Chapter 1 (Ang Pagtatagpo)

60 0 0
                                    

*TIK-TOK-TIK-TOK-TIK-TOK*

Hayy.. Pasukan na naman. Parang bagyo lang na dumaan ang summer vacation namen ah?!

TIMECHECK! 5:59 A.M.. hmmm.. *ngisi* ang aga pa pala!!!

*KRIIIIIING!

6:00 A.M. na! oras na para bumangon!

'Yan palagi ang gising ko tuwing umaga, gigising ng dakong alas-sais at titigan ang alarm clock hanggang mag-ring ito ng alas-sais.

Ako pala si Andrei, Andrei Sandoval, 16 years old na'ko 4th year Highschool na..

"'Drei, gising na! unang araw ng eskwela ngayon baka ma-late ka!", tawag ni Mama para mambulabog ng kapayapaan ng umaga.

"Opo 'ma! Nagliligpit na po ng kuwarto!", sagot ko.

"'wag mong kalimutang magsuot ng malinis na underware hah?!", banat pa nito.

FASTFORWARD!!! *BZZZZZZZZZZZRT*

Paligo? check! Sarili? check! Bag at gamit sa school? Check! Porma? check! all is set na ba? Nope! daan muna sa pwesto sa lamesa. Di pa kaya ako nakapag-breakfast! Mag-skip na ang lahat ng oras 'wag lang ang oras para kumain..

"oh anak? anong gusto mong ipalaman sa sandwich mo?", tanong sakin ni mama.

"'lam mo na 'yun 'ma! yung VM ko.." sagot ko.

*VM= Volcanoe Meal (Milo at sandwich na pinalamanan ng lahat ng naka hain sa mesa)

Pagkatapos kumain, nag toothbrush agad ako at pumunta ng school. TAKTE, male-late na pala ako! patapos na ang unang Flag Ceremony ng makarating ako ng school. ASAR! asan na kaya sina Joy? Kung ba't pa kasi sa pagkadami-rami ng pwede na mawala sakin nung summer vacation ay ang cellphon ko pa?! asar tuloy 'di ko mahanap ang tropa ko.. Kakahiya din namang dumaan sa gate sa quad dahil ng-se-speech pa si Mr. Principal sa stage.

PERFECT TIMING!

Naiihi ako! anak ng tekwa.. kumaripas agad ako ng takbo papuntang CR. Sa pagmamadali, aksidente kong nabangga ang isang estudyanteng babae.

"Miss OK ka lang? Sorry ha? nagmamadali lang kasi ako eh..", tanong ko dito sabay abot ng kamay ko para tulungan siyang tumayo.

Naka civillian ito, baka transferee or grade 7..

"Sa tingin mo?!" pagtataray nito sabay tapik ng kamay ko, "kaya ko na 'to! tsk! aray!"

Napansin kong dumurugo ang siko niya kaya agad kong kinuha ang panyo ko at inilapat sa galos niya. Naalala ko rin na meron pa akong ethyl alcohol sa bag at nilagyan ko nadin sa sugat nito..

"ARAY!" 

"Ay sorry! masakit padin? hmm.. sorry talaga hah?", sabi ko rito.

"OK lang, ako nga ang dapat mag sorry eh. Ka bago-bago ko lang dito nagtataray na agad ako." sagot niya.

"Sige, OK na yan.'Wag mo munang alisin ng panyo para hindi mag-impeksyon. Teka, transferee ka ba dito? tanong ko dito.

"Oo", sagot niya

"Ahh.. Anong year ka na?", dagdag ko.

Di ko na narinig ang sagot niya nang marinig ko ang na papalabas na ang mga estudyante mula sa quad at tsaka ulit pumasok sa isipan ko na NAIIHI NA PALA AKO!!!

TAKBO SA CR!!! *SWISSSSSSSSSSSSSSSH*

Hayy.. Sa wakas naka hinga narin ng maluwag.. Balik ulit sa pagha-hunting ng mga ka tropa ko. pero naalala ko ang babae kanina. Di ko malang natanong ang pangalan niya.

"Dring!"

Napahinto agad ako sa paglalakad dahil alam kong si Joy na ang tumatawag sakin, ang bestfriend kong super sama.Hahaha.. hayy.. Sa wakas natapos na din ang quest ko. Kung bakit "Dring"? Simple, pinagsamang 'Drei at bading. Paglingon ko tanaw ko na agad ang malahudas na ngiti ng mga ka barkada ko. Sina Joy, Chin, Chriss, at Yusei. Agad naman akong nilapitan ni Yusei at sabay batok sakin.

"Aray! Oh bakit?", sabi ko sabay ganti ng batok sa kanya.

"Wala lang, Di ka na nasanay..", sagot nito.

"Whe!? Miss ka lang siguro ni B1 'pre!", singit ni Chriss.

"Eh 'lam niyo namang Super Twins ang dalawang yan eh. Diba B2? este, Drei?

"HEH! pasok na nga tayo! Teka, saang room ba tayo? At sinong adviser naten?", udlot ko sa biruan nila.

"Naka-drugs ka 'pre?! Syempre si Sir Snape padin! di naman tayo nagpapalit ng adviser mula first year ah?! tsaka, ikaw?! exited pumasok?! itsamirakel!!!", sarkastikong sagot nito sakin.

Oo nga pala. Hehe. Di pala kami nagpapalit ng adviser dahil sa elective namin na DRAFTING. By-the-way, Cyril Mendoza pala ang totoong pangalan ng adviser namin pero sir Snape ang tawag namin sa kanya. Bakit? hahaha.. SECRET!!!

Nang makarating sa room. Dumeretso agad kami sa kanya-kanyang pwesto sa harap ng table ni sir. Tyempong wala pa si sir kaya drawing muna sa notebook na kakabili palang ni mama sakin. :D

5 mins. later..

"Goodmorning class, i'm sorry i'm a bit late. Pinatawag pa kasi ako sa admin para iinform na may bago kayong classmate. In any moment she'll be coming in and I want your to welcome her, OK?", bungad ni sir pagdating niya sa room.

Dinig ko ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko tungkol sa bago naming classmate.

"'Pre! "Her" daw!", bulong ni Yusei sakin.

"Maganda kaya siya?", dagdag pa ni Joy.

"Hmf! 'wag lang siya magpapakita ng budhi niya saken kundi babanatan ko talaga yun pag nagkataon", singit ni Chin.

"Chillax 'tol! first day of school highblood ka agad. Ba't ba parating kumukulo ang dugo mo? haha..", biro pa ni Chriss.

Di ko na sila pinansin dahil naka-tuon ang pansin ko sa dino-drawing ko.

"OK class, I want you to welcome your new classmate, Miss Angel Santillan, hija, welcome to the class of Drafting 4. class be good to her. Pakisamahan niyo siya at kaibiganin", Narinig kong sabi ni sir.

"WELCOME ANGEL!", sabay-sabay na bati ng mga kaklase ko.

Isang nahihiyang "thank you" lng ang narinig ko pero sa drawing padin ako naka-focus. Walang anu-ano'y napasigaw nalang ako bigla ng..

"ARAY!", isang mainit na kurot sa tagiliran mula kay Joy ang nakapag-alis ng atensyon ko sa pagdo-drawing, "sakit nun ah!!!"

"ugok! iwelcome mo kaya yung bagong classmate naten.", pabulong na sagot nito magkatabi lang kasi kami ng upuan eh.

Agad naman akong tumayo pero tinitignan ko padin si Joy ng masama. Ang sakit kaya nun. 

"Wel--", di ko na natapos ang sinasabi ko at bigla nalang akong napasigaw..

"IKAW?!"

ITUTULOY...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Signs :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon