WARNING: Ang kuwentong ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng author. Ang anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar at events ay hindi sinasadya. This story may consists of violence and sensitive topics or scenes. Kapag hindi kaya ng utak at puso mo, 'wag itong babasahin. You've been warned.
Keep in mind that the author don't edit her stories here in Wattpad. So expect the grammatical and typo errors ahead. And this story is written in Third Person POV unlike the Phoenix Series which is written in First Person POV. Nangangapa si author kaya patawad kung may pagkakamali. Thank you.
Enjoy reading and welcome to the new series, Bleed Series, written by Rosas Vhiie.
Started this story last June 26, 2020 💛 Ngayong 2022 pa lang po ito matatapos. Salamat sa patuloy na naghihintay.😘
PROLOGUE
NAPAUNGOL si Giselle sa sobrang sakit. Bumaba siya mula sa malapad na kama ngunit kalaunan ay bumagsak din sa sahig.
"M-Mommy..." nanghihina ang boses na tawag niya sa ina.
Pero walang nakakarinig sa kaniya. Sinubukan niyang gumapang sa kabila ng panghihina niya. Sobrang lamig ng kaniyang pawis at ang sakit sa kaniyang dibdib ay naaapektuhan ang kabuuan ng kanyang katawan. Tila namamanhid siya.
Nang makarating sa sulok ng kuwarto ay dahan-dahan siyang umupo at awtomatikong niyakap ang magkabilang tuhod habang nanginginig sa takot. Ang luha sa kaniyang mga mata ay sunod-sunod na pumatak.
Napatitig siya sa hawak na cellphone nang tumunog iyon.
Honey calling...
Nanginginig ang mga kamay na tinitigan niya iyon. Namatay ang tawag ngunit wala pang isang segundo ay muli iyong tumunog. Napalunok siya kasabay ng pagtanggap sa tawag.
"Hon, kanina pa ako tumatawag. I'm on my way there. Just give me ten minut-"
"D-Don't come here, please." She was begging.
Ramdam niyang natigilan ito mula sa kabilang linya.
"Hon, are you okay? Are you sick?" Napakagat siya sa sariling labi nang mahimigan ang matinding pag-aalala sa boses ng fiance.
YOU ARE READING
Silent Pain(Paid Story on Nobelista)
RomanceA VERY MATURED CONTENT. How can you love a person who doesn't remember you the next day? How can you deal with a person who will say I love you but doesn't remember it the next day? Sadyang manhid lang ba ang puso mo dahil kahit gaano kalala ang sit...