Agad akong napangisi nang makita ang setup ng front beach para sa party na ito ngayong gabi. Talagang pinaghandaan nila nang maigi ah!
Maraming mga ilaw na nakatutok sa stage. May mga naglalakihang speakers din sa gilid nito. May DJ din akong nakita sa bandang baba ng stage na nagsisimula nang magpatugtog ng mga kanta. May mga neon strobe lights din na nakasabit sa bandang taas ng stage. Nakahanda na rin halos ang mga food stalls sa paligid at marami na ring mga tao ang nasa gitna na nanunuod na sa mga lalaking nagbubuga ng apoy.
Hawak-hawak ko ang kanang kamay ni Javier na nanatili namang tahimik at parang walang paki sa paligid. Bahagya na ngang nakakunot ang noo niya. Paniguradong naiirita na siya sa mga nakasisilaw na ilaw at sa lakas ng mga tunog. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniya bago siya hinila patungo sa isang food stall na nagtitinda ng mga drinks.
"Yes po, Ma'am? Ano po ang sa kanila?" nakangiting bati ng lalaking nasa counter na nakasuot ng Hawaiian polo shirt.
Naramdaman kong bigla akong inakbayan ni Javier at saka bumulong sa tainga ko.
"Please don't drink any liquor for tonight."
Napalingon ako sa kaniya, kaya naman tumama ang labi ko sa pisngi niya. Agad akong napaatras nang kaunti sa nangyari.
"Bakit naman?" taka kong tanong.
"Because, I want us to do something later. So, don't get yourself drunk."
Night swimming ba? Iba talaga ang mga trip nitong si Doc.
"Okay, fine," suko kong sabi at saka nilingon muli ang lalaking nakangiti pa rin hanggang ngayon sa amin, "uhm, isang lemon iced tea na lang ang sa akin."
"Okay po, Ma'am! Kayo po, Sir?" baling nito kay Javier na nakatagilid at nasa bandang tainga ko pa rin ang mukha.
Bumuntong hininga muna siya nang malalim bago inalis ang pagkakaakbay sa akin at saka nilingon ang lalaki.
"Apple flavored iced tea."
"Okay po," magiliw nitong sagot bago nagtipa ng kung ano sa kaniyang cash register.
Ilan pang sandali, dumating na rin naman ang order naming dalawa.
Maglalakad na sana palayo si Javier nang hawakan ko ang kaniyang braso para ayain sana siyang mag-picture. Wala pa naman ibang customer dito, kaya naman inabot ko ang cellphone ko sa lalaking cashier.
"Kuya, puwede po bang picturan niyo po kaming dalawa?"
Tinanggap naman niya ang cellphone ko at mabilis na tumango.
"Sige po, Ma'am!"
Hinatak ko si Javier palapit sa akin at inayos na muna ang buhok kong nakaladlad lang. Inayos ko na rin ang suot kong halter top at puting denim shorts, bago ngumiti na sa camera.
Bigla ko na lang naramdaman ang braso ni Javier na nakapalibot na sa baywang ko. Mas nilapit niya ako sa gilid niya kaya naman napatingin ako sa kaniya. Sakto rin namang nakatingin siya sa akin nang seryoso. At bigla ko na lang narinig ang pag-click ng phone ko.
Gulat akong napatingin kay Kuya na binaba na ang phone ko.
"Hala, Kuya. Wait lang po! Hindi pa po kami ready!"
"Ay, sige po," sagot nito at muling tinutok sa amin ang phone ko.
"Tumingin ka sa phone, Doc!"
This time, parehas na kaming nakatingin sa camera. Sa susunod na shot ni Kuya, nakangiti ako nang malawak nang bigla na lang umakbay sa akin si Javier habang nakayuko siya nang kaunti para abutin ang pisngi ko.

BINABASA MO ANG
Happily Never After (TSD #1)
General Fiction"...and they lived happily ever after" moments are exactly a dead-end for some stories. While some find it to be the only beginning of something bigger. And unfortunately, something riskier. |The Sign Duology #1 by AndyRache| Book Cover Edit by...