hindi naman ako kinakabahan ilang taon na ko dito, tamang practice na lang siguro hindi naman sa nagmamayabang

"Nieztyn, uuwi na muna ako ah wala na rin namang klase" naghintay na muna ako na sumagot siya pero wala na talaga kong aasahang sagot kaya napagpasiyahan ko na lang na umalis na

Papalabas na sana ako nang school ng may nakita akong batang babae na namamalimos

"Bata asan ang mga magulang mo?" tanong ko sa batang musmos

"K-kuya, wala na po sila ako na lang ang mag-isa" nakakaawa na naman ang bata ito, "sge dito ka lang ah may tatawagan lang ako saglit" tango lang sagot niya sakin, kaya dali-dali kong tinawagan ang sekretarya ni mommy na siyang pansamantalang nakatalaga sa orphanage

"Hello sir, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Magpadala ka ng mga tao mo may isang batang musmos dito sa tapat ng university, gusto ko diyan sa orphanage natin para naman mabisita ko siya" sabi ko sa sekretarya ni mommy, sinulyapan ko na muna ang bata at sinundan ko kung saan siya nakatingin at don ko lang nalaman na nagugutom siya

"Right away po sir, magpapadala na ko ng mga tauhan ko diyan"

"Sige salamat" pinatay ko na agad ang tawag at nilapitan ang bata

"Ano nga pala ang pangalan mo" ang rude ko naman hindi ko agad tinanong kong ano ang pangalan niya, "Mitch po ang pangalan ko kuya"

"Ilang taon kana" para naman may alam ako sa kanya diba?

"7 years old po, k-kuya nagugutom po ako" sabi niya sakin sabay tingin sa mga pagkain "sige, bibili lang ako dito ka lang ah" tango lang ang sagot niya sakin

"Ate pabili nga po ng nito at isang tubig" tanga ba tong kausap ko ni hindi man lang kumurap ng kausapin ko naku naman

"MISS PABILI AKO!!!" sinigawan ko na siya at kumilos na siya dahil na rin sa pagkapahiya niya, tsk tsk ang gwapo ko naman kasi

"I-to n-na ho sir" nagbayad na ko at binalikan ang bata at binigay na sa kanya ang pagkain

Hindi na rin naman nagtagal dumating na ang mga taong kukuha kay Mitch, nakita ko sa bata ang pagkalito kaya sinabi ko sa kanya na sa orphanage na siya titira

"Wag kang mag-alala bibisitahin kita kapag hindi ako busy, ok?" bilang sagot sakin niyakap niya ko habang naiyak, kinuha na rin naman siya kaya umalis na ko don para makauwi na sa bahay

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay si daddy lang nakita ko, himala hindi niya kasama si mommy

"Hi dad" bati ko kay daddy, we did the man hug tsaka nag kamustahan

"Yow son, buti umuwi ka" nakangisi pa niyang sabi, totoo naman kasi minsan lang ako umuwi sa bahay

"Si mommy kasi pinauwi ako alam mo naman pag dating sa kanya I can't say no" when it comes kay mommy hindi ako puwedeng humindi dahil talagang malalagot ako "o-ok wala na kong sinabi" tawa na lamang ang sinagot ko kay daddy

"Myyy sonn, omg I miss you so muchhhhhhh" here she is my beautiful mom, sabay beso sa akin at niyakap ng napakahigpit "Miss you too mom" It's been 6 months simula nung nagkaroon ako ng unit hindi pa ko umuuwi, pero syempre sa loob ng anim na buwan andon parin ang komunikasyon, kaya naman ganon na lang ako ka excite nang pauwiin ako ni mommy

"So I was saying, kaya kita pinauwi kasi anniversary ng company nila Jenny sa susunod na linggo syempre invited tayo kaya agad kitang pinauwi"

"Honey!!! Bakit hindi ko ito alam ah???" mukang sa away pa ang punta nilang dalawa haysst

"Paano mo malalaman eh lagi kang nakaharap diyan sa laptop mo aber!!!" bago pa umabot sa away sumabat na ko sa usapan nila

"Hep, tama na yan mom and dad" naiistress ako ah

Iniwanan ko na silang dalawa sa sala at pinuntahan si ate sa kanyang kwarto, namiss ko rin ang isang yon eh

"Sisterrrr mineeeeeee" sigaw ko pag kadating ko sa kwarto niya

"Brotherrr mineeee" sigaw din niya at tawa at lang sinagot ko at niyakap ko siya, sobrang namiss ko si ate kahit minsan nakakasawa ang pagmumuka niya HAHAHAHAHAHA

Ang dami ding nagbago sa kwarto niya, dumami lalo ang mga painting niya na lalong nagpaganda

Nag bonding kaming dalawa at nagkwentuhan, nakwento ko din sa kanya si Kelly at nagulat ako na kilala niya pala ito siya pala yong kaibigan nila Jean at Laira na naglayas

"Mag anakshie dinner is ready bumababa na kayo" sabay kaming bumaba ni ate, pagkababa namin don ko lang napansin na hindi pa pala ako nagpapalit ng damit

When the dinner's start we talk about Sapero Clan's anniversary this coming day, at don ko lang din nalaman na kilala nila mommy si Kelly

Gusto kong makilala lalo ang dalaga at gusto ko ring malaman kung paano siya nakilala nila mommy

Kelly's POV

When the days start alam kong maraming magbabago, sana kayanin ko lahat ng pagdadaanan ko

"Kelly anniversary ng company sa susunod na linggo at gusto ni mommy kasama ka at may ipapakilala siya sayo" sabi ni Laifa na nakatitig sa akin, o-ok hindi ko alam ang mangyayari pero sana maging maayos ang party, isang tango lang sinagot ko kay Laira hindi ko feel makipag usap sa kanila

Alam mo yong pakiramdam na gusto mo lang mag-isa walang taong nakapaligid sayo, ang hirap ng sitwasyon ko gusto ko maramdaman ang yakap ng mga magulang ko, hindi ko namalayan na naiyak na pala ako kundi lang ako niyakap ni Jean at Laira

"B-bakit g-ganito???" umiiyak kong sambit sa kanila, bakit kailangan nilang mamatay hindi ko man lang sila nasilayan sobrang hirap

"Malalagpasan mo din ang lahat ng ito Kelly kumapit ka lang" pag-aalo sakin ni Jean "We're always here Kelly, hindi ka namin iiwan" sabi naman ni Laira dito lang ako swerte sa mga taong ito nakaramdam ako ng pagmamahal ng isang pamilya na kahit minsan hindi ko naranasan

"Salamat, maraming salamat sa inyo kahit kailan hindi niyo ko iniwan, kahit na umalis ako sa bahay niyo salamat" yakap lamang ang sinagot nila sa akin sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko

Paulo's POV

Sa wakas nahanap din kita, hindi na ko makakapayag na hindi mo makuha ang hustisya na nararapat para sayo nangako ako sa mga magulang mo na hinding-hindi kita pababayaan





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Black Rose (On-going) Where stories live. Discover now