Prologue

58 3 5
                                    


Napapikit ako ng maramdaman ang patak ng ulan sa aking pisngi. Agad ko itong pinunasan habang kinukuha ang aking dalang payong saka ito binuklat at naglakad papunta sa waiting shed malapit sa school. Kaunti na lang ang mga taong naghihintay ng masasakyan dahil gabi na.

Nakalipas ang ilang minuto ay inis akong napatingin sa aking relo. Mahigit thirty minutes na akong naghihintay ng masasakyan ngunit wala pa ring dumarating papunta sa aking ruta at masyado ng lumalakas ang ulan at natatalsikan na din ako ng tubig dahil sa hanging dulot nito. Napabuga na lang ako ng hangin sa pagkainip dahil ng makitang halos lahat ng mga kasama ko dito ay nagsisi sakayan na.

Sinandal ko ang ulo ko sa metal na nasa tabi ko at mariin na napapikit ng biglang humampas sa mukha ko ang ulan ng humangin ito ng malakas. Basang basa na ako!

Inis akong nagmulat at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong natigilan. Napatitig ako sa di kalayuan ng mapansin ko ang dalawang tao na tila ba nagtatalo at para bang hindi maganda ang mga nangyayari doon. Agad na umatake ang kuryosidad ko at hindi ko na mapigilang ihakbang ang sarili kong paa palapit sa kanila. Pumwesto ako sa bandang hindi nila ako makikita ngunit malinaw na maririnig ko pa rin sila. Nang mapagtanto ko kung sino ang mga iyon ay mas lumalim pa ang kuryosidad ko at blangkong tumingin sa kanila.

"Tama na, ayoko na. Matagal ko ng gustong itigil to."

"N-no.. please.."

"Maghiwalay na tayo, Sienna."

"I waited.. hinintay kita Soren.."

Nangunot ang noo ko habang pinapanood ko sila. Bigla ay parang nakaramdam ako ng kung anong kirot sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag pero bakit parang ako yung nasasaktan? Umiling iling ako at malalim na bumuntong hininga bago ko ituon ulit ang paningin ko sa kanila.

"Wala akong sinabing hintayin mo ko—"

"Because you said you love me! Sinabi mong babalik ka! Hinintay kita kahit hindi mo sinabi sakin kasi Soren.. sinabi mo sakin mahal mo ko. Umasa ako, hinintay kita Soren kasi yun ang pinanghahawakan ko, nag tiwala ako pero bakit mo sinasabi to? Bakit kailangan nating maghiwalay?"

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung paano, o kung kailan pero Sienna.." bumuntong hininga siya at tumingin sa babae. "Naramdaman ko na lang isang araw, wala na akong nararamdaman sayo."

Umiyak siya ng umiyak sa harap ng lalaki at pilit na pinupunasan ang kanina pang tumutulo na luha niya. Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang makita, masyadong masakit at hindi ko alam kung bakit masyadong mabigat sa dibdib pero may parte sa akin na gusto ko pa ring manatili ngayon dito sa kinatatayuan ko at pakinggan lang ang bawat binibitawan nilang salita.

"Totoo ang sinabi ko na babalik ako para sayo, kasi mahal kita pero habang tumatagal hindi ko namamalayan, mas lumuluwag na yung nararamdaman ko para sayo. Hindi ko na maramdaman yung dating pagmamahal ko sayo, hindi ko na makita yung sarili kong kasama ka hanggang sa pagtanda."

Napatitig ako sa kanya at parang dinudurog ang puso ko ng makita siya sa ganung itsura. Malayong malayo sa nakasanayan kong masiyahing katulad niya. Humihikbi man ay nagawa niyang magsalita habang nakatingin ng deretso sa lalaki.

"B-bakit nawala? Bakit Soren, m-may iba ka na bang mahal?" Mas lumakas pa ang iyak nito ng makitang hindi sumagot ang lalaki. Gusto kong lumapit pero nagpapasalamat pa rin ako ng makapagpigil ang sarili kong lumapit sa kanila. Hindi ito ang tamang oras para makielam.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noong tayo pa, yung mga panahong lagi tayong magkasama. Totoong naging masaya ako, halos ipagsigawan ko sa lahat kung gaano ako ka swerte sayo." Ngumiti siya ng mapait sa babae habang ito naman ay nanatiling nakatingin sa kanya habang patuloy pa rin ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.

"Pero na realize ko, hindi sa lahat ng oras ay puso ang pinapairal. Masyado tayong napahirapan dahil iyon ang pinapairal natin. Hindi na natin napag tutuunan ng pansin yung mga bagay na dapat ay inuuna natin."

"Soren.."

"Narealize ko na hindi ako karapat dapat sayo Sienna, hindi ko kayang higitan yung pag mamahal na ibinibigay mo sakin at puro sakit na lang lagi ang isinusukli ko sayo.. at pasensya ka na kung nawala ang pagmamahal ko sayo ng ganun lang kasi narealize ko na.. hindi pala ganun kalalim ang nararamdaman ko para sayo."

"Hindi mo sinagot yung tanong ko Soren.." umiiyak na sabi niya.

Ngumiti siya sa babae at tumingin sa langit bago buntong hiningang tumingin muli sa kanya. "Sana pagkatapos nito ay tapos na din ang lahat sa atin. You deserve to be happy, you deserve happiness na hindi ko magagawang ibigay sayo. Alam kong gasgas na ito pero hindi ako yung taong deserve ka, kasi meron pang taong mas deserving para sayo. Please be happy, Sienna. You deserve more."

"Soren, you're not answering my question." Pinunasan niya ang kanyang luha at kinagat ang pang ibabang labi. Parang kung may anong kirot na naman akong naramdaman sa dibdib ko at parang gusto kong umiyak dahil onti na lang ay sasabog na ako. Nakikita ko sa mga mata mo na umaasang maayos pa kayo pero hindi ko alam kung tama rin ba ang nakikita ko? Na parang unti unti mo ng natatanggap na hindi na kayo pwede sa isa't isa.

"Please answer me.. I'll promise.." pinigilan niyang lumuha at hirap man ay nagawa niya pa ring tumingin ng deresto sa lalaki. "I'll let you go, Soren."

Ngumiti ng tipid ang lalaki at malamlam na nilabanan ang mga tingin ng babae sa kanya. "Wala akong iba, pero hindi na ikaw." Matapos sambitin ang katagang iyon ay tuluyan na siyang naglakad papalayo. Inalis ko ang paningin sa kanya at napahigpit ang hawak ko sa payong na hawak ko. Napayuko ako at dahan dahang napatingin kay Sienna. Bumuntong hininga ako habang pinapanood siyang panoorin ang taong mahal niya na naglalakad papalayo sa kanya.

Habang eto ako, hindi malaman ang dahilan kung bakit parang ako ang nasasaktan. Hindi ko maintindihan. Muli ay nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at dahan dahang lumapit sa kanya. Hindi niya ako napansin dahil bigla na lang siyang lumusong sa ulan at agad naman akong sumunod sa kanya at pinayungan siya. Bigla ay napahinto siya at mapatingin saakin, gulat naman akong napatingin sa kanya ng makita ang mukha niyang kahabag habag, mugtong mugto ang mga mata niyang nakatitig sakin.

Bigla ay para akong mawawalan ng hininga at sinikap kong kumilos ng normal sa tabi niya. Halos nararamdaman ko na ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na at sobrang lapit namin sa isa't isa.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganto ang nararamdaman ko.

Sinikap kong ngumiti gayong hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tinitigan ko siya ngunit saglit lang iyon dahil natatakot akong mabasa niya kung ano ang nararamdaman ko. Na kahit ako ay hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag yun kapag napansin man niya iyon. Tumingin ako sa kawalan at napansin kong ganoon din ang ginawa niya.

"Minsan may mga taong nawawala kasi hindi na natin kailangan sa buhay natin." Batid kong napatingin siya saakin ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang gusto kong sabihin. "Pero merong darating na tao sa buhay mo, na handang gawin lahat para sayo. Lahat kayang ibigay at iparamdam sayo kung ano ang deserve mo."

Tinitigan ko siya at ngumiti. "Minsan hindi mo napapansin yung andyan para sayo kasi nakatali pa rin yung mundo mo sa taong hindi kayang ibigay kung anong nararapat sayo."

"Sometimes, it's better to look around you, malay mo siya na pala ang para sayo."

A NIGHT AFTER THE RAIN
All Right Reserved. 2020.

A NIGHT AFTER THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon