Chapter Four

3.4K 55 7
                                    

SA isang iglap ay natapos na agad ang isang linggo'ng Honeymoon ng mag-asawa. They left the paradise of an island, and now, they were back to reality. Kasalukuyang nasa isang board meeting si Rowan, pinakikinggan ang reports ng GM patungkol sa revenue ng nakaraang buwan. Ngunit tila lumilipad ang utak niya. Naiwan ata sa Mansyon, katabi ng natutulog niyang Asawa.

“Boss.. The meeting has ended.” Bulong ng sekretarya niyang si Roger. Doon lamang siya natauhan. Napansin niya ang pagka-tensyonado ng Board members, pati ang GM ay panay ang pahid ng pawis. Ang akala siguro ng mga ito ay mayroon siyang ikinakagalit. His perfunctory closing speech was absent, for quite a few minutes and it had already been the cause of tension.

“Good job, everyone.” Iyon lamang, at parang sinilihan ang pwet niyang tumayo at nilisan ang lugar na iyon. Agad niyang tinahak ang private elevator, at hinayaang pindutin ni Roger ang office floor niya. The elevator doors opened after some time. He loosened his tie, and slowly walked towards his desk, umupo roon habang blangko ang ekspresyon.

“Quite the Honeymoon boss?” Anito. Mabait si Rowan sa tauhan, at dahil halos sampung taon na niyang kasama si Roger ay para na ring kaibigan ang trato nila sa isa't-isa.

Nagsawalang kibot si Rowan, kunwa'ng binabasa ang ilang kontratang nakalahad roon. Ngunit hindi pa nakakailang segundo, ay itinapon nito iyon kung saan.

“I can't get her out of my mind.” He said, amused. Narealize niya iyon dahil pulos imahe ng dalaga ang bumabagabag sa isip niya. Ang ngiti nito. Ang tawa. Ang mga nangingislap nitong mata. Even her moans, and whimpers. Hindi niya maalis sa isip. His magnificence was confused. Habang si Roger ay napapangiti na rin sa inaasta ng Boss. Sa dinamirami ng naging girlfriend ng Amo ay ni hindi ito umasta ng ganoon. Parang isang teenager na nainlove.

“Bakit hindi mo tawagan?” Payo nito. Napakurap si Rowan, at inabot ang kaniyang cellphone. Ngunit ng makita ang oras, ay bumaling siya rito.

“Cancel all of my meetings.” Seryosong sambit niya, at ibinulsa ang cellphone. Hindi na nagtanong si Roger, naintindihan agad ang intensyon ng Amo. He even escorted Rowan to the Elevator, ngunit hindi sumama. Alam niyang tambak ang trabahong maiiwan ng Boss, at kailangan niyang tapusin ang lahat ng iyon.

Aligaga naman si Rowan, atat na umuwi. Ano kayang ginagawa niya? Wika niya sa isip. When he left her in the morning, she was still slumbering. Wala siyang balak gisingin ang dalaga dahil marahil, pagod pa ito. But it was noon now. Marahil ay gising na iyon. He wanted to have lunch with her. Gusto niyang magkasabay muli sila sa pagkain.

Naiiling na bumalik si Roger sa Opisina. Tinamaan na nga ang kaniyang Amo, ng pagibig. Buong akala niya noong una ay mabait lamang ang Boss kung kaya't pinagbigyan sa gusto ang matandang Abuelo. Ngunit sa inaasta nito ngayon ay hindi lamang ang Abuelo ang iniisip. The then, unreachable Young Master was now like them, Mortals. Sunod sunuran sa bulong ng puso.

Nakangiting binalikan niya ang office, ngunit nakasalubong ang isa sa assistang ng Boss. Si Betty, ang apo ng isa sa Advisers ng Amo noon. Hindi maganda ang kutob niya sa babaeng ito. Tila may ibang motibo kay Rowan. His face hardened.

“Roger, Si Boss iyon diba? Bakit raw umalis?” Halatang dismayado ito, ngunit pekeng ngiti ang iniharap sakaniya.

“Namiss iyong asawa niya, kumaripas pauwi si Boss.” Sinadya niyang ipaalam rito. Nakita niya ang pagguho ng ekspresyon nito. She looked dark. “Intindihin mo ang trabaho mo, Ms. Betty. Huwag mong ipahiya ang lolo mo.” Nilampasan niya ito.

“Peke lang naman ang kasal nila. Hindi ko ipinapahiya ang sarili ko, dahil alam kong napilitan lamang si Boss. I love him, i know i can make him love me too. What does a rich young lady know about pleasing a man like our Boss?” Ismid nito. Napatigil si Roger.

“Maraming puta sa mundo, Betty. Ang pinaka-masahol ay ang maninira ng pamilya. Know your boundaries, nag-aral ka pa naman.” He hissed.




NAKALABI si  Tyche habang nilalaro ang laman ng kaniyang plato. Malungkot ang mga mata nito, at walang ganang kumain.

“Hija, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Nagaalalang saad ni manang Melda. Ang mayordoma, at napagalaman rin niyang tagapangalaga ni Rowan simula bata pa ito. “Sabihin mo lang, at magpapaluto tayo sa kusina ng bagong putahe.” Ngumiti ito sakaniya. She smiled back.

“Hindi na po, Labis pa nga ito para sa isang tao... Bakit hindi niyo po ako saluhan?” Pilit niyang pinasigla ang boses, ngunit hindi iyon umubra.

“Naku, hija. Kumain na kami, ikaw na lamang ang mag-tanghalian.” Tila ito nagagalak sakaniya. Sinandukan siya ng mabangong kanin, at magiliw na nilagyan ng ulam ang kaniyang plato. “Alam kong pagod ka pa galing sa byahe, kaya magpakabusog ka para mabawi mo ang iyong lakas. Kumain ka ng madami, at para rin tumaba ka ng husto!” Anito, kung kaya't napangiti siya.

She was indeed feeling down when she woke up. Wala na sa tabi niya si Rowan ng magising siya, at aalog alog ang pakiramdam niya sa Mansyon. Naiintindihan niyang kinailangan nitong bumalik sa responsibilidad niya sa Kompanya, ngunit hindi niya maialis sa sarili ang malungkot. Pakiramdam niya ay bumalik nanaman siya sa puder ng Lolo, kung saan wala siyang makasama kung hindi ang mga helpers. Sawang-sawa na siya sa ganoong set-up.

“Senorito!” Bulalas ni manang Melda, ang tingin nito ay nasa may likod niya. Mabilis na nilingon niya iyon, at agad namang lumundag ang puso niya sa saya ng makita si Rowan, in all his handsome glory. Hindi na siya nagatubili at sinalubong ang lalaki, niyakap niya ito ng mahigpit. Maiiyak siya sa saya.

“Seems like you didn't miss me,” anito at isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg. Huninga ito ng malalim. Lumayo si Tyche, kaya napatingin rito ang lalaki. She quickly kissed his lips, na agad na tinugon ni Rowan. Ipinulupot niya ang tie nito sa kaniyang mga daliri, at hinila iyon. Napangiti ang lalaki habang magkadikit ang mga labi nila. He held the back of her head, and kissed her all over her face. “Naughty girl.” Napahagikhik siya, at niyapos lalo ang binata.

“Kumain ka na baby?” Tanong nito. Umiling siya. Ginagap ni Rowan ang kaniyang kamay, at hinila siya sa table. Pinaghila siya ng upuan at umupo sa head of the table. Hinagkan niya ang palad nito, masayang masaya.

“Thankyou, for having lunch with me, hubby.” Sabi niya mayamaya. Iniisip niyang babalik pa si Rowan sa trabaho, kaya nilubos niya ang oras na magkasama sila. She really appreciated his effort to go back and forth. But you don't have to do it again. Ipagpahinga mo na lang ang oras na ibabyahe mo. Ayokong.. Ayokong mapagod ka.”

Baby, kahit pa ikutin ko ang buong mundo araw araw kung ganoon ang pagsalubong mo tuwing uuwi ako, baliwala sa akin yon.” Anito. Hindi tuloy mapigilan ni Tyche  ang paghuhurimintado ng mga paruparo sa tiyan. “Besides, we have the rest of the day. Nasa sa iyo kung papagurin mo ako.”

Nagliwanag ang mga mata ni Tyche. “Ibig mong sabihin..” Pinisil niya ang kamay nito. “Tara na sa itaas.” Yaya niya.

DeLa Fuente Darlings: The Innocent Wife [SPG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon