19

190 6 0
                                    

Chapter 19

"Finally!"
"Hallelujah praise the Lord!"
"Inom na inom na ako!"
"Chicks na chicks na ako!"

Nagliliparan ang mga papel

Para sila mga ibon na nakawala sa hawla nila

Pati mga upuan ay nagkalat

May mga nakataob pa

Sobrang gulo ng paligid

Pero dahil good mood ako

Papalagpasin ko ito

Sino ba namang hindi matutuwa?

Tapos na ang Midterms Exams!

Isa lang ang ibig sabihin non

Alak

Maraming alak!

Pagkatapos ng pahirap dapat lang na may pasarap

What I mean is we need alcohol for refreshments!

We've been in hell since last week

A token for ourselves won't hurt, right?

"Guys! 6 p.m at Cloud Nine! See you!" Paalam ni Sab sa mga nagsisi uwian.

"Sunduin kita mamaya?"

Umiling lang ako bago sinukbit ang bag sa kaliwang balikat ko.

"Magkita nalang tayo"

"Don't tell me you're going to work pa!?"

"Syempre hindi. Basta mauna ka nalang sa bar"

"Susunod ka a?" Ngumisi ako

"Ako pa talaga ang tinatanong mo? Alak 'yon" sabay kaming natawa.

Kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan pag dating sa alak.

Naalala ko pa nung mga panahong sinasamahan ko siyang uminom dahil sawing sawi siya. Halos gabi gabi habang duty ko sa bar ni Mr. Chu nanduduon siya. Kaya naman kahit bawal pasimple rin akong umiinom.

Hindi dapat tinatanggihan ang alak

***

Kanina pa ako nandito sa kwarto ko. Ayokong lumabas, ang sakit sa ulo ni mama.

Tsk

Kasalanan 'tong lahat ni Sab

Sinabihan niya pala si mama na mag ba-bar kami kaya ayon pag dating ko kanina sa bahay kinukulit ako.

Gusto niyang suotin ko yung damit na gusto niya!

Sa tuwing naaalala ko yung damit na 'yon nag tataasan ang balhibo ko sa katawan

Mas malala pa yon sa damit na sinuot ko sa Food Charming

Narinig kong tumunog ang telepono ko kaya sinagot ko ito agad.

"Babe! Where are you!?"

Shit

Ang tinis ng boses niya!

Masakit sa tenga!

"Baka ma-late ako, pero papunta na"

Ha!

Papunta? Magbibihis pa lang ako

"Booze are waiting for you, babe. I know you miss them"

"Magsimula na kayo, mabilis lang ako"

Tulad nga ng sinabi ko, mabilis lang ako kumilos.

Basta lang ako kumuha ng hoddie jacket at pantalon sa damitan ko.

Pricess Charming (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon