Bell rings*
Nagsilabasan na ang mga estudyante for lunch and here I am not moving an inch in my chair. Nakita kong tumayo na ang tatlo kong katabi kanina lang na nakisabay na din sa mga classmates namin.
Nang ako nalang mag isa ang naiwan rito nagpalabas ako ng isang buntong hininga at sinapak ang magkabila kong pisngi sa magkabila ko namang mga kamay.
Yeah I can do this! wala lang yung kanina sa recess I can still fix it.
Tumayo na ako papalabas ng pinto ng may nabangga ako, ang tigas. Napadaing ako dahil parang nabali yung ilong ko hinawakan ko ito at tiningala ang nabangga ko. Yung lalaki nanaman ano ba to pasulpot sulpot kung saan-saan. Basta alam nyo na kung sino. Aish.
Tinaasan ko ito ng kilay ng nakahawak padin sa ilong ko. Siya naman wala man lang ka reaksyon reaksyon na parang walang nangyari. Sino ba'tong lalaking ito ang yabang naman. Tss.
Binanggaan ko ito sa kanyang gilid para maka ganti ako sakanya dahil wala man lang maski isang sorry ng nagsimula na akong lumakad palabas nang pinto. Aish parang ako pa ang nasaktan sa pagbangga sakanya sa gilid. Tuloy tuloy lang ang paglalakad ko sa hallway hindi pinapansin ang mga tingin nang mga estudyante. Dalawa lang naman ang rason niyan dahil yan sa nangyari kanina at dahil hindi pa sila nakakita sakin rito maybe nabaguhan sila sakin.
Naabot ko na ang cafeteria walang pag alin langang binuksan ko ito at dere-deretso na pumasok. Ayan nanaman ang mga tingin na hindi ko pa nasanayan sa buong buhay ko. Nakita ko si Mason at Levi na nasa pinaka gitna ng cafeteria naka upo. I was about to pass by them patungo sa line kung saan bibili ng pagkain nang may isang kamay ang humawak sa wrist ko agad ko itong liningon at nakita ko ang babae na nameet ko kaninang umaga yung sa teachers offices, dean's office, etc. na building.
"Wahhh! Harriet right?" tumango ako rito, ang ganda niya talaga. "Tara sabay tayo lunch." aniya na may malapad na ngiti sabay hila sakin patungo dun sa line. Nagpahila nalang ako sa kanya atleast hindi ako magmukhang loner mamaya kapag kakain na ako. Nakita kung tinanaw kami nila Levi at ang namumulang si Mason oh hindi pala 'kami' dahil si Meira lang ang kanyang tinitingnan habang namumula, pati ang ibang estudyante ay may nagtatanong na tingin samin na parang sinasabi nila na bakit nakipag usap sa'kin si Meira.
"So Harriet ano pala section mo?" tanong niya nang naglakad na kami patungo sa isang table.
Umupo na kami at tinaas ko ang kamay ko sakanya a gesture for wait at dali daling kinuha ang mn at pen ko sa bulsa. I think I'll need this a lot dahil may pagka talkative si Meira. She seems nice.
'Class 4-Diamond' I wrote.
"Wow! ang galing dun kapala! highest section kaya yun." aniya at nag simula na kaming kumain nakikinig lang ako sakanya wala naman akong ma reply.
"So... nandun sila noh? wahh alam mo ba may crush ako dun!" Tili niya. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"Si Zierre!" aniya with a dreamy look na parang normal na sakanya na kahit sino alam na may crush siya sa Zierre na yun.
'Sino yan?'
"Omygosh di mo alam sino si Zierre? eh classmate kayo kaya ang lucky mo."
I shrugged at nagpatuloy na sa pag-kain.
"Siya!" Bigla niyang sigaw na may tinuturo. Liningon ko ang tinuturo niya dun sa mga may babaeng tili ng tili habang tinatanaw ang isang tagilid na lalaki sa view ko. Ahh yun pala. Binalik ko ang tingin kay Meira na naka lagay pa ang kanyang baba sa isang kamay na parang yung crush niya lang ang nakikita niya. Wait. Parang pamilyar ang mukha ng lalaki ah. Zierre? san ko nga ba narinig ang pangalan na yan? Liningon ko ulit ang lalaki ngayon nakaharap na ito samin. Nagulat ako ng yung lalaki palang pasulpot sulpot kung saan saan at ang mas nakakagulat nakatingin ito sa'kin ng deretso sa mata. Lumingon ako sa likod ko baka naman hindi ako.
YOU ARE READING
She Who Speaks Love Through Actions
Teen Fiction"Life is very interesting... in the end some of your greatest pains, become your greatest strengths."