CHAPTER ONE

42 3 2
                                    


LUCAS' POINT OF VIEW

"Oh! Sakay na! Sakay na!"

Mausok, siksikan, maingay at higit sa lahat may mga makakatabi kang malilikot. Isa lang naman ang mga ito sa araw araw na nararanasan ko sa buhay ko. Araw araw pumapasok ako sa school sakay ang jeep at sa tuwing uuwi naman ay minsan mag bu-bus o di kaya kapag gusto mo na talagang makauwi, mapipilitan kang makisiksikan sa jeep. Yung kalahating pwet mo na lang ang nakaupo pero pinagpipilitan pa rin ng kundoktor na kaya pa.

Sisigaw pa yan ng..

"Kasya pa! Kasya pa! Usog kayo dyan mga nasa loob! Oh meron pa isa dito sa kaliwa!"

Inis akong napapikit at umusog ng konti para mabigyan ng espasyo ang pasarehong sasakay. Nasa tabi ako ng labasan dahil mas madaling akong makakababa. Isinaksak ko na lamang ang headphones sa tenga ko at buntong hiningang napatitig sa labas ng jeep.

Makulimlim, hindi nagbabanta na uulan pero walang araw. Umaga pa lang naman pero mahahalata mo talaga ang kulay abo na ulap, gantong ganto ang panahon na masarap matulog at hindi ko maipaliwanag ngunit masarap sa pakiramdam ang ganitong klaseng panahon.

Maya maya ay huminto ang jeep sa tapat ng Mall at bahagyang nabawasan ang mga pasahero. Nag papasalamat naman ako dahil medyo lumuwag ng konti sa tabi ko ngunit pagkarating naman sa kabilang kanto ay may mga estudyante nagtutulakan at naguunahan makasakay sa jeep. Naapakan pa ng isa ang aking bagong sapatos. Nakakairita ang gantong klase ng mga tao. Masyadong makalat, tss.

Malimit ko naman silang sinamaan ng tingin at agad tinapunan ng tingin ang kanilang mga uniporme. Napansin kong pareho kami ng skwelahan ngunit ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para umidlip saglit.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong mag vibrate ang cellphone ko. Dali dali ko naman iyon binuksan at napansing mga 30 minutes na pala kaming bumabyahe at medyo malapit lapit na din ang skwelahan dito.

Binuksan ko ang messages ko ng mag text siya at mabigat na napabuntong hininga. Hindi ko alam kung paano ko siya maiiwasan, hindi ko alam kung paano ko siya papakisamahan ng tama. Pinipilit kong iwasan siya at para sa ikabubuti rin naman niya ito pero masyado siyang makulit. Buntot ng buntot, tss.

"Grabe ang harot ha?"

Agad akong napatingin sa katabi ko ng marinig ko siyang bumulong at ganun na lang ang panlalaki ng mata niyang napatingin din sakin.

Nangunot ang noo ko habang nakatitig pa rin sa kanya habang siya ay mukhang tangang nakanganga habang nanlalaki pa rin ang matang nakatitig sakin at bahagya pang itinuro ako.

Ano naman ang ginagawa nito?

"H-hoy! Huwag mo nga akong tignan ng ganyan! Wala akong nabasa! Hindi ko naman nabasa yung sinabi niya eh! Malay ko bang pupuntahan ka niya sa bahay niyo at pupunta kayo sa Mall?! Huwag kang assuming! Hindi ko nabasa! Huwag kang tumingin ng ganyan dahil alam ko namang walang tunog iyang headphones mo—MANONG PARAAA!"

Tumaas ang kilay ko habang pinapanood siyang sunod sunod na sabihin yun at dali daling bumaba ng jeep. Bahagya pa akong natawa dahil sa kaweirduhan niya at umiling iling na napatingin sa mga kasamahan namin sa jeep. Abnormal, tss.

Bumaba na rin ako dahil nasa tapat na pala ako ng school. Agad na hinanap ng paningin ko ang babaeng yun ngunit hindi ko na siya mahagilap pa.

Asan na yun?

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at napatitig na lang sa cellphone na hawak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A NIGHT AFTER THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon