Chapter Five

4.2K 77 33
                                    

MATAMANG tiningnan ni Betty ang cellphone ni Rowan na nagri-ring. Isinara niya ng pinto, at lumakad papunta sa desk kung saan nakapatong ang cellphone. My Wife, the caller read. Nakaramdam siya ng inis, at kung nakakatunaw lamang ang kaniyang mga tingin ay tunaw na ang telepono ng lalaki.

“Hello? Who's this?” Sinagot niya iyon. Tingnan natin, kung anong gagawin mo kung babae ang sumagot sa telepono?

“H-hello? This is.. T-this is, Tyche.. Sino ka? Bakit n-nasayo ang telepono ng asawa ko?”

“Ahh. You must be the Rowan's wife. Ako ang sekretarya niya, si Betty. Busy si Boss at hindi tumatanggap ng Istorbo. So if you'll excuse me, Tyche.” Minadali niyang patayin ang tawag, at patuyang ngumiti habang dinelete ang call log.

Saktong bumukas ang pinto pagkababa niya ng cellphone. Nangunot agad ang noo ni Rowan ng makitang mag-isa roon si Betty.

“Why are you here? Bakit nasa loob ka ng opisina ko?” Mahihimigan ang inis sa tono nito. Rowan is a private man, at hindi nito gustong pinapakialaman ang gamit niya. Lalo na ang private space niya.

“S-sir, i bought the contract. Wala si Roger sa desk niya kaya pumasok na ako—”

“Sa susunod ay h'wag kang basta-bastang pumapasok rito. Iwan mo ang mga papeles sa desk ni Roger kung wala siya— Did you even undergo training?” He asked, obviously annoyed.

“Sorry Sir, hindi na po mauulit.” Inilapag niya ang folder sa desk nito. Hanggang maupo si Rowan ay hindi siya umalis. Umaasang sulyapan man lang siya ng lalaki. Ngunit tila baga hindi siya nakikita ng lalaki, at dinampot ang cellphone. He dialled someone's number, frowning as his call didn't go through.

“Hindi nakapako ang mga paa mo sa sahig, Ms. Betty. Leave.” Utos nito.

Dali-dali siyang umalis sa harap nito at baka mainis pa ang lalaki. Ihinambang niya ang ulo sa nakasaradong pinto, nagliliyab ang mga mata. She was ignored for that bitch. Papaanong mas magaling ang isang taga-probinsya sa kaniya? She was a sought after accountant. She has already reduced herself as his assistant, kahit pa pinagaagawan siya ng maraming kompanya. Yet.. She couldn't even get him to look at her.

Nahanap niya ang sariling kinamumuhian ang babaeng pinagtutuunan ng buong pansin ni Rowan.



DISORAS na ng gabi ng makauwi si Rowan. Marami siyang inasikaso sa opisina, at traffic rin pagpalik niya. Malakas ang ulan at nagka-aksidente pa sa daan. He spent more than two hours in the horrid traffic jam. At natural na paguwi ay pagod siya. Wala siyang gustong gawin kundi yakapin si Tyche sa mga bisig niya. Napailing siya sa iniisip, this early on the marriage and i can't live a day without her, he mocked himself.

“Baby?” Takang inilibot ni Rowan ang paningin sa kwarto. Wala sa kama si Tyche.  Hindi niya maaninag ang dalaga sa kama, at sa banyo ay wala rin. He closed the door. Until he heard pained whimpers from their closet. Nangunot ang kaniyang noo. Gumawa siya ng maingat na mga hakbang patungo sa walk-in-closet, inaalala kung ano mang nangyari rito. His mind was racing with millions of thoughts, his footsteps became quicker.

“.. N-no.. Stop.. St-stop..” He heard her fragile voice whimper. Nalaglag ang kaniyang puso ng makita ang hitsura ng asawa. She was sitting in the closet's corner, hugging her knees to her chest, nakasubsob ang mukha rito. Umiiyak ito habang nanginginig. At tila takot ito sa pagkulog at kidlat, pagka't tuwing dumadagundong ang kulog ay napapaigtad ito. “I d-don't know.. I-i don't k-know..” Sigaw nito at tinakpan ang parehong tainga. He could now see clearly the tears streaming down her face, Lumuhod siya at kinabig ang dalaga sakaniyang mga bisig, niyapos niya ito ng mahigpit.

Let go! L-let go of me!!” Halos histerikal na sigaw ng dalaga, nagpupumiglas na makawala. Dama niya ang hinanakit sa boses nito, at nahihimigan niya rin ang takot.

Tyche, Baby, it's me.” Bulong niya habang hinahaplos ang buhok nito. Ramdam niya ang huminto ito sa pagpupumiglas, at ng tumaas ang mukha ay sinalubong niya ang tingin nito. “No one will hurt you, baby. I'm here.” Pangako niya, at maingat na hinawakan ang pisngi ni Tyche.

Natauhan ang dalaga, “H-hubby..” Bulong ni Tyce. The way she looked at him squeezed his heart. Nangangatal ang labi, nanunubig ang mga mata. There was a hint of reliance in her innocent orbs. Niyapos niya ito ng mahigpit.

“I am here, my darling. Walang masamang mangyayari saiyo, Pangako.” Masuyo niyang hinalikan ang bawat luha ni Tyche. Hinyaan niyang kumapit sakaniya ang dalaga, at ni hindi namalayan ang pagbaon ng kuko nito sakaniyang balat. He was too worried to care. Nagaalala siya para sa babae. Hindi niya alam kung anong nangyari sa Asawa upang makadama ng ganoon. It must be a trauma, and it could have been triggered by the thunderstorm. At hindi nararapat maranasan ng isang katulad ni Tyche. Para sakaniya, tanging mabubuti at magagadang mga bagay lamang ang nararapat para rito. And he will make sure she will have it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DeLa Fuente Darlings: The Innocent Wife [SPG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon